Nanginginig ang kamay ko habang dina dial ang number ni Miss Mana. Hindi ko alam kung tama ba tong ginagawa ko pero isa lang ang sigurado ako... hindi papanatag ang loob ko hanggat di ko malalaman ang tunay na dahilan ng lahat... bumabagabag kasi ito sakin ng husto kahit ilang araw na ang lumipas mula nung pagkita namin nung kapatid niya.
"Hello?" Isang malamig na boses ang narinig ko mula sa kabilang linya.
"Uhm, si Maine to. Pwede ba akong maka hing...—"
"Maine? O, bakit napatawag ka? Anong atin? Uhm, is this all about the preview and the recommendations to my friends about your shop? O, don't worry. I will still give you that."
"H-hindi yun ang pakay ko. G-gusto ko lang sana na ano..." kaya mo yan Maine. "H-hingin ang contact number ng kapatid ni R-Richard." Huminga siya ng malalim.
Biglang tumahimik ang kabilang linya hanggang nakarinig ako ng isang tikhim mula doon.
"Sheena here. What do you want from me?" Isang malamig na boses ang narinig ko.
"Uhm, p-pwede ko po ba kayong mak...makausap ulit?" Nangangatog na ang binti ko sa kaba.
"I'm afraid we cannot talk anymore. Paalis na kasi kami, pa airport na.Babalik na kami sa Manila. Bakit? May kailangan ka pa ba? May ipapasabi ka pa bang masakit sa kapatid ko? Sabihin mo nalang dito. Aasahan mong makakarating ito sa kan...—"
"G-gusto ko sana siyang makita."
"B-bakit pa? Diba nakalimutan mo na siya? Wag na. Tama na. Nakakaawa na yung kapatid namin. Ang dami na niyang pinagdadaanan ngayon tapos dadagdag kapa? Tama na. Maawa ka naman sa kanya." Nagsusumamong sabi ng kapatid niya.
Tumulo na naman ang luha ko. Sakit at galit sa sarili ang nananaig sa puso't isipan ko ngayon. Sakit dahil di ko man lang alam kung ano ang nangyari sa kanya sa apat na taon na paglisan ko. Galit sa sarili dahil wala akong magawa. Hindi ko alam kung ano ang sunod ko na ihahakbang para man lang makatulong sa kanya ngayon. Wala akong masyadong impormasyon pero alam ko na naghihirap siya ngayon at isa ako sa mga dahilan nun.
Gusto ko siyang kausapin. Gusto kung humingi ng tawad sa kanya. Sa lahat ng sakit na naidulot ko sa buhay niya. Hindi ko man maibalik sa kanya ang lahat ng pagkukulang ko sa apat na tawon... atleast matulungan ko man lang siya sa kung anong hinaharap na dagok niya ngayon.
Binaba ko nalang ang tawag at nagtungo sa silid ko. Binuksan ko ang closet at kinuha doon ang mga gamit ko.
"Huy huy! Ano yan? Anong gagawin mo?" Gulat na tanong ni Joyce sa akin.
"Aalis ako. Kailangan kong puntahan si Chard ngayon. Kailangan kong malaman kung ano ang kondisyon niya at kung ano ang nangyari kay Athens."
"Ano ka ba! Wag ka ngang magpa dalos-dalos. Pag-isipan mo muna yan! Pupunta ka lang doon para mangumusta tapos pagkatapos mong marinig ang lahat sa kanya, ano? Iiwan mo ulit? Sasaktan mo na naman siya?" Napatigil ako sa pag-aayos ng mga gamit ko.
"Hindi ako mapanatag eh."
"Kung aalis ka... sinayang mo lang ang apat na taong pagtatago mo sa kanya. Sana hindi ka nalang umalis para alam mo ang mga nangyari sa jowa mong bigla mo nalang iniwan ng basta-basta."
"Couz, alam mo naman kung bakit ako umalis diba? Oo, naging makasari ako noon... pero dahil kay tatay yun. Couz, nagkamali ako noon sa pag-iwan sa kanya... kahit ito man lang. Ang presensya at supporta ko man lang ang maimbag ko sa kanya para maitama ko ang noo'y pagkakamali ko. Kahit ito lang."
"Paano kung makita ka ng madrasta niya doon? Baka nakalimutan mong maitim ang budhi nun? May pinag-usapan kayo kaya malamang magagalit yun. Baka kung anong gawin niya sayo."
"Saka ko na siya iisipin, couz. Basta ang akin lang ngayon gusto ko lang makita si Chard at matuluungan. Naawa ako sa kanya eh." Isinara ko na bag na may lamang mga damit ko.
"Naaawa lang ba talaga?"
Tinignan ko siya. "Couz, apat na taon na ang lumipas. Ano ka ba!"
"Eh siya? Apat na taon na nga pero hindi ka pa din niya sinuku-an." Nakahalukipkip siya sa harapan ko.
"Kakausapin ko siya. Ako mismo ang magsasabi sa kanya na wala na... na hindi na pwede na maging kami." Kako, habang inaayos ang mga iba pang kailangan kong dalhin.
"Edi lalo mo nga lang sasaktan yung tao."
"Haaay, basta. Tignan nalang natin. Hindi pa nga natin alam kung ano talaga ang kahahantungan ng pag-uusap namin kaya di muna ako magsasalita ng marami... basta ang gagawin ko lang ay ang tulungan siya. Yun lang."
"Yun lang ba talaga? Hindi na yung mahalin siya?"
"Couz..."
"Fine, fine. Ano ba yan. Ito talagang bibig ko daming sinasabi. Makatiklop na nga."
Gabi na ako nang makarating sa Manila. Kinontak ko agad si Miss Mana para hingin ang contact number ng kapatid ni Chard. Nagkausap naman kami ng maayos ni miss Sheena at ramdam ko na may halong tuwa sa kanyang mga pagsasalita. Malamang iniisip nila na baka makikipag-ayos ako kay Chard. Well, makikipag-ayos naman talaga ako sa kanya... pero kung iniisip nila na makikipagbalikan pa? Mukhang... malabo na.
Nagcheck-in ako sa isang hotel. Ilang araw lang naman ako kaya di ko rin masyadong inaalala ang gastusin ko dito.
Bukas ng umaga, magkikita kami ng ate ni Chard at sabay kaming pupunta kung saan siya naka detain. Kailangan ko daw kasi siya kasi mahigpit ang seguridad na inimplementa nila doon... bawal kahit sino ang pwedeng pumunta doon. Attorney at pamilya lang daw ang mga tinatanggap na mga bisita baka di ako papasukin kung wala akong kasama...
Humiga ako sa kama at pumikit. Ito na... magkikita na kami. Apat na taon din. Ano na kaya ang hitsura niya? Inalala ko kung ano ang imahe niya noon. Hindi siya masyadong mataba, maputi at matangkad, ang kinis pa ng mukha. Walang ka pimples pimples... napangiti ako habang inaalala ko ang lahat tungkol sa kanya.
Hindi na ako makakapaghintay na makita ka...
•••
Hello everyone! Ü salamat po sa patuloy niyong pagbabasa. Basta ha? Tiwala lang...
Just want to share this to you... nung Monday our youngest cousin died. (3months old) polio, heart failure, hydrocephalus ang ikinamatay niya. 💔💔
Reminders sa mga mother to be at mga parents na bumabasa sa mga sulat ko... take good care of yourself habang nasa tiyan pa si baby. Let your BP check every now and then. Kung may nararamdaman kayong di maganda sa pagbubuntis niyo... don't hesitate to visit a doctor or your OB so that they can attend your conditions kasi yun ang naging kulang ng auntie ko... 😔😔
Sa nga ina din, keep your children and baby away from dust, pollution at lalo na sa mga naninigarilyo. Expose kasi sila sa mga ganyan kaya nag complicated ng husto si baby Johnlee. Haaay.
As I recall everything this past few months since September... tatlong buwan... tatlong tao na din ang bumalik sa mga bisig ni Lord na mahal ko sa buhay. My lolo, my dearest friend and baby Johnlee. All walks of life talaga. Grabi no? But still, we need to go on. May plans pa si Lord sa akin at sa ating lahat diba? Kakayanin to! Nag promise nga siya sa atin...
Jeremiah 29:11 (NIV)
"For I know the plans I have for you," declares the Lord, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.
Have a good day to all. 😊😊God bless us all.
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
