Kinarga ni Chard si Athens papasok ng condo unit niya at nagkukulitan silang dalawa. Nagtatawanan ang mag ama habang pangiti ngiti lang ako na nakasunod sa kanila. Ang cute nilang tignan. Napaisip tuloy ako kung nagustohan ako ni Athens siguro kasali ako sa pagkukulitan nila ngayon. Haaaay, asa kapa Mai.
"Mommyla!!" Agad na nagpababa si Athens pagkapasok namin sa unit nang makita niya ang babae na nakaupo sa couch.
"Baby apo ko!" Niyakap niya agad si Athens. Si ma'am Zenna.
"Ma, bakit po kayo nandito?" Sabi naman ni Chard at hinalikan niya ito sa pisngi.
"Am I not welcome here iho?" Taas kilay niyang sabi at halos tatalon na ang puso ko sa kaba nang makita ko siyang ibinaling niya ang tingin sa akin. "O, and who is she?"
Lumapit si Chard sa akin at inakbayan niya ako. "Ma, this is Maine. Maine Mendoza. My girlfriend."
Hindi ko alam pero mukhang mas lalong itinaas pa niya ang kilay niya. Possibe pala yun ano? "O, siya pala ang pinagkakaabalahan mo kaya wala kanang oras sa ana..."
"Ma, stop it."
"Why? Totoo naman, a. Dapat alam ng babae niyan kung saan siya dapat lumugar dahil may anak ka din na dapat mas bigyan mo ng atensyon. Di yung kani kanino lang." Sumikip yung dibdib ko. Ganito ba talaga siya? Walang preno ang bibig? Paano siya nagustuhan ni Sir Sr.? Mabait yun, a.
"Athens, baby... go to yaya Yuna para makapag ready kana to sleep." Utos ni Chard sa anak.
"Okay daddy." Niyakap at hinalikan niya si ma'am Zenna at ganun din ang ginawa niya kay Chard.
"Sa amin lang ang may kiss at hug? How about kay tita Maine?" Tanong ni Chard sa bata.
"Wag mong pilitin yung bata kung ayaw niya." Agad na sabi ni ma'am Zenna kay Chard.
Hinawakan ko naman ang kamay ni Chard at nginiti.an ko siya. "Baka pagod na yung bata. Hayaan mo na."
Nang umalis na si Athens, hawak kamay pa din akong dinala ni Chard sa couch at pinaupo ako.
"I came here to asked you for dinner pero pagdating ko dito wala na akong nadatnan kundi si Yuna lang."
"Dinner?" Marahang tumawa si Chard. "Gumagawa kana naman ng kwento ma. Alam kung di yan ang pakay mo. Ano ba kasi ang ipinunta mo dito?"
Tumayo si ma'am Z at napabuntong hininga. "Okay, mukhang di na talaga uubra ang mga pasakalye ko. Inalam ko lang kung totoo ang mga nababalitaan ko na may inuuwi kana palang babae dito sa condo mo at mukhang totoo nga." Tinignan niya ako. Pwede bang umalis muna ako? Hindi ko ata kakayanin ang harapang to. Determinado talaga akong umalis pero naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Chard sa kamay ko. Kaya nanatili nalang ako sa kinauupo.an ko.
"So what is it now? Nakita mo na. Totoo." Napangisi si Chard sa kanya. "I guess the door is now open for you."
"How dare you said that to me! Matapos kong takpan ang mga ginagawa mong kabulastugan gaganituhin mo lang ako? Who could you??!"
"Babalik na naman tayo sa kwentahan ma? Di pa ba sapat na pinalaki ko ng maayos at inalagaan si Athens para ikakatahimik na ng kaluluwa mo?" He sighed. "Umalis kana bago pa ako tumawag ng guard dito at ipagpabawal ka dito sa condominium na to."
"You can really do that to me huh!? Makakarating to sa daddy mo."
"Go on. Diyan ka magaling, e. Sa pagsusumbong. Magmamakaawa ka sa harap ng tatay ko para mas magmukha kang kawawa at ipapamukha mo na inaapi kana naman ng mga magagaling niyang anak. Teka nga... bakit ka ba nangingialam sa buhay ko? I.sampid ka lang naman?"
Ouch. Pwede bang masaktan sa mga banat ni Chard sa kanya? Ang awkward lang kasi napagitnaan nila ako. Nakatayo si ma'am Z habang nasa kabilang gilid ko naman si Chard. Nakaupo lang.
"Tsaka, sinasabi mong inagaw ni Maine ang oras ko para kay Athens? Paano mo ba nasasabi yan? Nakita mo ba siyang nagalit dahil di nasusunod ang gusto niya? Nagdadrama na nagsasakitsakitan dahil oras na naman niya sa pag alaga sa anak ko? Ha?!Hindi. Hindi naging ganun si Maine. Dahil hindi siya gaya mo. Hindi niya gawain na mang.agaw ng ng oras lalo na pag oras ko sa anak ko. Ikaw? Diba gawain mo yun?" He smirked. Kung noon, inis na inis ako kay Chard pag nag tatransform siya sa pagiging anak ni S. Bakit parang ngayon kabaliktaran?
"You're unbelievable!"
"Unbelievable indeed. Now if you may... you can leave now." Mahinahong sabi ni Chard.
Hindi na nagsalita si ma'am Z at tuluyan na siyang umalis. Napasandal naman si Rj sa couch at napapikit.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Maine, sorry." Aniya. Yun parin ang posisyon niya.
"Okay lang yun. Ano kaba. Napaghiganti mo naman na ako. Tama na yun."
"I will not let anyone humiliate you or speak bad things towards lyou. Dadaan muna silang lahat sa akin." Para namang lumundag ang puso ko sa kilig pero paano kung malaman niyang pati din si Athens ayaw sa akin at napagdalitaan niya ako ng di maganda? "Even Athens..."
Nagulat naman ako. Anong pati si Athens. "H-ha? Bakit naman nasali ang bata dito?"
"Nagsumbong si Yuna sa akin kanina." Ito talagang si Yuna.
"Hayaan mo na. Bata pa naman magbabago din ang paningin niya sa akin kinalaunan." Tugon ko sa kanya.
Ibinaling niya ang ulo niya sa deriksyon ko. Nagtinginan kami at napangiti siya sa akin. "Alam mo? Bakit iba talaga yung dating mo sa akin. Honestly kanina sasabihan din sana kita na magpunta kana sa silid mo. Somewhat ayaw kong marinig mo ang pagtatalo namin ni mama Zenna kanina pero naisip ko baka di ako makapagpigil at baka ano pa ang masabi ko sa kanya kaya I decided to let you stay... with me... by my side." Wala na. Sabog na sabog na ang mga kaugatan ko sa kilig.
"Hindi ko hahayaang may sumaktan sa mga mahal ko." Dagdag niya.
"Mga mahal? Marami kami?" Napanguso ako.
"Oo." Tipid niyang sagot.
"ANO??!" Sigaw ko sa kanya.
"Hahahaha ito naman, syempre. Marami, marami kasi Ikaw, si Athens, si Ate Sasha at si Ate Sheena. Kayo... kayo ang mga mahal ko." Kunurot niya ang pisngi ko. "Lalo kana." Chard naman, eiii.
"Bolero!" Tumayo ako.
"Di, a. Papatunayan ko pa sayo."
"Tse!" Kako sabay talikod. Pupunta na ako sa silid ko. Hindi niya ako dapat makita na namumula sa kilig. Nahihiya ako.
Pero sinundan niya ako at hinawakan ang kamay ko. "Papatunayan nga sabi, e. Now, why don't we continue what we haven't finished earlier?"
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
