32 • Province

1.8K 178 9
                                        

Hindi ako makatulog. Ganito lang siguro ang mararamdaman mo noh? Matagal kaya akong nawala dito.

Tumayo ako at nagtungo sa kusina. Tinignan ko ang kabuhu.an nito. Haaay,  sa anim na buwan... Atlast!  Nakabalik na din.  Bumuntong hininga ako.

"Di ka makatulog anak?"

"T-tay? Bakit gising papo kayo?"

"Iinom kasi sana ako ng tubig anak. E,  nadatnan kita dito. Akala ko nga nanaginip lang ako na dumating ka kasi pagka gising ko wala kana sa tabi ko... Buti nalang pagtingin ko sa kabilang gilid andoon pa din si Chard, mahimbing na natutulog." Napangiti siya at lumapit sakin. "Totoo pala talagang andito ka. Kay tagal ko tong hinintay anak."

"Na miss ko po talaga kayo ng sobra tay!" Niyakap ko din siya.

"Masaya ako anak na umuwi ka. Kahit alam kong panandali.an lang to pero okay na din atleast nakasama kita." May halong lungkot sa kanyang mga mata.

"Tay? G-gusto niyo bang sumama sakin sa Manila?" Sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kong saan nang galing yun pero sinasabi ng isipan ko na di ko kayang iwanan si tatay dito na mag isa.

"Ha?  Ayoko doon. Mas mabuti ng dito na lang ako mamatay kaysa doon."

"Tay naman. Wag kang magsalita ng ganyan!  Di naman yan ang ibig kong sabihin,  e. Gusto kong magkasama tayo palagi. Dadalawa na nga lang tayo tapos naghihiwalay pa."

"Anak, wag mo akong alalahanin. Okay naman na ako dito. Di na din kaya ng katawan ko ang bumyahe pa ng malayo. Bisitahin mo nalang ako dito pag nagkapanahon ka." Tugon niya sakin.

"Wow tatay!  Kung makapagsalita parang diyan lang sa kapitbahay ang Manila,  a. Hehehe pero sige po kung yan po ang desisyon niyo rerepestuhin ko po. Paglalaanan ko na lang ng ipon ang pag uwi ko dito para di ako mahirapan." Saad ko sa kanya.

"Yan, mabuti yan. Matuto kang mag ipon. Paano nalang kung mawala na ako. Sino na lang ang mga aalaga sayo?  Diba sariling sikap mo nalang diba?  Kaya mag ipon ka para sa kinabukasan mo."

"Tay,  para satin. Para sa kinabukasan natin tay." Dagdag ko.

Marami kaming napag usapan ni tatay sa gabing iyon hanggang dinalaw na kami ng antok. Sabay na kaming pumasok sa loob ng silid kung saan kaming tatlo natulog sa lapag. Di naman kasi kalakihan tong bahay namin. May sariling kwarto naman ako pero gusto kung tumabi kay tatay matulog kaya dito din ako sa silid nila natulog. Si Chard naman dito din natulog. Baka kasi pag fiestahan siya ng lamok sa labas. Kawawa naman ang bibi boy ko.

"Maayong bantag." Masiglang bati ni Chard sa amin  ni tatay nang makababa na siya mula sa tinutulugan niya.

"Bunta yun" koreksyon ko. "Maayong Buntag."

"Ah,  okay. Sorry." Wika ni Chard at umupo na sa tabi ko.

"Magkape ka muna iho. Pasensya na kung wala kaming kape na gaya nung sa mga kape shop. Pang probinsya lang tong samin. Mai, anak. Ipagtimpla mo nga tong si Richard." Sabi ni tatay.

Aabutin ko na sana ang lalagyan ng kape nang pinigilan niya ako.

"Nako po!  Walang problema. Sanay naman po ako sa mga pagkaing di sosyal kaya wag po kayong mag alala." Sagot niya kay tatay sabay kuha ng native coffe na lalagyan. Pinagmasdan ko lang siya na nakangiti. Nilagyan niya ng dalawang kutsara na kape ang baso na may mainit na tubig at dinagdagan ito ng isang kutsaritang asukal. Sige inumin mo na...  Hahahaha

Di nga ako nagkakamali,  dahan dahan niyang sinipsip ang tasang may lamang tinunaw na kape at bigla siyang napatingin sakin. Hmmm. Ano?  Diba mapait?  Hahaha

No Empty SpacesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora