"Hindi ka ba talaga tatahimik? Ha?! Kanina kapa iyak ng iyak, e." Reklamo ni Leo habang nagmamaneho siya.
"Ibalik mo na ako, please. Wala naman akong ginawa sayong masama, a. Bakit mo ba ako ginaganito?" Tinanong ko siya na humihingos.
Bigla nitang itinabi ang sasakyan sa gilid ng daan at pinatay niya ang makina.
Hinarap niya ako at tinignan ng mataimtim... "Anong wala?! Iniwan mo ako ng basta basta lang? Sa dalawang taon Mai?! Sa dalawang taong yun? Wala ka talagang naramdaman na pagmamahal sa akin?! Tapos mababalitaan ko lang na may iba kanang nakilala dito at ang matindi sinagot mo siya?! Pambihira! Ano ba talaga kasi ang kulang ko!? Sabihin mo!!! Lalamangan ko yung hayop na syota mo." Gigil sa galit niyang sabi. Natakot akong gumalaw baka ano na naman ang maisipan niyang gawin sakin.
"Ano? Hindi ka makapagsalita?! Bakit? Kanina ang ingay ingay mo tapos ngayon tikom na yang bunganga mo." Humarap siya at pinaandar niya ulit ang sasakyan. Ibanalik niya na sana ito nang biglang may bumagsak sa harapan ng kotse. Ano yun?
Nagulat ako, pati din si Leo. "Shit! Magbabayad talaga ang may gawa nito." Inalis niya ang seatbelt niya at lumabas ng kotse. Sinundan ko siya ng tingin habang naglakad siya para tignan ang harapan ng sasakyan. Nagulat nalang ako nang biglang may sumuntok sa kanya at halos lumipad siya sa gilid ng daan sa lakas ng suntok nito.
Chard??! Dios ko. Si Chard nga... kinalas ko ang seatbelt ko at dagling lumabas.
"Hayop ka! Gago ka! Papatayin kita!" Yun ang paulit ulit na sabi ni Chard habang sunod sunod na suntok ang ibinigay niya kay Leo.
"Chard!" Sigaw ko. Lalapit na sana ako nang may humawak sa braso ko. Si Top.
"Wag. Hayaan mo siya. Walang makakapigil sa kanya pag ganyan siya kagalit. Parating na din naman ang mga pulis hayaan nalang natin na sila ang pumigil sa kanya.
"Pero...-"
"Walang sinasanto yang boyfriend mong yan Mai. Halos ilipad na nga niya yung motor kanina sa daan matapos kong ibalita sa kanya ang nangyari sayo." Pahayag ni Top sakin. Totoo nga, ibang iba ang aura niya ngayon. Pulang pula na siya sa galit at parang kaya niya talagang pumatay ng ta...-OMG! Nakahandusay na sa daan si Leo na halos wala ng malay at dugu.an.
Tinakbo ko si Chard. Naririnig ko na sumisigaw si Top sa likuran para pigilan ako ulit pero di ko ito pinansin. Agad ko siyang niyakap sa likuran. "Tama na, tama na yan." Bulong ko sa kanya. Pumipiglas siya mula sa pagkakayakap ko pero mas hinigpitan ko pa ito."Tama na please. Tama na Chard. Hayaan mo na siya. Baka mapahamak kapa pag itinuloy mo pa yan. Mga pulis na ang bahala sa kanya." Bulong ko sa kanya. Naramadaman kong di na siya pumipiglas at dahan dahan siyang lumingon sakin.
Nakita ko ang pamumula ng kanyang mata. Ganito pala magalit ang isang Chard Faulkerson. "Maine..."
"Chard..." niyakap niya ako ng mahigpit. Para akong nabunutan ng tinik sa mga bisig niya. Nakaramdam ako ng pagkalma sa puso ko.
Kumiwalas siya at parang inusisa niya ako. "Okay ka lang ba? Anong ginawa ng gagong to sayo?" Sabay sipa kay Leo na nasa paanan niya.
"Shhh, okay lang ako. Wala naman siyang ginawa sakin maliban sa mga masasamang salitang binitawan niya sakin." Kako, kailangan ko siyang i.assure para maibsan ang pag aalala niya.
"Hindi ko talaga palalampasin tong ginawa ng gagong to sayo! Sisiguraduhin kong di na siya makakalapit sayo mula ngayon." Seryosong sabi niya.
Narinig namin na may paparating ng mga pulis kaya iginiya ko nalang siya malapit sa motor niya para ipakalma. Itinayo naman nila si Leo para dalhin sa presinto.
"Mai..." tawag sakin ni Leo. Biglang nanlamig ang batok ko. Siguro nga natakot ako sa kanya. Hinawakan ko ng mahigpit ang braso ni Chard. "Di pa tayo tapos. Tandaan mo yan." Banta niya sakin. "Ikaw!" Sabay turo kay Chard. "Pagbabayaran mo tong ginawa mo sakin hayop ka!"
"Wow. Bago mo pa magawa yang pagbabanta mo uunahan na kita gago ka! Sisiguraduhin kong mabubulok kana sa pagkakalagyan mo!" Sigaw ni Chard sa kanya. Akmang na naman niya ito para suntukin pero pinigilan ko siya ulit na lumapit dito.
Matapos ng ilang saglit... nagpaalam si Top para puntahan si Joyce habang kaming dalawa ay naiwan sa motor.
"Sakay." Aniya sakin.
"H-ha? Pupunta pa tayo sa presinto." Kako.
"Daanan nalang natin yun mamaya. Hayaan mo siyang indahin ang lahat ng sugat niya."
I sighed at sumampa na din sa motor niya. Agad niyang pinaandar ito at nagpaharurot ng takbo. Napahawak akong husto sa bewang niya. Halos matangay na din yung katawan ko sa lakas ng pagpatakbo niya sa motor.
Medyo malayo layo na yung binyahe namin at mukhang di na sementado tong dinadaanan namin. Lubak lubak na ang daanan at mga malalaking kahoy na ang nasa paligid. Ilang saglit lang ay narinig ko ang rumaragasang tubig.
Huminto siya at ipinababa niya ako.
"Bakit tayo nandito?" Agad na tanong ko. Nasa isang ilog kasi kami ngayon na may talon sa di kalayu.an...
"Maliligo ako."
"H-ha? Dito?"
"Oo. Na stress ako kaya kailangan kung magpalamig ng isip bago tayo mag usap ulit tungkol sa mga bagay bagay." Aniya. Napaatras ako nang bigla niyang hinubad ang Tshirt niya. OMG! At isinunod niya ang pantalon niya.
"Huy! Sandali naman kasi... di ka naman nang orient. Ipatalikod mo muna ako." Kako. Totoo naman. Maghubad ba naman sa harap ko? Dios ko. Wala bang camera dito? Nang ma picture.ran ko naman. Hahaha joke.
"Tumalikod ka kung gusto mo. Makikita mo din naman to pagkasal na tayo." Por Dios por Santo.
•••
🎶 Rescue me... 🎶
Paaak. Hello guys? Okay naba ang mga BP natin dito? Hehehe love you all.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
No Empty Spaces
Hayran KurguIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
