"We're here. . . " tugon ni Chard sakin. Medyo inaantok kasi ako sa byahe kaya napa idlip ako ng kunti. Kasalanan niya to. Masyado niyang ginalingin. Papansin siya sa isipan ko kaya di ako nakatulog buong magdamag.
"Uuuuugh!" Minulat ko ang aking mga mata at nag stretching ng kunti. Naapektuhan din ata tong mga balikat at ang likod ko. Medyo masakit, e.
"Tara na. . . baba na." Aniya. Medyo ako na alarma. Nasa tapad talaga kami ng bar. Di pa niya ito pinark sa parking area. Nagsidatingan pa ang mga kasamahan ko. 'Goodness! Ayokong makita nila ako na lumabas dito sa sasakyan ng amo namin.'
"H-ha? Dito talaga? Pwede bang ipark mo muna ang sasakyan sa tamang parkinganan bago ako lumabas?" Kako, sabay ngiti sa kanya. Medyo nag alangan akong sabihin yun dahil baka mainis siya pero sinabi ko pa din.
"I'm making your way more convenient Maine, mas mabuti na dito para kunti na lang lalakarin mo." Hay salamat at mahinahon lang yung pagkasabi niya.
"Kasi ano. . . medyo ang odd naman kasi na iluluwa ako ng sasakyan mo tapos makita ng mga kasamahan ko. Baka kung ano ano na yung iisipin nila." sabi ko. 'Lord sana di siya ma offend. Pls. pls.'
"Aaaah! So nahihiya ka. . . hmm okay!" Yun lang ang naging sagot niya at pinaandar uli ang kotse.
"Uhm, Chard. . . di naman sa nahihiya. Syempre ano. . . dahan dahanin muna natin. I mean, wag natin biglain na ganito ba. Yung nakakasabay kita or ano. . . kasi ang awkward sa trabaho, e. Baka mapag isipan ako ng masama o di kaya mapag selosan pero ano. . . wag mong masamain ha?. Dadating yung araw na sasabihin ko sa kanila na ano. . ito, ganyan. Nanliligaw ka."
Tumango lang naman siya. Hindi na din ako nagsalita pa. Nang makarating kami sa parking lot, dagli akong bumaba sa sasakyan.
"Mai. . . -"
"See you around sir!" paalam ko sa kanya at nagmadaling pumasok sa bar.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa staff room. Naalala ko na may sasabihin pa sana si Chard sakin pero lumabas na ako agad sa sasakyan. Napangiti ako, ano kaya sasabihin niya? Siguro yung kondisyon hmmmm, pero mamaya na lang.
"Hi Couz . " bati sakin ni Joyce. Hinatid din kasi siya ni Top kaya napa una siya dito sa bar.
"H-hi Couz. . ." niyakap ko si Joyce mula sa likuran.
"Ang sweet naman ng pinsan ko. . . o, kamusta? sinundo kaba niya? Nagsabay kayo? Nag usap na kayo?" sunod sunod na tanong niya sakin.
Napatawa ako. "Isa isa lang uy! Grabi ka."
"E, sa na i.excite na ako, e. Sige na. Ano pinag usapan niyo? Okay na? Clear naba? Na liligawan ka talaga niya?" Galak niyang tanong. Kulang na lang mapunit tong pagmumukha niya sa lapad ng kanyang ngiti.
"Sinong nililigawan? Si Mai? OMG!" Biglang sambat ni Camille na kakapasok lang sa staff room. 'Nako naman! Chismosa talaga.' Lumapit siya sa amin at nakipag beso. Pinutol nalang namin ang usapan namin dahil baka mabulilyaso pa ang sekreto. Mahirap na! si Camille pa naman to. Ang reyna ng kultong mga chismosa.
"Wala. . . " sagot naman ni Joyce na may pagkairita. Nabitin kasi siya sa sanay kwentuhan namin.
"Anong Wala? Narinig ko noh! Wag kayong mag maang maangan." mataray na sabi ni Camille. Pambihira tong babae'ng to.
"Okay ganito kasi yun. . . yung Butiki kasi namin sa boarding house may na meet na butiki sa kabilang kwarto. . . kaya ayun, nagka love at first sight yung butiki namin tapos nanligaw na sa kapitbahay na butiki. Okay na? Butiki pinag uusapan namin dito. Epal!" Mataray na sabi ni Joyce. Bigil tawa naman ako sa gilid.
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
