Lumabas ako ng tanghalian na. Hindi naman kasi pwedeng magmukmok ako sa silid buong araw. Kailangan kung panindigan ang mga sinabi ko sa kanya kaya lalamunin ko muna ang hiya at takot ko... sinabi ko naman na sa kanya na ang totoong dahilan kaya pangangatawanan ko na.
Nagsimula akong magluto pagkadating ko sa kusina.
Nasaan kaya siya? Umalis? Nasa kwarto niya? Hmmm. Ahe! Hahayaan ko nalang muna.
Habang nagluluto ako... nakarinig ako ng pagsara ng pinto at nasundan ito ng mabibigat na yapak. Geez! He's here. Kalma lang Maitot. Wag mong ipahalata ang kaba at hiya mo...
Agad siyang humarap dito nang maramdaman niyang malapit na ito sa kusina at agad din niya itong pinakitaan ng matamis na ngiti.
"Hi"
Napakunot naman ang noo ni Chard. Nagtataka siya? Haha well, malamang mararamdaman niya yun. Kanina nagkasumbatan kami tapos bigla ko lang siyang ngingitiin? Tsk, baka isipin niyang may saltik ako.
Hindi niya ako pinansin. Nagtungo siya sa ref at kumuha lang ng tubig doon. Aba lang talaga ha!
"Uhm, medyo kulang-kulang na yung mga groceries natin. Mag grocery tayo." Simula ko. Hindi ako nagpapapansin ha! Sadyang totoo lang naman talaga ang sinasabi ko.
Pero hindi pa din niya ako pinapansin. Naglakad siya hanggang makarating sa sala at umupo siya doon sa couch. Ibinuhay niya ang tv at nanunood na para bang walang siyang narinig. Ay nako naman talaga.
Lumapit ako sa kinauupo-an niya. "Hey!" Kako. This time, nagpapapansin na talaga ako.
Nagulat ako ng bigla niyang nilakasan ang volume ng tv. Nagpapahiwatig siya na ayaw niya akong pakinggan.
Hinablot ko ang remote na hawak niya at pinatay ko ang TV. Ako ang masusunod ngayon. Bahala siya.
"I'm watching. Akin na ang remote." Tinatry niyang agawain ito sa akin pero syempre hindi ako gaga kaya hindi ko talaga binigay. "Ano ba Maine."
"Mag gogrocery nga tayo diba kaya bilis! Magbihis kana. Aalis na tayo." Namemewang kong sabi.
Biglang umangat ang kabilang labi niya. "Acting like a wife, huh?"
Aba'y! Kainis to! Bakit kahit sarkastikong pagkasabi ay parang may kumikiliti sa puso ko.
"E-Ewan ko sayo!" Inirapan ko siya at tinalikuran. "Mag prepare kana. Dapat paglabas ko ready kana ha. Aalis na tayo."
Pagkapasok ko sa silid halos mangisay na ako sa kama. Woooah! Saan ko ba nahagilap yung self-confidence na yun? Lumelevel up eh.
Nang lumabas na ako sa silid ay nasa sala pa rin siya pero napangiti ako nang mapansin kong iba na ang T-shirt niya at naka maong na din siya... so malamang ready na siyang umalis.
"Tara." Kako. Wala siyang sagot pero agad siyang tumayo at sinundan ako palabas.
Tahimik lang kami sa sasakyan hanggang makarating kami sa mall. Kumuha siya ng malaking grocery cart at sumunod siya sa kung saan ako pumupunta.
"What's better?" Tinanong ko siya habang pinapakita ang dalawang brand ng mayonnaise.
"They are all mayonnaise at malamang pinghiraman yan ng may gawa para mapasarap ang timpla its up to you what to choose then." Malamig niyang sabi. Well atleast nagsasalita siya.
"On point pero ano ba madalas ginagamit mong brand?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Seriously? Ako pa talaga tinatanong mo? Sa pagkakaalam ko walang mayonnaise sa bilanggo-an... margarin meron."
Abaaa't. "Okay." Hay nako.
Nasa meat section na kami. Malapit na kaming matapos. Akmang ipapatimbang ko na sana ang isang kilo ng karneng baka ay bigla siyang nagsalita.
"Dagdagan mo pa. I will send some to my kakosa."
Napangiti naman ako. Ang sweet naman niyang kaibigan. Wew, well, sabagay, sila lang naman ang karamay at naging pamilya niya doon so malamang... "Okay. Kuha ka pa ng mga pagkain na pwede nating dalhin sa kanila."
"Let's buy more toothpaste, toothbrush, sabon at shampoo." He added. "Naghihiraman kasi yung iba doon eh. Pati toothbrush."
Napalunok ako. Pati kaya siya? Tinignan ko siya ng taimtim.
"What? If you're thinking kung pati ako? Well, wala akong choice. Hindi naman pwedeng babantayan ko lang palagi ang bag ko kung saan nakalagay ang toothbrush ko."
Unbelievable! Kinaya niya yun?! Grabi!
Matapos namin bilhin ang lahat ay nagtungo na kami sa counter. Sa kalagitnaan ng daan ay bigla nalang napahinto si Chard. Napatingin tuloy ako sa deriksyon kung saan siya nakatingin.
Isang batang babae na kaedas malamang ni Athens ang tinitignan niya. Masayang namimili ang bata ng iba't ibang klaseng chocolates sa sweet section. Medyo nanghina din tuloy ako. Hay nako. Miss na miss na talaga niya siguro si Athens. Ako nga, miss na miss ko na nga yung bata kahit halos isang taon pa kami nagkasama, paano na lang kaya siya? na siya mismo nagpalaki? Tsss.
"Uhm, gusto mo bang bilhan din natin si Athens ng maraming ganyan? Dadalhin ko sa kanya." Suhestyon ko. Tinignan niya lang ako at tinulak niya na ang cart. Hala siya! Suplado!
Isa isa naming kinuha ang mga bibilhin sa cart at pina punch sa cashier. Ito namang si ateng ay halata masyado. Pasulyap-sulyap siya kay Chard habang nagpupunch sa mga bibilhin namin. Napakunot ang noo ko. Mabenta talaga tong mama na to. Tss.
"Uhm, 5,673 pesos lahat lahat, ser." Pa ngiti-ngiting sabi nung cashier. Nako, nagpapa cute! Mga galawan mo girl, ha!
Agad akong nagpagitna at kinuha ang ATM card ko. "Ako ang magbabayad, miss. Chard, doon kana lang maghintay sa gilid." Sabi ko sa kanya.
Hindi naman siya umalma. Naglakad lang siya papunta doon sa tinuro ko.
"Nako ma'am, magkapatid ho ba kayo? Ang gwapo niya ho." Whuuat?! Itong babae'ng to! Nagtatrabaho pero lumalandi. Sumbong kaya kita sa supervisor niyo, ineng ano? Akala naman kagandahan... yung kilay parang linta naman tsaka yung pisngi parang sinapak ng demonyo sa sobrang pula ng blush-on! Nako!! Wala bang makeup workshop ang mga to? Nako, nako lang talaga! At talagang nag rarant na ako dito sa isip ko ha! Kaloka!
"Nako, hindi ko naman siya kapatid." Mahinahon kong sabi... pero syempre kumukulo na dugo ko ha!
"Eh ano po? Pinsan?" Ay grabi na talaga siya oh!
"Asawa ko siya, miss. Kakakasal lang namin kahapon."
"Weh?"
"Aba't!!! Sinusubukan talaga ako netong...—" haaay, okay, kalma. Kalma Maine. "Uhm, please mind your own business. Bilisan mo nalang ang pag swipe diyan." Baka ikaw ang i-swipe ko sa sahig pag di kapa titigil! Loka-loka!
Umalis kami sa mall na nakabusangot na ako. Nakaka badtrip talaga yung cashier na yun! Ang dapat sa mga pakialamerang ganyan tinatanggal o di kaya dine-demote! Bagger nalang siya. Wahaha hay nako, ano ano ba tong mga iniisip ko.
"Bakit nakabusangot kana diyan?" Biglang nagsalita si Chard. Uy, andito pala siya. Hehehe
"W-wala. Kainis lang kasi yung cashier kanina."
Bigla siyang tumawa. "Selosa ka pala."
"Ano?!"
"Wala. Ngumiti kana. Ang hirap humarap sa asawa'ng mainit ang ulo.
OMG! narinig niya? 🙊
•••
Twitter: @sheeshaii021
FB: shaii
IG: s_h_a_i_i
Follow me & I'll follow you back. 😊
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
