Tahimik na ulit kami sa loob ng sasakyan. Busy siya sa pag da.drive habang ako busy na man sa kakatingin ng mga malalaking billboards na nadadaan namin.
"Uuwi kana?" Tanong niya bigla sakin. Parang huminto bigla yung paghinga ko sa tanong niya pero siguro mga 3 seconds lang, balik hinga ulit ako. Pero bakit natanong niya?
"Hmmm, oo. Gabi na din kasi. . . wala naman akong alam na pupuntahang ibang lugar dito. Hahaha" sagot ko naman sa kanya.
"Wanna come with me?" Tanong niya uli. 'Seryoso ba to? Saan naman kami pupunta sa ganitong oras nato?'
"Saan?" Pakalma kong sabi pero deep inside kinakabahan na. Jusko! Baka ito na yun. Yung planong salva. . . -
"Sa Bar lang. . ."
Ay? Sa Bar lang naman pala! Akala ko kung saan na hahaha akala ko gaya nung mga nakikita kong cliché sa teleserye na dadalhin ang babae sa hide out ng lalaki. Charot lang!
"Sa Panchito? Eh, diba sabi ko bukas na ako babalik? Bakit tayo pupunta doon?"
"Wala lang, isasama lang kita. Hindi ko naman sinabi na magtrabaho ka ngayon. Just . . . uh. Yeah be my guest tonight."
'Ano raw? Guest? Tonight? Ano bang nakain ng taong to at bigla biglang nagyaya yaya ng mga baga bagay?
"Guest po?"
"Ayan kana naman sa po eh. . . tsk!"
"Ay sorry! Guest? . . . C-Chard? Yan. Okay na?"
Nakita kong ngumiti siya. Shot! Pang ilang ngiti naba tong nakita ko sa gabing to? Napaparami na ata. More more more! I want more. Ay nako! Ang lantod. Tsk
"Y-yeah. May party kasi doon sa Bar ngayon. Uhm. . . I'm just. . . uh. . you know. . . since ikaw kasama ko ngayon maybe I can. . . uuugh! Wag na nga lang. I.uuwi nalang kita."
Yan na naman yang mukha at asal niya. Bakit ang yayamutin ng taong to? Saan ba to nagmana? Mukhang mabait naman ang ama. Tsk!
"Okay, sabi mo eh. Diyaan na lang ako sa may kanto. Wag mo nang ipasok sasakyan mo. Medyo umulan kanina diba? Baka maputikan pa tong sasakyan mo."
Ako pa ang mapapagalitan mo tapos ipapalinis mo pa sakin. Nah! Wag na lang talaga.
"Okay. Ihahatid na lang kita sa loob ng boarding house niyo."
Ayy! Bakit may mga kumikiliti sa tiyan ko. Naiihi ako.
"Wag na! Baka makita kapa nila Janice. . . mapag diskitahan kana naman."
"Speaking of them. . . wala bang mga kahihiyan yung mga yun? Ganun ba sila pag may bisita kayo? Nakakatakot sila ha."
Napatawa ako. Natakot daw siya? As if naman di siya nakaka incounter ng mga ganyang klaseng mga babae gabi gabi. Nakakaloka tong taong to!
"Hindi ko alam kung ganun talaga sila pag may bisita kami. . . pero first time ko kasing nagkabisita na pogi tapos pumasok pa sa loob. . . madalasa kas. . . -"
My goodness! Nasabi ko ba ng malakas na pogi? Siya? Shooocks! Tong bibig ko, sobrang daldal kasi. Ugh!
Ngumisi siya, nakita ko. Wooah! Nakakahiya.
"Pogi pala ha!" Aniya.
"Uy, grabi ka naman. . . baka isipin mo na crush kita, h-hindi ha! Hindi kita crush. Pogi ka lang talaga pero di kita crush." Wow. Nag explain talaga ako ha.
"Defensive." Sagot niya.
"Talagang magiging defensive ako kasi di naman kasi totoo. B-baka ano. . . mag assume ka! Di porket pogi ka lahat ng tao may gusto sayo. Ganun." At isa ako doon kasi ang pangit ng ugali mo! Tse!
KAMU SEDANG MEMBACA
No Empty Spaces
Fiksi PenggemarIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
