Para akong tuod habang nakatakip ang bibig ko gamit ang isang kamay ko. Dios ko, bakit siya nandito sa labas? Narinig niya ba lahat? Shocks! Sobrang nakakahiya.
"Saan ka galing? Bakit di ka sumama sa pagsundo sa akin?" Malamig niyang tanong.
"H-ha? K-kasi ano... uhm...—"
"Tito, wait up. Uy, tita Maine! You're here na pala." Si Alona. Anak ni miss Sasha. Lumapit siya kay Chard.
"S-saan kayo galing?" Iniba ko ang usapan.
"Diyan lang sa baba may inayos." Sagot ni Chard. Hindi ko alam kung galit siya or ano pero parang iba ang pakikipag-usap niya sa akin.
"Nag wait kami sayo downstairs tita." Pambasag ni Alona. "Tagal mo."
Napatingin tuloy ulit ako kay Chard. Aha! may inayos pala ha! Sinungaling! Buti nalang dumating tong pamangkin niya para basagin ang kasinungalingan niya.
"Let's get inside na po. Kanina pa siguro sila mommy nag wait sa atin." Yaya ni Alona.
"Y-yeah. Yeah. Pasok na tayo." Yun lang ang nasabi ko.
Naging maingay ang hapag dahil nag kwekwentuhan ang buong pamilya. Ako, nakikingiti lang ako at kumakain dahil di ko naman kilala ang lahat na pinag-uusapan nila.
"Bye, tito Chard! bye tita Maine!" Paalam ni Alona sa amin at tuluyan na siyang tumakbo patungo sa papa niya.
"Paano? Mag-usap nalang ulit tayo bukas ha? Marami pa tayong pag-uusapan pero magpahinga ka muna sa ngayon. Okay? Welcome home bunso." Niyakap siya ni miss Sasha.
"Salamat, ate."
"Ako naman, payakap din ako. Welcom home bunsoooy!" Niyakap din siya ni miss Sheena. May binulong ito na ikinatawa naman ni Chard. Ano kaya yun?
"Nak, bisitahin niyo din ako sa bahay ha? Isama mo si Maine para naman makapasyal siya doon."
"Hahaha, okay dad."
Ilang minuto pa silang nag-usap sa may pintu-an hanggang tuluyan na silang nagpaalam sa amin. Pagkasara ko sa pinto, doon na ako mas tinubu-an ng kaba. Akala ko kasi dito silang lahat magpapalipas ng gabi... pero hindi pala. May mga pasok sa trabaho pa kasi sila bukas kaya kailangan pa nilang umuwi ng maaga.
Nagtungo agad ako sa kusina para hugasan ang mga pinggan na pinagkainan namin habang si Chard ay naman ay umupo sa couch at nanuod ng tv.
Gosh! Sobrang awkward naman nito! Ano bang gagawin at sasabihin ko? Aalis nalang kaya ako? Yes! Tama! Pagkatapos ko dito, aayusin ko ang gamit ko para makaali...—
"Tulungan na kita diyan." Ay, Dios ko po. Nasa tabi ko na siya at nagsuot na din siya ng gloves.
"H-ha? Wag na. Ako na. Kaya ko na to."
"Hindi, okay lang. Tulungan na kita. Ganito kasi ang gawain ko nung nasa bilibid pa ako... kami sa silda namin ang naghuhugas ng pinggan pag huwebes ng gabi."
"T-talaga? Nako naman, h-hindi ka ba nahirapan? Mukhang marami pa namang preso soon."
"Nung una, oo. Sobrang hiram. Ang dami kaya nila... mga 500+ yung mga pinggan... di pa kasali yung mga naglalakihang kawale at iba pang mga gamit pang luto."
Napatingin ako sa kanya. "As in? Kinaya mo yun? Aba, ang hiram nga! Baka ako nilagnat na ako pagkatapos nun."
Tumawa siya. "Sanayan lang yan. Hindi naman mahirap pag marami kayong nagtutulungan."
"Sabagay." Sagot ko. Okay, wala na. End of conversation.
"I-abot mo sakin yung mga pinagsabonan muna... ako na ang magbabanlaw." Aniya sabay turo sa nga pinggan.
Isa-isa ko namang inabot ang nga yun sa kanya nang kalmado pero ang kaloob-looban ko ay naghuhuruminto na sa kaba.
Halos mapatalon ako dahil naglapat ang mga kamay namin. Dios ko naman kasi! Ano ba to? Pinggan lang naman dapat yung hahawakan niya diba? Bakit pati kamay ko?
"Uhm, C-Chard, aalis na ako."
Nagtama ang mga mata naming dalawa. "Aalis kana? Saan ka pupunta? Uuwi kana ng Cagayan de Oro?" Sunod-sunod na tanong niya.
"H-hindi pa naman. Sa hotel nalang muna ako mag cecheck-in." Utal kong sagot.
"Bakit naman?"
Kasi andito kana? Para na akong kandila na nalulusaw pagnakikita at nakakasama kita. Ganon! "Kasi ano...—"
"Stay. Here."
Shit!
"Pero b-baka nak...nakaabala na ako sayo, eh."
"You're not. May own space ka naman sa room mo kaya wag kang mag-alala. Ako nga dapat ang nakaabala sayo dahil lumuwas kapa talaga dito para tulungan ako."
"Uy, hindi ah. Kusang loob talaga ang pagtulong ko. Mas malaki pa nga ang kasalanan ko sayo kesa sa pagtulong ko eh kaya wag mong isiping nakaabala ka."
"Pinatawad na kita kaya wag mo ring sabihing mas malaki ang kasalanan mo sakin." Bahagya siyang napatawa kaya napatawa na din ako.
Pero kahit pa! Hindi parin kumakalma ang puso't kaluluwa ko.
"Sabi nina achi sakin binisita mo si Athens, kamusta siya?" Parang umakyat ang lamig ng tiles mula sa aking paa hanggang ulo ko dahil sa tanong niya.
"O-okay lang siya. Miss na miss kana niya. Ikaw lang ang palaging bukambibig nung bata."
He sighed. "Miss na miss ko na din siya. Hindi ko alam kung kailan ko pa siya pwedeng makita at makausap... kakausapin ko pa si Atty. tungkol doon."
"Dinadalangin ko din na makasama mo na siya." Wag kang mag-alala... malapit na Chard. Sana sumang-ayon ka din sa plano ko.
"Saan ka nga pala galing kanina? Bakit di ka sumama sa pagsundo?" Tanong niya habang nilalagay ang mga pinggan sa dryer.
"H-ha? M-may binili kasi ako tapos natagalan." Rason ko sa kanya. Sana naman maniwala.
"Mas importante pa kesa sa akin?"
Ano?! Dios ko naman.
"C-Chard..."
"Hindi, joke lang. Sorry, wag mong seryosohin yung huling sinabi ko.."
"Uhm, okay."
Hindi na kami ulit nag-usap hanggang matapos namin ang gawain. Alam kung may iba siyang iniisip pero hindi niya pa pwedeng malaman ito lahat. Balang araw... kunting tiis nalang Chard. Makakasama mo na si Athens at sasaya ka na.
"Matutulog kana?" Aniya.
Tumango naman ako. Akmang aalis na sana ako nang bigla niyang hinila ang pala pulsohan ko. Napa ikot ako at agad na napunta sa dibdib niya. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa likod ko. Gusto kong gumalaw... gusto kong makawala mula sa pagkakayakap niya... pero kabaliktaran ang dinidikta ng puso ko.
"I miss you. Sobra."
Isa-isang tumulo ang mga luha ko mula sa aking mata. Kung alam mo lang... sobrang miss na miss na din kita.
•••
MERRY CHRISTMAS & ADVANCE HAPPY NEW YEAR my dear friends!! 😍💕
Let us enjoy our vacation muna ha? Let us spend it with our family and loved ones! Wag hayaang lamunin ang mga kanegahan ang mga nabibilang na araw ng 2017.
Spend it right guys!!
Thank you for staying with me throughout this journey! Marami po akong napapatunayan sa sarili ko dahil din sa inyo... maraming maraming salamat po talaga!
Next year:
BOOK for YOU ARE MY HOME I
Sana magustuhan niyo.
I'll update soon on how to get it.
Salamat po sa lahat! 👋🏻
DU LIEST GERADE
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
