Ang bilis ng araw... Parang kailan lang nung dumating kami. Ngayon, dalawang tulog nalang babalik na naman kami sa normal na buhay namin sa Manila. Lalo na si Chard. Sa mga araw na andito kami sa probinsya hindi ko siya nakikita na pinagkakaabalahan niya ang telepono niya sa tawag o di kaya sa mga mensahe na galing sa trabaho. Na bi.busy lang siya sa kaka picture sa mga bagay bagay na nakikita niya dito sa paligid.
Sa bawat araw na andito kami ay panay din ang panunuyo niya sakin. Aminado naman na ako na gusto ko talaga siya at mahal ko na siya pero marami pa kasi ang nagbabagabag sa puso't isipan ko ngayon.
"Ang lalim naman ng iniisip natin..."
"Hello Nanang... Andiyan ka pala."
"O, bakit andito kapa sa labas? "
Ngumiti ako. "Wala lang Nang, ang abilis lang kasi ng oras. Dalawang tulog nalang at aalis na naman kami."
Humuntong hininga si Nanang. "Oo nga no? Aalis na kayo pero di mo pa sinasagot yung tao."
"Nang naman. Pati ba naman ikaw makikisali na din sa mga tukso nila?"
"E, bakit mo pa kasi pinapatagal? E, mukhang seryoso naman yung tao sayo tapos naalala ko nung isang araw nadatnan ko silang nag uusap ng Tatay Toto mo. Pati din ako kinaus- Ay!" Para lang nagulat sa sinabi niya.
"Ano ho Nang? Kinausap niya din kayo?"
"Haaaay, sabi pa naman niya na di ko sasabihin sayo baka kasi ma pressure ka. Di ka naman daw niya minamadali..." Hinawakan ni Nanang ang kamay ko. "Pero di kapa ba talaga handa? Mukhang mabait naman yung tao tsaka batid naman namin ng tatay mo na aalagaan ka niya kaya panatag ang loob namin sa kanya."
"Nang yun na nga inaalala ko... Aminado na po ako na mahal ko na siya pero po baka maka apekto po yung relasyon namin pagnagkataon sa mga plano ko para sa kinabukasan namin ni tatay."
"Haaay nako Maine... Ano ka ba! Hindi mo pa nga sinusubukan nangunguna na yang ka negahan mo. Wag ganun. Nag sakripisyo kana sa tatay mo mula nung huminto ka sa pag-aaral at napag desisyonan mo ng lumuwas para matustusan ang pangangailangan niyo ng tatay mo... Baka naman ngayon, isipin mo muna yang kaligayahan mo. Yang isang parte ng puso na si Richard ang laman."
Tama ba si Nanang? Dapat ko bang bigyan ang bahagi ang puso kong to? Paano kung masaktan lang ako? O di kaya masaktan siya? Paano kung mahihirapan lang kami? Haaaay nako. Pero sabi nga ni Nanang...
Baka naman ngayon, isipin mo muna yang kaligayahan mo. Yang isang parte ng puso na si Richard ang laman.
Baka naman ngayon, isipin mo muna yang kaligayahan mo. Yang isang parte ng puso na si Richard ang laman.
Baka naman ngayon, isipin mo muna yang kaligayahan mo. Yang isang parte ng puso na si Richard ang laman.
"O, siya. Ma una na muna ako. Mukhang andiyan na si Rudy at si Richard. May panggatong na tayo. Magsasaing lang ako ha? Wag na kayong magluto, ako na." Wika ni Nanang.
"Sige Nang salamat po..."
"Hey!" Bati sakin ng pawisang Chard.
"Hey din... Pagod?" Tanong ko sabay abot ng tuwalya na pampunas niya.
"Medyo pero okay lang naman. Nag enjoy naman kami doon sa pangangahoy namin ni kuya."
"Buti naman... Pagpahinga ka muna." Kako.
"Okay sige."
Nang matapos na kaming maghaponan nagyaya siyang maglakad lakad daw muna kami. Ma mimiss daw niya kasi ang lamig dito sa lugar namin kaya sasagarin na daw niya.
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
