40 • Talk

1.9K 195 8
                                        

Inabot ko sa kanya ang T-shirt niya mula sa gilid ng ilog. "O, ito na."

Narinig ko siyang tumawa. Anong nakakatawa? "Alam mo, nakakatawa ka. Idilat mo nga yang mga mata mo." Sabi niya sakin. Nakapikit kasi ako nang inabot ko sa kanya isa isa ang damit niya.

"Ayoko nga..." kako, ayoko talaga. Dios ko!

"Hahahaha bahala ka nga." Hindi na din siya nagpumilit pa. Buti naman. Sana bilisan niyang magbihis para maka hinga na ako ng maayos.

"Tapos na, dumilat kana." Aniya.

Agad naman akong dumilat. "Ay! Bastos! Bastos! Bastos! Susmaryosep ka Chard!" Sigaw ko. Hindi pa pala siya nakabihis ng  maayos. Nakatalikod siya sakin pero yung boxer shorts niya di pa nasuot ng maayos. Nakita ko tuloy ang insert coin niya. Mahabaging langit!

Matapos nung insidenting yun medyo ang awkward ba tuloy makipag usap sa kanya kaya inaliw aliw ko nalang ang sarili ko sa patingin tingin sa paligid habang siya din ay may kung anong hinahanap sa gilid gilid. Di pa ba kami aalis dito? Baka maabutan kami ng ulan? O di kaya may makakita samin dito? Rebelde. My goodness! Maute group.

"Ch-Chard di pa ba tayo aalis?" Tanong ko habang pinapagpagan ko ang damit ko.

"Gusto mo ng umalis? I... uh, mean ayaw mo ng magmasidmasid sa paligid? Alam mo na, nature can make us calm. Baka naman mas makatulog pagmagtagal muna tayo saglit parang fresh pa din kasi yung tensyon na nangyari kanina, e." Pahayag niya sakin. Aling tensyon ba doon? Aw. Joke lang ulit.

"Okay." Yun lang ang nasabi ko sabay upo ulit sa malaking bato. Sabagay tama nga naman siya. Medyo nakakatulong nga tong paligid sa mga halos nakaka traumang pangyayari sa akin kanina. Buti nalang dumating siya. Akala ko na talaga masasama na ako doon sa hayop na yun. Haaay, mala pelikula yung pangyayari kanina. Pag naaalala ko kinikili...-

"Anong nginingiti ngiti mo diyan?" Nagulat ako ng may biglang nagsalitang, engkanto. Poging engkanto, charot! Di si Chard lang naman. Tumabi sakin may dalang niyog.

"H-ha? Uy! Niyog. Favorite ko to. Pahingi nga." Change topic tayo mga bes. Mahirap na. Nginatngat ko ang laman ng niyog.  "Wew, shawap!" Kako habang nginunguya ang kinakain ko.

"Alam mo para ka talagang bata..." napangiti niyang sabi sakin. "Dahan dahan lang naman, di ka ma uubusan niyan. Gusto mo bilhan pa kita niyan pag uwi natin, e. Para may stock ka sa bahay."

"Wag na. Okay naman na ako dito. Na miss ko lang din naman doon sa probinsya." Sabi ko sa kanya.

"Naalala ko. Hmmm, alam mo? Kung ako masusunod? Mas pipiliin kong sa probinsya manirahan kesa dito." Pahayg niya sakin. Wow, so magiging probinsyano na ang peg mo loveydabs. Huy, ha? Loveydabs ka diyan.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Mas tahimik kasi yung buhay doon. Walang sagabal sa oras, pamilya at pagtatrabaho lang sa bukid ang iniisip. Alam mo yun? Yung di muna iisipin ang ibang tao? Lalo na yung mga lakas mangutang sayo. Yung si dad, si ate Sheena, si ate Sasha, si Athens at ikaw lang yung iisipin ko." Sabay tingin sakin.

Nako naman. Kahit anong pilit nating takasan ang mga ganitong usapan kusa talaga siyang dumadating kaya Maitot, umayos ka at mag usap kayo ng masinsinan.

"Chard..."

"Kanina, akala ko iiwan mo na ako." Aniya danay yuko. "Akala ko mas pinili mo ang lumayo sakin kesa ang tanggapin ako." Dagdag niya.

"Di, a. In fact, tatawagan na nga sana kita kanina para kausapin sa bagay nato. Sorry Chard kung  ganun ang reaction ko nung isang araw. Sobrang nagulat talaga ako, e. Alam mo naman na first relationship ko to tapos agad agad? Yun talaga ang bubungad sakin? May anak kana? Sino ba ang di ma wiwendang diba?"

"Naiintindihan kita Maine kaya nga binigyan kita ng oras para makapag isip at nagpasalamat naman ako sa Dios na binigyan mo ako ng pagkakataong mag explain ng side ko."

"Kailangan ko din naman  alamin ang side mo bago ako mag desisyon. Ayaw kong may pagsisisihan ako sa huli, e."

Matahimik kami saglit.

"Maine, pwede ko na bang alamin kong ano ang desisyon mo? P-pero kung wala pa okay lang, maiintindihan ko naman. At kung di mo matanggap ang kung anong nakaraan at kung anong meron ako ngayon... wala naman akong magagawa kundi ang respetuhin ang desisyon mo."

I sighed. Wow english. Hahaha sorry naman. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Paano ko sisimulan ang litanya ko. I gave a heavy sighed again. Wow, mas mahaba na english hahaha.

"C-Chard, di ko alam kung anong meron sayo... ang bilis kong naging komportable  kahit sinusungitan mo ako noon, kahit naiinis ako pero minsan hinahanap kita at mas lalo akong nagtaka na ang bilis kong nahulog sayo. Hindi pa nga kita kilala ng husto, mga 1 or 2 percent lang nga ata ang alam ko sa buhay mo, e. Pero palagay na agad ang loob ko sayo. Haaay, pasakalye ko lang yun. Sa totoo di ko talaga alam kung paano simulan to." Pahayag ko sa kanya.

"Kung naguguluhan kapa Maine I can still give more time." Tinignan niya ako sa mata. Para bang ang mata niya ang nagsasalita sa kung anong nararamdaman niya ngayon. Ang lungkot niya.

Dahan dahan kong hinawakan ang kamay niya. "Chard, alam mo bang hangang hanga ako sayo? Ang hirap kaya ng nangyari sayo. Yung iba siguro nun magrerebelde pa siguro hanggang ngayon pero mas pinili mo pa ring respetuhin ang pamilya mo lalo na ang papa mo nang dumating ang step mom at kapatid mo. Sa kaso mo naman na may instant anak kana wala na naman akong magagawa doon. Alam kong kulang pa ako sa karanasan sa mga mabibigat na sitwasyon nato Chard pero mahal kita, e. Mahal na mahal." Nakita ko ang kunting kislap ng kanyang mata nang magtama ang mga tingin namin.

"Diba ganun naman pagmahal mo ang isang tao? Tatanggapin mo ang kung anong meron sila? Kaya Chard..." pinisil ko ang kamay niya. "Di ako aalis. Andito lang ako para sayo. Kasama mo at magmamahal sayo." Tinignan ko siya ng husto sa mukha.

At parang nadurog ang puso ko nang makita ko ang unang luha na pumatak sa mata niya. Nginiti.an ko siya at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Salamat Maine... maraming maraming salamat. Mahal na mahal kita. Sobra." Bulong niyang paulit ulit sakin.

Matapos ang medyong mahaba habang yakapan tinignan ko siya ng ulit sa mukha at nginiti.an siya. "So when can I meet your daughter?"

•••
OMG!! Salamat pala sa lahat! 😍

No Empty SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon