Hindi ko alam kung bakit ginagawa ko to pero masaya ako pag naalagaan ko si Chard at si Athens araw araw. Ganito kaya ang feeling pag may totoo kanang asawa at anak?
Gumigising ako ng mas maaga para lutu.an sila ng breakfast araw araw. Minsan nag tatalo pa kami ni Yuna dahil ginagawa ko na raw ang gawain niya sa umaga baka mapatalsik na raw si ni Chard dahil wala na itong silbi. Hahaha loka loka talaga, sinabihan ko naman siya na wag mag alala dahil sa ganitong paraan lang naman ako makakabawi sa mag ama at hindi ko naman siya hahayaan na ipatalsik dito.
At sa kaalaman ng lahat tuluyan na akong pinahinto ni Chard sa trabaho. Medyo na dismaya ako kasi sayang din naman ang sahod doon pero alam niyo naman pag siya na ang nagsasalita... hahay. I.reready ko nalang daw ang sarili ko para sa susunod na pasukan. Nakakaloka! E, ang tagal tagal pa nun. Tsk, pero sige nalang. Wala naman na akong magagawa pa.
"Good morning! What's for breakfast?" Bumungad sa harapan ko si Adonis. Charot, itong gwapo kong uyab. Haaay, hindi talaga nakakasawa ang kagwapohan nitong nilalang nato. Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako sa sentido.
"Me..." wala sa sarili kong sagot. O my goodness! Nakakahiya. "I mean Me-nilagang itlog, me-bread, me-hotdog, me-menudo..." o, diba? Shunga shunga lang. Nakita lang na naka sando at naka shorts si Chard may pa 'Me-me' kana. Nakakahiya ka talaga.
Narinig ko siyang tumawa sabay upo sa harap ng mesa. "Bumaba na ba si Athens?" Tanong niya sabay hapit sa bewang ko. Enebe! Nakakagulat ka naman, huy!
"Hindi pa... p-pupuntahan ko nalang sa kwart...-"
"Good morning daddy! Good morning tita." Isang maganda at maliit na binibini ang bumati sa amin. "Wooow! Ang sarap ng food." Agad na siyang umupo sa hapag.
Napabitaw naman si Chard sakin at nilapitan niya si Athens para halikan sa pisngi. "Good morning sweetie. Ang ganda naman ng anak namin." Napatingin din siya sakin. Namin? Kasali ba ako doon? Biglang nag init ang mga pisngi ko.
"Syempre naman po. Look alike kaya kita daddy." Agad na man na sagot ni Athens.
"Naman! Saan ba naman mag mamana diba?" Sabi niya sa bata sabay kurot sa pisngi. "Okay, let's eat na." Tumingin din siya sakin "Hali kana. Dito ka sa tabi ko." Malambing na sabi niya.
Usap kami ng usap sa hapag... bigla naman akong natahimik nang napansin ko ang kalagayan namin. Para kaming isang maliit na pamilya.
"Dad, Tita, excited na po ako para sa Family outing! Pati mga classmates ko po." Magiliw na sabi ni Athens.
"Ready kana ba?" Kako, halata talagang excited siya, o.
"Oo naman po. Minsan ko lang kasing makasama si dad sa outing tapos kasama ka din po." Pahayag niya. Nakakataba ng puso.
"Ako din, excited din ako." Sabi ko naman sa kanya.
"You guys will really love the place. Aside sa magandang tanawin marami ding hinandang mga laro para sa lahat." Dagdag ni Chard na mas ikina excite naman ni Athens. Napapalakpak tuloy siya.
"O my! I am so excited! Noon, lonely ang family day ko kasi wala si dad... pero ngayon kasama ko na siya tapos may dagdag pang tita Maine. I can't wait!"
Nagtinginan kami ni Chard. Parang pareho ang takbo ng isipan namin sa mga oras na yun. Naalala ko na naman tuloy ang sinabi niya. Gusto mo bang ma real mommy si tita Maine? Haaay! Bakit ba kasi bumabagabag sakin? Tsk. Hindi ako dapat mag assume. Ni di pa nga ako sure na ready na ako pag nagkataon. I.enjoy ko nalang kung anong meron kami ngayon.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na din sa amin si Chard. May shoot daw kasi siya ngayon.
"Bye daddy!" Binugbog ni Athens si Chard ng halik.
"Bye anak. Be good kay tita Maine mo ha?"
"Yes po. I will." Yun lang ang sabi niya at bumaba na sa mga bisig ni Chard.
Binalingan naman ako ni Chard ng tingin. "Maine, una na ako ha? Mag ingat kayo dito." Dahan dahan itong lumapit sa akin. Nagtinginan kaming dalawa parang nagkahiyaan pa kaming dalawa.
"Tita Maine? Are you not going to give daddy a sweet goodbye kiss?"
"Are you gonna... uhm, yeah... oo, I have to go now." Hindi pa din naghihiwalay ang tingin naming dalawa. Parang binabalanse pa naman kung ano ang dapat naming gawin sa isa't isa.
"Kiss?" Diin ni Athens. Ito talagang anak mo Richard ang sarap kurutin.
"Anak..." huminga siya ng malalim. Pansin ko na medyo nahihiya na siya sa pinipilit ng anak. Ang cute niya tuloy tignan na namumula.
Para makaalis na tong isa, ako na mismo ang lumapit sa kanya. "Mag ingat ka sa work ha?" Marahan kong hinaplos ang kanyang mukha. Narinig naman naming tumili ang bubwit sa kilig. Napangiti tuloy kaming dalawa.
"Ikaw ha? Saan mo natutunan ang mag ganyan ganyan?" Sabi naman ni Chard sa kanya. Tinakpan ni Athens ang kanyang bibig at nag turo sa kusina. Si Yuna ang tinutukoy niya. Hindi ko na tuloy nabigilan ang tawa ko. Nilaglag ba naman kay Chard si Yuna. Hahaha
"Humanda sakin yan. Tinuturu.an ba naman yung anak natin ng kilig kilig?" Natin? Natin.
"Hayaan mo na nga yan. Hehehe" kako sabay hawak sa bewang niya. "Sige na, humayo kana at baka ma late kapa sa appointment mo." Nginiti.an ko siya. Ang awkward naman nito. Paano ba naman nakatingin pa din samin si Athens habang nagpipigil ng kilig.
"Okay." Aniya. Alam kong nahihiya siya ng husto dahil di naman namin to ginagawa madalas gaya ng ibang mag jowa. Bakit nga ba hindi no? Hahaha dahil paminsan minsa lang naman ito... ako na nga ang mauna.
Nilapitan ko siya. Bibigyan ko sana siya ng mabilis na halik sa pisngi pero bigla siyang humarap sa akin sa hindi inaaasahang pagkakataon. Ayun! Sapol! Narinig nalang namin na humiyaw si Athens. Agad kaming naghiwalay. Nakakahiya, para kaming elementary na may crush sa isat isa. Di kami makatingin sa isa't isa. Nagpaalam siya ulit pero nakatalikod na.
Nang makaalis na siya doon palang ako nakahinga ng maayos. Hoo! Nakakaloka naman kasi. Napaupo agad ako sa couch.
"Tita Maine? Okay ka lang po?" Pangiti ngiting sabi ni Athens.
"Oo naman baby." Sagot ko naman sa kanya.
Nagpaalam naman si Athens sa akin na pupunta siya sa kwarto niya at may kukunin lang. Timing na tumunog ang phone ko...
Boss Chard
Hmmm. Sarap naman! Mamaya ulit ha?
Hehehehe i love you!
Recieved 7:45am
•••
Itong si Faulkerson talaga uh-oh... hahaha
😂😂😂
Kauwi na. Atlast! Great weekend indeed.
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
