14 • Meet

2.3K 209 36
                                        


Leo.

'Bakit siya nandito?  Paano niya nalaman na dito kami nakatira? Bakit? Paano? Bakit? Paano?' Paulit ulit na tanong sa isip ko. Sobrang gulat na gulat ako. Dios mio! Paano to? Papapasukin ko? Paaalisin? Aha! Sa labas na lang kami mag uusap.

Pero bago ko pa nasabi yun. May tumili na sa bandang likuran ko.

"Leo!" Sigaw ni Joyce. Kaya napatabi ako para mas maklaro nila ang isa't isa sa pagbati. First time ulit nilang magkita ngayon after sa mahaba habang panahon.

"Hi Joyce, its good to see you, again." Bati ni Leo sa kanya. Gwapo nama talaga tong lalaking to. Wala nga lang dimples pero ang charming talaga ng pagmumukha niya.

"Pasok ka! Dali, dali." Anyaya sa kanya ni Joyce. Pagtingin ko kay Top medyo nag iba yung awra niya. Nagulat din siguro siya sa magiliw na pag approach ni Joyce kay Leo, hmmm. Pero kunting eksplenasyon lang siguro ni Joyce sa kanya mamaya magiging okay na. Yung isa naman parang walang pake sa paligid, kain lang siya ng kain.

"Ay! Couz, wait lang. Sa labas nalang kami mag uusap. Masikip na dito sa loob, e. Tsaka andiyan pa yung dalawa ano nalang sasabihin nila." Pagpigil ko.

"Uh. . . S-sig. . -" hindi natapos  ni Joyce ang sinabi niya dahil sumambat ang anak ni.  .yeah! S.

"Why don't let your visitor come in? Ipakilala mo naman samin yan!" Seryosong sabi niya.

"Uh, sa labas nalang daw sila sir." Sagot naman ni Joyce. "Masikip na kasi dito sa loob." dagdag pa niya.

"No, okay lang. Sanay ako sa masikip, e. Diba Mai?" Sagot naman ni Leo na ikinagulat talaga naming lahat. Anong ibig niyang sabihin? Anong sanay? Teka nga. . . Bakit ang halay ng nasa isip ko. He smiled as he removed his shoes.

"Oh, humorous. Pasok ka! Kain tayo."  Nagsalita na din si Top. Mukhang may hint na sila kung sino to.

"Guys, this is Leo. Kasama namin siya doon sa probinsya. Leo , this is my boyfriend. . . Kristoffer." Pinakilala siya ni Joyce agad agad. Habang ako nasa bandang likuran lang. Medyo di pa ako nakakarekober sa gulat, e.

"Hello brod. Leo, Leo Olivar." Inilahad niya ang palad niya ka Top.

"Top nalang pare, Top." Kinamayan niya din ito at nginiti.an. Nakita ko ang pagkalma sa mukha ni Joyce ng nagkamayan ang dalawa.

Sininyasan naman ako ni Joyce na ipakilala kay Chard.

"Uh uh. . . Lei, si ano. . . Boss ko, si Chard. Chard si Leo." Sabi ko sa kanya. Medyo kinakabahan ako ha. Kayo kaya sa sitwasyon ko? Nagkaharap si Present crush at si uhm .  . . Present suitor? Ganun? Basta! Yun na yun.

"Hi Sir, Leo Olivar po." Inilahad niya ulit at kamay niya. Magalang na tao talaga tong si Leo. May manners. Di gaya ng iba diyan. Ngatngat ng ngatngat lang ng kinakain na manok.

Medyo lumundag ang puso ko sa nangyayari. . . Tinitigan lang ni Chard si Leo sa mukha, pinasadahan din niya ito ng tingin hanggang sa kamay na inilahad ni Leo. Ang kapal talaga ng mukha. 'Pag ikaw mag inarte sasapakin talaga kita asungot ka! Uraurada.'

"Richard, Richard Faulkerson Jr., Chard nalang. Yan tawag nila sakin." At kinamayan na din niya ito. 'Hay salamat!'

Pero mas parang nastatwa ako sa pahabol ni Leo sa kanya. "I'm the suitor." Pati si Joyce at Top nagulat din sa sinabi ni Leo. Kitang kita ko na mas hinigpitan pa ni Leo ang kanyang pagkahawak sa kamay ni Chard.

Tinaasan siya  ni Chard ng kilay. Parang biglang lumiyab ng tensyon sa buong paligid. 'Patay!'

"Well, I'm the boss." Aniya. Ano raw? So?

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now