38 • Choice

1.7K 160 19
                                        

"Mai,  Mai please. Wag mong gawin to. Kailangan niyo munang mag usap bago ka umalis." Pigil na sabi ni Joyce. Ilang sandali kasi mula nung pag blackmail sakin ni Leo ay dumating siya. Nung una nagulat siya nang makita si Leo pero nung nakita niya akong umiiyak na nakahawak sa telepono ni Leo ay doon na din siya nalahinala na mayb ginawang masama ito sakin.

Flashback...

"Tay,  uuwi na po ako tay. Magkakasama na ulit tayo."

Ramdam ko ang pagkagulat ni tatay sa kabilang linya at pinakiramdaman niya ako bago siya nagsalita.

"Anak,  nagustuhan ko yung sinabi mo pero kung napipilitan ka lang... Wag. Isa pa malakas pa naman ako. Wala namang masamang nangyayari sakin. Tsaka, paano na ang trabaho mo? Sayang naman anak. Malaki laki pa naman ang nakukuha mo diyan pero kung nahihirapan kana sa pagiging call center representative na halos gabi gabi dilat at di masyadong nakakatulog pag umaga, edi umuwi kana lang talaga. Dito makakapag pahinga kapa buong araw." Natahimik siya saglit. "Teka, paano si Chard? Desisyon mo lang ba to?  Payag ba siya?  Baka naman nag away kayo?  Sinaktan kaba niya?  Ha?  Maine,  anak magsalita ka naman."

Bago pa ako makasagot ay agad na kinuha ni Leo ang telepono niya. "Akin na." Agad niyang punutol ang linya na naka konek kay tatay. "So ano?  Start packing your things. Aalis tayo mamayang gabi. Wag na wag kang magtangkang tumakas dahil alam mong isang pindutan lang tayo dito. Babalikan kita at susunduin." Tumalikod siya at umalis.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang makarating siya sa pinto at nakita ko naman na paakyat din si Joyce mula doon. Nagkatitigan silang dalawa. Nung una bakas sa mukha ni Joyce ang pagkagulat pero pagkalaunan ay nakita ko ang pag iba ng mukha niya. Sumimangot siya at nagmadaling pumunta sa deriksyon ko.

"Mai?! Mai!  Anong nangyari,  bakit nandito yun?ano ang ginawa niya sayo?  Bakita ka umiiyak?  Ha?" Tinadtad niya ako ng tanong pagkapasok namin sa loob ng silid at doon ko kwenento ang lahat.

End of flashback...

"Wala na akong oras couz,  babalik na yung demonyong yun." Sagot ko sa kanya. Mag hapon kaming nag usap ni Joyce.

"So hahayaan mo nalang mag mukmok yung isa doon?  Alam mo bang paglumalabas siya sa opisina niya ay maga ang mata niya?  Malamang umiiyak yun. Tsaka hinahanap ka niya sakin kung pumasok ka ba daw sa trabaho." Hinahanap niya ako. Miss na din niya siguro ako.

"Anong gagawin ko?  Alam mo naman na naiipit na ako sa sitwasyon ngayon. Inaalala ko din naman si Chard pero mas inaalala ko si tatay. Ano mang oras ay pwede niyang isulsol kay tatay ang mga kasinungalingan na pinagsasabi niya tungkol sakin. Alam mo naman na bawal ma stress yun, kunting taas ng dugo nun aatakihin yun. Di pwede ang ganun Joyce. Wala ako doon."

"Pero atleast man lang makausap mo si Chard. Please,  mag usap kayo saglit. Tawagan mo siya. Nagmamakaawa ako sayo Mai." Huminga ako ng malalim. Tama nga naman si Joyce. Tumango ako,  inabot naman niya sakin ang telepono ko.

"Hello?"

"M-Maine." Mahinahon niyang sabi.

"I miss you." Kako, hindi na ako nagpaliguy ligoy pa.

"Can I see you now? Halos mababaliw na ako dito sa kakaisip sayo." Parang bigla siyang nabuhayan ng loob.

"Ch-Chard."

"Maine please..."

"Mahal kita Chard."

"And I love you more Maine. Magkita tayo, please. Nasa boarding house ka ba?  Pupuntahan kita diyan." Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Pumatak nalang ito bigla.

"Chard." Tinignan ko si Joyce na ngayon ay napapaluha na din. "Chard,  s-sorry."

"Mai, ako nga dapat ang magsabi sayo niyan. Asan kaba?  Nasa boarding house ka?  Pupuntahan kita ha?  Hintayin mo ako diyan." Ramdam ko ang pagmamadali niya.

"Chard wag na."

"Anong wag na? M-Maine..."

"I'm sorry Chard." Humagolhol na ako.

"Ma... -" hindi ko na siya pinatapos pinutol ko na ang kabilang linya. Hindi ko na siya kayang pakinggan. Masakit,  sobrang sakit. Sapat na namarinig ko siya kahit saglit at masabi ko man lang sa huling pagkakataon na mahal ko siya.

"Mai naman,  e. Bakit?!" Bulyaw sakin ni Joyce. Napatingin agad ako sa kanya. Pati na din pala siya umiiyak na.

"Aalis na ako Joyce. Ingatan mo ang sarili mo dito ha? Kung yayayain ka ni Top na sa condo ka nalang niya tumuloy,  doon ka nalang para may makasama ka ha? Salamat sayo couz. Hindi mo ako pinabayan habang nandito ako. Hayaan mo,  itong sekreto niyo ay mananatiling sekreto. Tikum ang bibig ko sa relasyon niyo. Mahal na mahal kita Joyce. Sobra." Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko na dapat ipahayag sa kanya kung bakit pinili ko to.

Ilang sandali na din ay dumating na si Leo. Nagpaalam ulit ako kay Joyce at sinabing ipagpaalam nalang din ako sa mga kasamahan namin sa bar. Niyakap ko ulit siya sa huling pagkakataon hanggang sa muling pagkikita namin.

"Hmm,  tama na yan!  Male. Late na tayo sa flight."

"Tangina mo Leo!  Ipapapatay kita hayop ka. Maitim pala yang budhi mo gago ka! Bakit mo ginaganito si Mai? Naging mabait naman siya sayo, a." Sigaw ni Joyce sa kanya.

Ngiti.an lang siya nito. "Joyce,  alam mo kahit na magsisisigaw kapa diyan di mo na mababago ang desisyon ni Mai. Sige,  sumigaw kapa ng sumigaw. Baka pati ikaw idadamay ko dito. Bugaw ka rin diba?"

Napatigil si Joyce. "H-hayop ka!" Sinugod niya ito at sinuntok suntok sa braso. "Demonyo ka!  Gago!  Gago!  Marangal kaming natatrabaho dito. Walang hiya ka!"

Tumawa lang si Leo sa kanya. "Alam mo,  kung ako ang pinili nitong pinsan mo... Hindi naman ako magkakaganito,  e. Tama nga siguro sila ano? Pag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat para mapasayo lang siya. Kaya ito ako ngayon, o. Ginagawa ko lahat para mapasakin lang siya." Ngumiti siya ulit sabay tingin sakin.

Napalingo lingo ako."Nahihibang kana Leo. Wala kana sa katinu.an mo."

"Dahil sayo Mai,  nang dahil sayo. Hmm,  kaya tara na!" Hinila niya ang braso.

"Mai... Paano na si Chard? Siguradong papunta na siya dito. Wag kang pumayag sa gagong to. Please..." Pakiusap ni Joyce sakin.

"Babalik ako couz. Babalikan ko siya. Aayusin ko lang to."

•••
Writing this while listening to "feels like home" by Chantal Kreviazuk.

No Empty SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon