53 • Game Day

1.7K 180 15
                                        

Achi sunnypajamas  napa update ako dahil sa sinend mo sakin na picture! Kaya I dedicate this update for you. Wuv you! 💕

•••

"Good morning everyone! How's your sleep? Sana naman okay tayong lahat dito. If you have any concerns or suggestions please do approach us and we will do something about it. Now, let's prepare ourselves. Mag inat inat na tayo mga daddy and mommy! In 30minutes we are going to start our Palarong Pampamilya."

Nagpalakpalakan naman ang lahat sa anonsyo na narinig namin galing sa program committee chairman.

Halos mapatalon ako sa gulat nang may humalik sa pisngi ko. "Hi good morning!" Bati nito sa akin. Hindi pa kasi siya gising nung nagpatawag ng meeting ang coordinator kaya sila nalang dalawa ni Athens ang bumaba at iniwan nila si Chard na mahimbing pang natutulog.

"Daddy! Late ka!" Sabi naman ni Athens. Kinarga naman siya ni Chard at hinalikan sa pisngi.

"Sorry baby! Medyo napagod si daddy kagabi, e. Ito kasing mommy mo." Aba! Ang kapal naman talaga ng pagmumukha ng taong to. Idea niya kaya yung mag night swimming.  Hating gabi na kami nakabalik sa villa. Nagkaaliwan pa kasi kami sa swimming pool kaya di namin namalayan ang oras.

"Huy! Excuse me naman... sino kaya ang sobrang makulit kagabi at ayaw pang umahon sa pool? Nako! Anak, Athens? Wag kang maniwala agad sa mga pinagsasabi ng tatay mo ha? Minsan kasi binabaliktad niya yung mga pinagsasab...-hahahaha huy! Chard! Nakikiliti ako dyaa- hahahaha ano ba!"

"Baby, help me. I.tickle mo si mommy sa armpit niya." At dahil masunurin siyang anak. Sinununod naman ang ama. Nagtawanan kaming tatlo sa loob ng hall.

"Eheem."

"Uy, Grace, Hi good morning!" Binati siya ni Chard.

"Mukhang nagkakatuwaan kayo diyan, a. Wow naman... family bonding." Pangiti ngiting sabi nito pero alam ko naman na nakikipag plastikan lang siya samin.

"Oo, e. Medyo nagkakulitan lang dito."

"Nakakainggit naman. Sana may asawa din akong kagaya mo no? Yung makikipag bonding talaga kasama ang pamilya." Parinig niya samin. Aba? Iba din talaga ang tabas ng dila ng babae to, e. "Di ba Star? Gusto mo din ng ganun? A daddy like tito Chard and a sister like Athens too? Perhaps?" Pansin ko na nasasaktan si Star sa pagkahawak ni Grace sa kanya dahil sa facial expression niya. Pinipilit ba niya ang bata para sagutin yung tanong niya?

"Ikaw talaga Grace... palabiro ka talaga. Hehehe" sabi naman ni Chard sa kanya. "Aalis muna kami ha? We'll buy some snacks."

"Okay, see you around!" Anito sabay hawi ng buhok niya. Naka off shoulder siya kaya kitang kita ang makinis niyang balikat. Teka, nagpapapansin ba siya? Uugh! Kainis ha!

"Let's go." Kako, hinawakan ko talaga ang braso ni Chard. Akala mo ha! Ha! Hindi mo ako masisindak sa paandar mo. Aanhin mo naman yang makinis mong balikat kong di naman mapapasayo ang lalaking iyong pangarap. Paaak! Waley ang lines ko. Hahahaha

Ready na kami ngayon para sa mga palarong pampamilya. Sana may ipanalo kami ngayon matagal na tong pinaghandaan ni Athen, e.

"Everyone! Please lend me your ears! Magsisimula na po tayo sa ating palarong pampamilya. Our first game is Sac n' Field. Ito, pang warm up to para sa mga Mommies out there! Ito ang Mechanics ng game..."

Ito na! Kailangan ko talagang manalo para kay Athens! Ilaban mo to Maine! Go! Go! Go!

"Our first contestant. Mrs. Maine Faulkerson!" Naghiyawan ang mga tao.

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now