Busy siya sa mga pag kain na inihanda at mga binili ni miss Sheena sa kanya. Nakaramdam ako ng sobrang awa. Para siyang taong isang kainan lang kumakain sa isang araw-araw.
"Kain ka lang diyan, bunso! I'm sure matutuwa silang Sasha at dad pag nalaman nila na nagpakita ka samin ngayon at kumakain kana ng mga dala namin." Halatang naiiyak na din si miss Sheena habang pinagmamasdan ang kapatid niya.
Uminom siya ng tubig at pinunasan niya ang kamay niya gamit ang wet wipes.
"Tapos kana? Ano? May gusto ka pang kainin? Sabihin mo lang. Ipagbibili kita."
"Okay na po ako ate. Salamat." Ngumiti siya sa kapatid niya.
Tumunog ulit ang phone ni miss Sheena kaya agad siyang napatayo at nag sinyas siya na lalabas na naman siya. Bawal kasi ang gadgets sa loob ng visitors area kaya napalabas siya just to take the call. Mukhang importante eh.
"Uhm, kailan ka dumating dito?"
"Kahapon lang." sagot ko.
"Saan ka nag sti.stay?"
"Nag book ako sa hotel."
"Ah." Matipid niyang sagot. "P-pwede ka sa condo mag stay if gusto mo. Sasabihin ko kila ate na palinisan yun para sayo." Nagulat ako sa sinabi niya. Why would he offer me his place?
"H-ha? Di. Okay lang. Okay naman na ako doon sa stini.stayhan ko tsaka ilang araw lang naman ako dito." Nahalata ko ang pagbago ng sigla ng kanyang mata. "Uhm, I mean, uhm... Kailangan ko pa kasing umuwi. Aasikasuhin ko muna yung naiwan kong trabaho saglit tapos babalik din naman ako."
Tumango siya. Natahimik ulit kaming dalawa.
"Uhm, baka gusto mong kamustahin si Athens. Nasa kamay siya ngayon ng DSWD." Parang sinaksak ang puso ko nang marinig ko ang pambasag niya sa katahimikan.
"Chard..."
"They took her away from me." Ramdam ko ang panginginig sa kanyang boses at nang tumitig ulit ako sa kanya... tumulo na ang mga luha niya. Hindi ko na alam kung papaano ko siya pakalmahin kaya hinawakan ko nalang ng marahan ang kamay niya.
"K-kasalanan ko naman talaga lahat eh kaya deserve ko din ang mapunta dito... pero ang hiling ko lang naman ay sana mapunta si Athens sa magagandang kamay. Wag na wag niyo sana siyang hayaan na mauwi siya sa tunay niya'ng ama. Napag-alaman ko na drug lord yun eh. Walang ihahain na magandang kinabukasan yun kay Athens." Humagulhol na siya.
Kailangan ko ng magsalita. Hindi ko kayang nakikita siya ng ganito. "Chard, hindi ko man alam ang totoong nangyari pero sana naman wag mong sisihin ang sarili mo... witness ako kung gaano mo kamahal at inalagaan si Athens tsaka sabi ko naman sayo diba na andito ako para tulungan ka kaya tahan na..."
"Please Maine, help me. Kailangan natin siyang makuha. If it took me hundreds of years dito sa kulungan, kahit mamulubi man ako... gagawin ko pa rin ang lahat makuha lang siya."
"Ssshh, tahan na. Oo, kukunin natin siya. Andito lang ako. Wag na wag kang mag-alala." Tumabi ako sa kanya at hinagod-hagod ang likod niya.
"Isang araw, may tumawag kasi sakin sa telepono. Sabi nila galing sila sa DSWD. Napag-alaman nila na di ko raw totoong anak si Athens at isa lang ang pinaghihinalaan ko kung sino ang nagsumbong nito. Yung asawa si dad... dahil siya lang naman palagi ang nagpapahamak sa aming magkakapatid pag di nasusunod ang gusto niya." Napapikit ako. Ang itim talaga ng budhi ng babaeng yun. Kahit silang Chard hindi pinalampas!
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
