"Tignan natin kung gaano niyo kaalam ang bawat parte ng katawan ng asawa niyo. Now, daddies! Position all the bottles!" Halos mawindang kami ni Chard nang makita kong anong size ng bottle. 12oz. Dios ko! Masusubsob ang mukha ko sa ano. Wooooah! Gusto ko ng mag back out pero nang tignan ko si Athens halos maubusan na ng boses ang bata sa kaka cheer sa amin.
"Okay, kids. I.blindfold niyo na ang mga mommies niyo."
"Mommy, alam kong kaya niyo to ni daddy. Goodluck po." Nakangiti siya hanggang sa wala na talaga akong makita dahil nakapiring na ang mata ko. Ito na.
"Ready."
Dios ko Lord!
"Get set!"
Mama mia.
"Go!"
Kumapa ako sa hangin. Dios ko. Mapapakanta ata ako ng 'Lead me Lord' nito.
"Maine! Maine! Dito dito. Right right." Right daw. Nako naman. Kumapa ulit ako. Malayo pa ba? Hindi ko pa kasi nahahawakan si Chard.
"Straight lang Maine, yan. Ganyan! Sige. Straight, O, kumaliwa ka ng kunti. Yaaan! Yaaan!" Ito na. Malapit na boses niya. "Yumuko ka Maine! Yuko." Hala! Yuyuko na ba? Ano ba! Halos naliligo na ako ng pawis ngayon.
"Baba pa, baba pa. Yaaan! Ipasok mo na. Ipasok mo." Mahabaging langit! Ano bang klaseng laro to??! "Lumapit ka pa ng kunti. Yaaaan! Yaaan! Pasok na!!! Dali!!!" Kalma puso, puson, matres. Wooooah!
"Mommy Maine! Ipasok mo pa. Kailangan umabot ang straw sa dulo ng bote! Malapit na!" Rinig na sabi naman ng announcer.
"Maine, idiin mo pa! Sige." Ikaw na bahala Lord! Idiniin ko pa ang sinabi niyang idiin pa at nakarinig kami ng pito.
"Prooooooooot! Mr. & Mrs. Faulkerson win the game!" Agad kong kinuha ang piring ko sa mata. Totoo? Nanalo kami? ISANG MALAKING PAANO?!!
"Mommy! Daddy! Nanalo tayo! Woooah!" Patalon talon ang mag ama sa saya pero ako medyo mahilaw hilaw yung ngiti ko. Nanalo ba talaga kami? Pero teka... paano? Saang bahagi ba ng gitna ko siya nahawakan? Sana sa hita lang. hooo! Wala naman akong nakapa na matiga... Dios ko! Maitot mag hunos dili ka.
"Maine? Okay ka lang ba?"
"H-ha? Oo naman." Nginiti.an ko sila.
"Tara, magpahinga muna tayo. Later na tayo ulit sasabak sa mga laro." Yaya ni Chard saming dalawa ni Athens.
Nagpicnic kami sa gilid ng pool. Wala kasing masyadong tao dito ngayon dahil halos busy ang lahat sa pag participate sa mga laro.
"Dad, sobrang happy ko po. 3 games na yung panalo natin."
"Dadagdagan pa natin yan baby." Kinurot naman niya ang pisngi ni Athens. Ang cute talaga nilang tignan. Paano kaya kung wala ako no? Siguro mahirap to para kay Chard. Haaay. Paano naman kung iba ang kasama nila dito? Paano kung hindi ako? Biglang sumikip ang dibdib ko. Di ko ata kaya na makita silang dalawa na may ibang nagpapasaya sa kanila.
"We will win more games daddy ha? Full face tayo!"
Tumawa naman si Chard. "Full force anak."
"Hahahaha, ay sorry! Wrong ako."
Nakitawa din ako sa kanila. Nagstay pa kami doon ng isang oras bago kami bumalik sa field.
"Daddy and kids na naman daw po ang laro! Sali ulit tayo daddy!" Tumango naman si Chard at tinignan ako. Nginiti.an ko lang sila at tinangu.an. Kinarga naman ni Chard si Athens at patakbo siyang papuntang field.
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
