77 • Hopeful

1.6K 154 16
                                        

Matapos kung tawagan si dad ay inayos ko muna ang gulo na dinulot ko doon. Nagsagutan pa kami ni madam Z pero hindi na kami nag sabunutan dahil hinaharangan na kami pareho ng mga tao. Ilang saglit lang ay dumating na din ang mga pulis kasabay din nang pagdating ni daddy Richard Sr. bakas sa mukha niya ang galit pero halata din ang pagkamiss at pangungulila niya kay madam Z. Minahal niya ito, naging maayos naman ang kanilang pagsasama, inalagaan siya ng ilang taon... pero hindi niya alam ay patago pala itong gumagalaw para maagaw siya at mawalan siya ng oras sa mga anak niya.

Nag-usap pa sila saglit. Madam Z even cried in front of him. Begging him not to let her be in jail pero buo ang desisyon ni dad. Ito lang daw kasi ang magagawa niyang pambawi sa mga anak niya sa mga taon na hindi niya ito nabigyan ng pantay na oras, atensyon at pangangalaingan bilang ama.

"H-hello?" Mahina kong sagot nang tawagan ako ni Chard. Pauwi na ako sa condo, nakasakay ako sa sasakyan kasama ang ama ni Chard.

"Kamusta ka? Nasaktan ka ba? Bakit hindi mo ako tinawagan? Asan kana? Susundo-in kita." Tinadtad niya na ako ng mga tanong. Halata sa boses niya ang pag-aalala.

"Yes, yes. Okay lang ako. Malapit na din ako sa condo. Nakauwi kana ba?" Haaay.

"Oo, nandito na ako. Mag ingat kayo ni dad. Haay nako Maine kung di lang ako sinabihan ni achi ay di ko malalaman ang nagyari doon. Nag alala ako sayo ng husto baka napano ka."

Pagkarating namin sa condo building... tanaw ko na sa entrance si Chard. Gusto ko sanang matawa dahil sa inaakto niya pero mas nangibabaw ang pangamba ko.

Okay lang sana na nasabunotan ako basta bitbit ko si Athens pauwi. Haaay, pero wala eh. Isang kalmot sa leeg lang ang pambati ko sa kanya ngayon.

Pagkababa ko sa sasakyan, agad akong dinaluhan ni Chard at chineck kung okay lang ba ako. Hindi man lang niya binati muna ang daddy.

"Ghad! I'm gonna kill her. Wala akong pake kahit babae pa siya." Inis niyang sabi nang makita ang kalmot ni Zenna sa leeg ko.

"Anak..."

"Tignan mong kawalang hiya ng babae na yon dad." Napalunok ako nang binalingan niya ng atensyon ang ama niya. "Pati asawa ko di pinalampas."

"I know, I know. Kaya nga pinakulong ko na."

"Sisiguraduhin mong mabubulok siya sa kulungan, dad. Sobra pinsala na ang ginawa ng babaeng yon." Diin na sabi ni Chard kay dad.

Matapos ang ilang saglit na pag-uusap sa lobby ay nagpaalam na si dad at umakyat na kami agad sa unit para makapagpahinga. Kung makakapag pahinga ako... kasi kahit nakulong na si madam Z... hindi pa din sapat yon para maging okay na ako at alam kung pareho kaming nararamdaman ngayon ni Chard.

Nakaupo siya sa couch habang ako naman ay nakahiga sa mga hita niya. Exhausted ako sa araw na to. Gusto ko nang matulog pero hindi pa pwede.

"Ch-Chard."

"It's okay. Just rest." Yon lang ang nasabi niya sa akin. Mukhang ayaw pa niyang pag-usapan... kaya susundin ko nalang muna siya.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang dinalaw na ako ng antok. Sana pag gising ko okay na ang lahat pero alam kong malabong mangyari yon.

Nagising ako nang nakaramdam ako ng kamay mula sa bandang likod ko. Nang dumilat ako, nasa kama na ako at kakababa lang pala ni Chard sa akin. He carried me? Nako naman. Amoy aswang pa ata ako. Hindi pa ako nakapagbihis eh.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng silid. Haaay, alam kong hindi maganda ang makiramdam niya ngayon. Naghahalong lungkot at pag-aalala ang mukha niya kanina.

Naabutan ko siyang nakayoko at hawak ng dalawa niyang kamay ang buhok niya na para bang sinasabinotan ang sarili niya.

Umupo ako sa tabi niya.

"Hey..." kako.

Agad siyang nag angat ng tingin. "O? Bakit ka nandito? Nagpahinga kapa sana doon. You really need to rest."

Pulang-pula ang mga mata niya. Halatang kakagaling lang niya sa pag-iyak. Hindi ko na din tuloy maiwasang mapaluha.

"Chard, I'm so sorry."

"Bakit ka umiiyak? Wag kang umiyak and don't feel sorry. Wala ka namang kasalanan eh."

"Hindi eh, wala na ata akong binigay na maganda sa buhay mo. Puro nalang problema." Hagulhol ko.

Inangat naman niya ang mukha ko para ilebel sa kanya... "Anong puro problema? Hindi kaya. Kung hindi ka dumating sa buhay ko wala pa din siguro akong tamang deriksyon sa buhay hanggang ngayon."

"Kung hindi ako dumating sa buhay mo... hindi ganito ka miserable ang buhay mo." Pagtama ko sa sinabi ni Chard.

"Anong naging miserable? Paano? Hindi naman ikaw ang nagdulot nito eh. Wag mo namang sisihin ang sarili mo." Niyakap niya ako ng marahan.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak nang umiyak nalang sa mga bisig niya. Ano ba naman kasi ang nagawa ko para biyayaan niya ako ng ganitong makakasama sa buhay?

"Maine, hindi mo lang alam kung paano mo binago ang takbo ng buhay ko simula nong nakilala kita... at sa totoo lang? Nasabi ko talaga sa isip ko noon paman na kahit anong mangyari... ikaw at ikaw lang ang babaeng paglalaanan ko ng atensyon at pagmamahal... masalimuot man o masakit, maginhawa man o sa masaya... ikaw pa rin, ikaw at ikaw pa rin."

Hindi ko lubos maisip na sa kabila ng mga nangyari sa amin... ako pa rin ang hinahangad niyang makasama sa pang habambuhay.

"Kaya tahan na, okay? Alam ko naman na malabo pa talagang makuha natin si Athens sa mga panahon ngayon. Balang araw, oo. Pero di pa ngayon... kaya hayaan mo lang akong iiyak to lahat para makawala tong mabigat na pakiramdam sa dibdib ko."

Pagkatapos nong sinabi niya... namuo ang katahimikan sa paligid namin. Sobrang naaawa na ako sa kanya. This is too much for him. Nagmahal lang naman siya... may kasama pang sakit.

Pero what makes him still hold on? Umaasa pa din siya na makukuha namin si Athens... hindi man siguro ngayon pero balang araw, daw.

Hindi ko namang maiwasang mapatanong sa aking sarili. Paano niya nagagawang mas pumanig sa positibong mangyayari na halata namang malabo pa sa ngayon?

"P-pano mo pa rin naisip ang ganito sa kabila ng lahat?" Tanong ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim. "Dahil nandito ka. Isa ka sa mga naging katibayan ng Dios kaya ganito ako ka positibo sa kabila ng lahat... noong umalis ka... akala ko wala na, wala ng pag-asa pa na masilayan at makasama ka ulit ng gaya nito... pero may mga taong tumulong din sakin para ibahin ang disposisyon kong yon.  Sabi nila, kung mahal mo talaga ang taong yon, ipagdasal mo... ipagkakaloob siya ng Dios sayo kung siya ang nararapat."

Ipagkakaloob siya ng Dios, kung siya ang nararapat. Napapikit ako habang dinamdam ng husto ang sinabi niya. Inisip niya na nararapat talaga ako sa kanya kaya pinagdasal niya ako... and he is doing it again right know to have Athens back.

Namuo ang sigla at kagalakan sa puso ko. Dapat ganon din ang nasa isip ko ngayon... kung hindi man ngayon may bukas pa naman. Marami pa ang pwedeng mangyari at aasa ako na darating ang araw na makakasama ulit namin si Athens gaya ng pag-asa ni Chard na maka piling niya ulit ako.

•••
Yung level ng spirit ni Chard sa paghihintay... ganon din sana yung sa atin. PORDALAB! 😊

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now