59 • In Pain

1.5K 161 26
                                        

"Grabidad! Its a small world after all. Sa kasulok-sulokan ba naman ng Pilipinas... at sa dami rami ng magagandang organizers sa buong mundo... sa atin pa talaga sila nagpa organi...— hey? Okay ka lang ba couz?"

"H-ha? O-oo naman. Bakit naman hindi?" Ibinaling ko ang tingin ko kay Joyce.

"Wala lang. Parang kanina kapa kasi wala sa sarili eh."

"H-hindi ah. Uhm, napaisip lang talaga ako kung bakit sa atin pa talaga sila lumapit... isn't that weird?" Tanong ko sa kanya.

"Yun na nga naisip ko eh. Di kaya ano... uhmmm..." tinignan niya ako. "W-wala." Bawi niya at kumuha siya ng bagong envelop para tignan ang mga iba pang kailangan naming ayusin.

Hindi naman talaga maiiwasang mapag-usapan ang noon pero pag naaalala namin ito... tumutiklop nalang agad kami para di na mas madagdagan ang mga ito.

"O, siya. Sige, may tatapusin muna din ako." Kako habang hinarap ang pinag monitor ng computer.

Umiwas na din ako. Pero ilang araw na ang lumipas hindi pa rin tumitigil ang paghuhuruminto ng puso't isipan ko habang naghihintay sa papalapit na araw kung saan makikilala ko na ang dalawang nagpa book sa amin ng engagement party.

Tinitigan ko ang papel na nakapaskil ang mga apelyedo ng kliente ko. 'Roxas & Faulkerson' . Paano kung siya nga to? Paano kung ikakasal na talaga siya sa iba? Kakayanin ko na kaya siyang makitang may ibang humahawak sa kan...— O c'mon, self. Umayos ka nga! Bakit mo ba iniisip yan? Eh ano ngayon kung ikakasal siya sa iba? Wala kana doon.


Miss Mana
Good day, ma'am. Okay, we will be there at exactly 4pm. See you. Thank you.
Received. 9:15am

Binabasa ko ulit ang mensahe ni Miss Mana at tinignan ang orasan. Its quarter to four na.
Ngayon kasi ang araw na i.memeet namin ang couple at hindi ko na talaga alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Gosh! Ang hirap naman nito. Buti nalang at may pumasok sa loob ng shop at naging busy sandali ang isip ko sa kaka entertain sa kanila pero panay pa din tingin ko sa relo.

4:05pm, malakas ang ulan sa labas. Makakarating pa kaya sila? Haaay, bakit ko ba iniisip to? Bakit parang nag i.expect pa din ako na siya ito kahit alam ko naman na masasaktan lang ako sa pakay nila?

Bumukas bigla ang pinto at halos lelevel na ang leeg ko sa giraffe sa haba nito upang tignan kung sino ang pumasok. Sinalubong sila ng iba pa naming kasamahan dito sa shop at inalalayaan sa paglagay ng mga gamit na pambasa sa isang rank.

Gosh, si Miss Mana nga to... at may kasamang dalawa na naka hoodie. Ito na ba yung couple? Tinignan ko agad ang babae na nakatalikod. Legs palang ang ganda na. Makinis, maputi. Haaay. Ibinaling ko naman ang tingin sa lalaki na ngayon ay tinanggal na ang hoodie. Bumagsak ang balikat ko nang makita kong hindi ito si... si... Chard.

Nang humarap ang babae, doon na ako nanlamig ng husto. Gusto kong tumakbo palayo pero di ko magawa... Siya si Sheena, Sheena Faulkerson. Ang ate ni Chard.

May ibinulong siya kay Miss Mana at sa lalaki na kasama nila bago sila lumapit sa akin. Binati niya ako at nagkipagkamay din siya sakin.

"Sheena. Do you still remember me?"

Tumango naman ako. "Umupo po tayo madam." Yaya ko.

Ilang saglit kaming natahimik. Panay ang tingin niya sa akin habang ako naman ay bini.busy ko ang sarili ko sa kakatingin sa monitor ng computer.
Magsasalita na sana ako pero sinalubong din niya ako nga mga salitang nakapagtigil sa akin...

"Alam mo bang matagal kana naming hinahanap? Halos mabaliw na ang kapatid namin sa kakahanap sayo dahil bigla ka nalang umalis sa condo? Pumunta pa siya sa bukid niyo ng ilang beses pero pati mga tao na nandoon hindi alam kung saan kayo..." umpisa niya. Wala akong masabi. Naalala ko, siya ang pinakamadaldal sa kanilang nagkakapatid.

"Sorry po pero... uhm, pwede bang di muna natin yan pag-usapan? May iba kayong pakay dito diba? Can we settle with that first?"

"Ah, yung engagement party na sinasabi ni insan? Nako, wala yun. I am already married with him. Pakulo lang niya yung engagement party para makausap ka namin. Mailap kasi talaga ang tadhana eh. Di ka namin naabutan kung saang lugar kaya nung nalaman namin na nag oorganize ka pala ng event... nagpa book kami."

"Bakit po kayo nandito? Ano ang pakay niyo sa akin?" Hindi ko alam na dadating pa talaga ang araw nato. Akala ko tuluyan na talagang mawawala ang lahat.

"Kasi tinutulungan namin si Chard na mahanap ka since di siya makakagala kung saan dahil sa sitwasyon niya sa ngayon." Anito. Kita ko na biglang may kunting lungkot sa kanyang mata. "Bilin niya kasi samin na hanapin ka talaga..." dagdag niya.

Sitwasyon? Bakit anong nangyari ba sa kanya? Mas bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Curious ako kung ano talaga ang nangyari sa kanya... pero baka ito ang mag udyok na magkita kami. Ayoko. Hindi pwedeng mangyari yun. Nangako ako kay madam Z na hindi na ako makikipagkita sa kanilang dalawa.

"Ma'am, pasensya po pero ano... uhm, medyo busy po kasi ako ngayon. May pupuntahan ako. Can we talk some other time?" Inayos-ayos ko ang gamit ko para iready na sa pag-alis. Hindi talaga kami pwedeng mag-usap.

"Talaga ba? I thought we booked for an hour with you?" Tumingin siya kay Miss Mana. "Couz, isang oras ang hiningi mo para sa appointment na to diba?" Malakas nitong pagkasabi para marinig ng pinsan niya. Tumango-tango naman ito.

"Ma'am, wala naman talaga tayong appointment kaya wala tayong pag-uusapan. Its been 4 years at nakalimutan ko na ng tuluyan ang kapatid mo. Sana naman pagsabihan niyo nalang siya na tigilan na ako." Kako. Parang tinusok ang puso ko ng kutsilyo ng ilang ulit dahil sa mga binitawan kong salita.

Nakita ko ang halo-halong ekspresyon sa kanyang mukha. Galit at parang naiiyak.

Kinuha ko nalang ang bag ko at inilagay ito sa balikat ko.

"Kung alam mo lang kung ilang beses na namin siyang sinabihan na tigilan na tong kahibangan nato. Apat na taon na eh... pero apat na taon na din siyang malungkot at nangungulila sayo. Hindi ka niya tinigilan... dahil bubuo pa daw kayo ng sariling pamilya, dahil gusto ni Athens na ikaw ang magiging ina niya..." tumulo na ang luha niya. "Naaawa na nga kami sa kanya eh. Lalaki yung kapatid namin pero kung makaiyak sa harap namin daig pa ang batang nagtatantrums dahil sayo."

Pinipigilan ko ang mga luha ko na tumulo. Nanunuyo na ang lalamunan ko. Pinahiran niya ang luha niya at tumayo na din.

"Atleast nahanap ka namin at narinig ang side mo. Salamat sa sinabi mo. Alam kong masakit to para sa kanya pero sasabihin ko pa rin." Aniya. "He is in jail and Athens was taken away from us dahil mas pinalakas ng DSWD ang kasong ipinatong sa kanya." Panay pahid pa din sa luha niya. "Wag kang mag-alala, sisiguraduhin naming hinding hindi na siya makakalapit sayo kahit kailan. Pasensya sa disturbo."

She took her bag from the table at pumunta sa couch. Naistatwa ako sa kinatatayu-an ko at naramdaman ko nalang ang mga likidong bumubuhos sa aking pisngi mula sa aking mata.

•••
Guys, Pasensya na kung medyo heavy ang mga eksena dito ha? Alam niyo naman sa simula't sapol palang ng kwentong to ay mabibigat na na sitwasyon ang meron tayo dito...
Salamat sa patuloy na pagbabasa. Dito muna ako mag fofocus hanggang matapos ko na ang kwentong to.

Have a great Monday everyone! God bless us all.

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now