4 • Hello Day 2

2.2K 175 11
                                        


Gumising ako na mabigat ang aking pakiramdam. Hindi pa din kasi sanay ang katawan ko sa ganung trabaho. Ang sakit ng mga paa ko, siguro dahil sa heels na gamit ko. Pati likod grabi! Parang pinokpok ng partilyo. Pero bagong araw ngayon, bagong pag-asa.

Tama! Pero Maypag-asa paba talaga ako? Pangalawang araw ko sa under his observation mode daw. Duuh! Nananakot ang tukmol. Akala naman kung sinong gwapo! Langya! Di nakaka gwapo ang masamang ugali noh.  Ah! Basta! Kakayanin ko to. Titiisin ko ang lahat para kay tatay. Para to lahat sayo tay! Lalaban tayo.

Bumangon ako at nag inat inat ng kunti.

"Uugh! Ang sakit sakit talaga ng katawan ko. Grabi!" Mahina kong sabi.

"Hi couz, magandang umaga. Okay ka lang? Hehehe medyo you look Haggardo Versoza na eh. Hehehehe" pabirong sabi ni Joyce sa akin.

"Okay lang couz. Naninibago lang. Pero sa samula lang to. Alam kong kakayanin ko pa. Hehehe"

"Naks! Yan! Ganyan dapat! Laban kong laban sa buhay. Hehehe nga pala. . . Ito oh? Pandesal. Pasensya na couz, ito lang muna agahan natin ha? Nagpadala kasi ako ng pera kila mama Tenten at papa Bernard eh. Tapos dinagdagan ko na din para sa dialysis ni papa Toto para sa ngayong linggo. Mas maganda masimulan ng mas maaga sis para naman madaling gumaling si papa."

"Hala! Couz! Nagpadala ka din para kay tatay? Naku! Nakakahiya naman. Uhhmmm di bale. Pag nagka sweldo tayo babayaran kita ha? Utang yun."

"Uy! Ano kaba. Pamilya tayo noh! Dapat magtutulungan tayo. Tsaka, sagot muna kita ngayon kasi wala ka pang sweldo. Kaya tyaga tyaga muna tayo sa pandesal at kape ha? Okay lang ba?"

Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko. Ang swerte ko pa din na may pamilya pa akong masasandalan sa ganitong sitwasyon. Haaay.

"Tama na nga yan! Nakakahawa ka Mai. Kumain na nga tayo. Iyakin ka talaga." Mangiyak ngiyak na saway sa akin ni Joyce.

Pinunasan ko ang mga luha ko at nakikain na din. Marami kaming mga napag usapan. Kasama na din ang trabaho.

"So Mai, kamusta ang trabaho? Di kaba  nahirapan?"

Nawala naman ang kunting ngiti mula sa aking mga mata at labi ng nabanggit niya ang trabaho.
Si Anak ni satanas kasi yung naaalala ko. Bago ko pa siya nasagot tumunog naman ang cellphone niya.

"Oh Mai. . . sabi ni mama kakausapin ka daw ng tatay mo!" Agad akong tumayo at kinuha ang phone niya.

"Tay! Magandang umaga po." Bati ko sa kanya sa kabilang linya. "Kamusta po kayo?"

Di masyadong nagtagal ang aming pag uusap dahil nag low battery ang phone ni Joyce. Yung phone ko kasi sira ang speaker. Kaya di ako naririnig ng tao sa kabilang linya na nagsasalita ako. Siguro sa first sahod ko bibili ako ng matinong cellphone kahit di yung touch screen basta ba magamit pantawag at pang call kay tatay. Pwede naman ako makihiram sa tablet ni Joyce kung makikipag video call kami sa kanila doon.

Naging mabagal ang pagkilos ko sa bandang hapon. Mas parang lumalala ang masamang pakiramdam ko lalo na nung nakita ko ang orasan na malapit na naman kaming umalis para sa trabaho. Nakaka trauma kasi talaga yung nangyari kagabi lalo na nung binantaan ako nung anak ni Sir Senior.

Kahit gustuhin man nating tumigil ang oras at ang mundo. . . hinding hindi talaga yun nangyayari. Kaya ito ako ngayon, naka ilang buntong hininga na at papasok na sa loob ng staff room ng pinagtatrabaho.an ko.

'Sana di ko siya makita ngayong gabi, sana di ako mahirapan ngayon, sana makaya ko to lahat.' Dalangin ko habang naa upo dito sa sulok habang naghihintay kay Joyce na matapos mag makeup.

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now