Hindi ako naka react agad sa sinabi ni Athens buti nalang at lumapit si Chard at ipinapunta na siya sa kusina para sabihan si ate Yuna kuno, ang kasambahay nila na ihanda ang hapunan.
Umupo ako sa couch. Ang lambot tsaka ang bango ng paligid. Iginala ko ang paningin ko. Maraming picture frame na nakasabit. Halos lahat pictures nilang dalawa ni Chard at Athens. Yung iba din kasama yung mga kapatid i Chard, yung iba kasama yung buong pamilya nila.
"Maine, balik muna ako saglit sa baba ha? I have to get the other stuffs." Tumayo ako agad. Nakakahiya naman.
"Hala, samahan na kita."
"Di wag na. Magpapatulong na ako sa baba. Don't worry." Nginiti.an niya ako. Umupo naman ako ulit at sunundan siya ng tingin hanggang nasarado na niya ulit ang pinto.
So tama nga, dito na ako titira? Kasama siya at ang anak niya? Tama ba to? Ano na lang ang sasabihin ni tatay nito. Hahai. Tsaka, lalo na yung bata, si Athens. Ano na lang kaya ang sasabihin niya?
"So, you're daddy's girlfriend?" Nakapamewang siya at tinignan ako.
Tumango lang ako at ngiti.an siya ng kunti.
Dahan dahan naman siyang lumapit sa akin. "Okay, so dalawa na tayo sa life ni dad." Aniya. Kinabahan ako ng husto. "And you're staying here too?" Dagdag niya habang tinignan ang isang malaking bag ko sa gilid ng couch.
"H-ha? Uhm... for the me-meantime? Si dad mo kasi." Grabi ha? Nakakapangilabot ang aura ng batang to. Na bala ko tuloy si Chard.
"I don't like you!"
Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig. Shit, ano raw?
"Sabi ni mommyla bad daw ang babae ni daddy kasi ng dahil sayo wala na siyang oras sa akin. Hmmm. That's why I hate y...-"
Tumunog at bumukas ang pinto. Iniluwa si Chard, dala dala ang dalawang bag ko at may nakasunod din siyang security guard na may dalang mga gamit ko din.
"Tita Maine, kain na raw po. O, timming! Dad! Let's eat." Nagulat ako. Nag iba ang tono ng pananalita niya. Bumalik ulit sa pagkamalambing.
Nang malapag na lahat ng gamit at umalis na ang guard agad namang lumapit sa amin si Chard. "O, kanina you amazed me by calling Maine your mama tapos ngayon, tita na? Bakit?" Nilapitan niya si Athens at ikinarga.
"I guess, ayaw niyang ma call ko siya na mama kaya tita na lang. Nag angry face kasi siya kanina nung tinawag ko siya ulit na mama." Hala! Ano? Very wrong! Na shock lang ako pero di ako nagalit. Bakit siya ganito?
Nakita ko naman ang pagbaba ng balikat ni Chard. "Ganon ba? Sige. Tita Maine. You can call her that. Pero pag i..marry na ni daddy si tita Maine dapat mommy na tawag mo sa kanya ha?" Pumula naman ang pisngi ko.
"M-marry her? Why? Uhmmm. I mean, why not now dad?"
"Seees, excited na ang baby ko na magka mommy ano?" Hinalikan niya ito sa ulo.
"Ofcourse! Masaya kaya yun. May mommy na ako. Diba tita Maine?" Tinignan nila ako pareho.
"H-ha?"
She pouted. "Ayaw ata ni tita Maine."
Tinignan ulit ako ni Chard. "Di naman siguro, uhm. Let's go to the dinning area? Uh, Maine tara?" Na una silang umalis at sumunod ako.
Para akong lumulutang habang naglalakad. Ayaw sakin nung bata? Tapos gumagawagawa pa siya ng kwento kay Chard. Dios ko! Wrong timming ata ako, e.
Tahimik lang ako habang kumakain at tinitignan lang ang dalawa na nag uusap.
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
