43 • One Morning

1.9K 182 7
                                        

Dearest, I know na mababasa mo lang to pagkagising mo at siguradong nakaalis na din ako. May maaga akong shoot ngayon pero babalik ako before lunch. Sabay na tayong tatlo ni Athens. Wag ka munang pumasok sa trabaho ha? Hindi natin alam baka sugurin ka doon ng mga kampon ni Leo. Mahirap na. I love you. Mag ingat kayo ni Athens.

Ps. Nag sulat ako para romantic. Haha wag kanang umangal.

Love Chard.

Yun ang laman ng papel na nakaipit sa may pinto ng kwarto. Napangiti ako ng palihim sa kakulitan ng sulat niya. Pero umalis na siya. Naiwan ako. Kasama ang anak niya. Paano na to? Ano ang gagawin ko? Hmmmm. Aha! Lutu.an ko nalang kaya? Sige. Try natin.

Agad akong bumaba at nagtungo sa kusina. Pagkadating ko nadatnan ko na ang kasambahay nila. Si Yuna.

"Good morning ma'am Men." Grabi, plural na pala pangalan ko ngayon. Patawa tong si ateng.

"Grabi ang formal naman. Mai nalang." Tugon ko.

"Nako! Di po pwede. Ang mga emplower ko po dapat tinatawag na ma'am ser."

"Tayo lang naman dito. Mai nalang. Di ako sanay na tinatawag na ma'am, e." Kako. Bagay lang yan sa mga maestra. Charot. "Nga pala, ano yang niluluto mo?" Usisa ko at lumapit ako sa hinanda niya.

"Ay, ito po? Pancake po tsaka gatas para kay bibi gir." Aaah, para kay bibi GIR.

"Yan lang? Dapat heavy breakfast ang sa bata. Bakit ganito lang pagkain niya?" Makialam nga ng kunti.

"Ito lang kasi ang sabi ni madam Zenna. Okay na daw po to para sa bata. Sinusunod ko lang po."

"Pati si Chard? Ganito ang breakfast niya dito?" Tumango naman siya. Dios ko! Di pwede to. Dapat kumain ng marami pag agahan. Ganito ba talaga ang mga mayayaman? Maliliit kung kumain? Di naman siguro ikakapulubi nila ang kumain ng marami diba? Nakakaloka.

"At nako! Ako na diyan Yuna. Gisingin mo nalang yung bata."

Wala namang nagawa si Yuna kundi ang tumango at dagling umalis. Naging abala ako sa paghahanda ng pagkain. Sisiguraduhin kung magugustuhan niya to.

Makalipas ang halos isang oras natapos ko ng ihanda ang lahat.

Timing din ang pagdating ni Yuna hila hila si Athens

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Timing din ang pagdating ni Yuna hila hila si Athens.

Napa awhang ang bibig ni Yuna nang makita ang hinanda ko sa mesa.

"Hi, good morning. Kain na tayo." Aya ko. "Yuna sumabay kana sa amin." Dagdag ko.

"Nako ma'am Men, salamat po pero mauna na po kayo marami pa po akong gagawin. Mamaya na po ako kakai...-"

"No. Kaya nga kita niyaya kasi alam kong marami kapang gagawin. Hindi magandang yung natatrabaho na walang laman ang tiyan." Pahayag ko habang inaayos ko ang hinanda ko sa mesa.

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now