"Malayo pa ba tayo?" Tanong ko sa kanya. Halos mag sasampung minuto na kasi kami dito sa loob ng sasakyan. Nahihilo na ako sa amoy. Hindi naman mabaho ha? Di lang talaga kinakaya ng ilong ko ang mga ganitong amoy. Amoy. . . musculine kasi masyado.
"Malapit na tayo. Kunti na lang." sagot niya.
'Ang layo naman kasi. Pwede namang diyan lang sa tabi tabi. Haaaay kaso nga RK kaya ito tungangey ang lola niyo.' Inosenteng patingin tingin na lang ako sa mga malalaking gusaling nakikita namin.
Makalipas ang ilang saglit. . . nagulat ako nang may inabot siya sa akin.
"Ano to?" Tanong ko sa kanya.
"Ipad! Ano ba yan di ba to uso sa planeta niyo?" Sabay tawa. Tinaasan ko siya ng kilay. 'Wow ha! Kung makapanglait. Ang sama sama talaga nitong taong to.' Inirapan ko siya.
"Syempre noh, di naman ako behind sa kabihasnan." Sagot ko sa kanya. "Mapanglait!" Mahina kong sabi.
"May sinasabi ka?"
"Wala, mag drive kana nga. Gutom na ako."
"Wow! Hahahaha Demanding. Okay po ma'am. Anyway,maghanap ka ng music at magpa music ka. Connected na yan. Nakakabingi tong katahimikan natin."
'Magpa music daw.'
Bigla akong nalungkot. Naalala ko tuloy si tatay. Madalas kasi kaming nakikinig ng mga paboritong kanta namin.
Kinuha ko ulit ang 'ipad' niya at swi.nayp ko ito.
'Password'
"Ay, password nga pala. . . 0102."
Ti.nayp ko naman ang sinabi niya.
Makalipas ang ilang saglit. Dahan dahan ko ng narinig ang intro ng music na nagmumula sa hindi ko alam kung saang banda.
🎶Chiquitita, tell me what's wrong
You're enchained by your own sorrow
In your eyes there is no hope for tomorro...-🎶
"What the F!! Anong klaseng kanta ba yan? Seriously? 21 kaba talaga o baka senior citizen kana! trapped in a 21 years old body!" Biglang sigaw niya habang nakatingin pa din sa daan. "Change that! May playlist ako diyan."
"Ayoko nga! Sabi mo maghanap ako. . . eh sa ito gusto ko kaya ito hinanap ko."
"Akin na nga yan!" Sabay sakmit ng ipad na hawak ko.
"Sayo na! Lamunin mo." Mahina kong sabi, wala akong pake kung narinig niya yun. Nakaka inis siya. Pinapahanap ako pero reklamo siya sa napili ko. Uugh!
Tumahimik na lang ako, nakaka inis kasi. Mang lilibre nga, peace offering nga kaso susungitan kapa bago yun.
Then he changed the song. . .
🎶 Uptown girl
She's been living in her uptown world
I bet she never had a back street guy
I bet her mama. . . -🎶
Natahimik ako saglit hanggang hindi ko napigilan ang tawa ko. Tumawa ako ng tumawa nang marinig ko ang music.
'Now who's talking?! Hahahahaha'
Hindi ko namalayan na sumasabay na din pala siya ng tawa sa akin. Nasapawan ng tawa ang musika na naririnig namin sa loob ng sasakyan.
"Aray! Huy! Ano ba? Bakit nananapak ka?" Bigla siyang nagulat nang nasapak ko siya sa braso, medyo nalakasan ko talaga ata at napareklamo siya. Ganun talaga ako, pagba nasobraan na yung tawa ko nananapak na ako.
Medyo nagulat din ako na nagawa ko yun sa kanya. Nagagawa ko lang kasi yun sa mga close friends ko.
Napatakip ako ng bibig.
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
