28 • Clear

2K 209 27
                                        


Mukhang nag enjoy ang loko sa paglilinis, a.  Sinapi.an ng sipag, akala ko pagpupunas lang ng mga mesa pati ba naman ang pag walis at pag map sa sahig kinarir niya?

Napangiti ako nang maalala ko kanina na nag agawan sila nung isang impleyado ng walis. Sinabihan ba naman niya na sisisantihin niya kung di niya ito ibibigay sa kanya?  Napatawa tuloy ang ibang impleyado na nakarinig sa kanya.  Loko loko talaga.

"Uy,  pangiti ngiti si auntie." Tukso sakin ni Joyce.

"Alam mo couz,  kung wala kang masasabing maganda dito?  Paki ligpit mo na tong mga telang to pati na rin yang sarili mo." Kako.

"Grabi ka naman! Brutan? Hmmmp,  pero infairness ha?  Nakakapanibago yang mga kilos ng future jowabels mo. First time ko atang nakita na naglilinis yan. Tsk!  Inspired na inspired."

"Anong future jowabels na pinagsasabi mo diyan? Sinong may sabi na may future? E, kani kanina lang gumive.up na siya."

"ANO? bakit?  Paano?  Anyare? Anong ginawa mo?" Niyuyogyug niya ako.

"Aray naman!  Ako agad? Ano ka ba!  Siya yung nag give up no. May nangyari kasi kanina at ayaw niya akong pakinggan sa eksplenasyon ko. Close minded ang loko...  Kaya ayun. Hayaan mo na wala akong mapapala sa mga ganyang klaseng tao."

"Couz naman,  e. Yun na yun, e." Padabog na sabi ni Joyce.

"Ano ba!  Okay lang noh! Mas mabuti nga na wala na talaga para wala ng panggulo sa isipan. Magtrabaho na nga tayo ng maka uw... -"

"Maine,  pakilagay nga nitong towel sa likod ko. Pawisan na likod ko,  e." Sambat ng isang pamilyar na boses. What the!  Seryoso?

Lumapit sa akin si Chard sabay abot ng tuwalya at tumalikod siya para malagyan ng tuwalya sa likuran. Gosh!  First hand to back contact to. Ano ba!!!  Nakakainis na ha,  akala ko ba wala na. Tapos na! Diba?  Bakit nagpapa ganito ang lokong to?

"Hmmmm?  Akala ko ba...-" pinigilan kong magsalita si Joyce. Baka marinig nitong tukmol nato at madihado na naman ako. "Okay,  alis muna ako. Bye Sir." Pangiti ngiting umalis si Joyce.

"O-okay na."

"Salamat Maine. Kunti nalang to at uuwi na tayo." Aniya sabay hawak ulit sa map. Ano raw?  Kami? Teka ihahatid pa ba niya ako?

"Ano? Di mo na ako kailangang ihatid di mo naman na obligasyon yun. Mag dyedyep nalang ako. May mga nakakasabay naman ako sa dyep pauwi."

Kumunot ang noo niya. "What are you talking about?  Hindi ka pwedeng mag dyep. Ihahatid kita. Tsaka,  Oo.  Di pa nga kita obligasyon ngayon pero ramdam ko malapit na." Kinindatan niya ako.

Kapal naman ng pagmumukha nito. Akala ko ba wala na?  Bakit may paganito pa siya?  Nako ha!  Naiinis na ako,  kaya ba siya nagsisipag ngayon di dahil para makatulong mapadali ang gawain namin kundi para sa akin? Agoy ha!  Umayos ka dong!

Matapos ng lahat na gawain ay namaalam na siya sa lahat. Syempre mga sipsip,  ngiti ng ngiti naman sa kanya panay salamat dahil tinulungan daw sila sa gawain,  edi wow! 

"Maine,  lets go!"

"Ha?  Di na nga sabi...  Mag dyedyep na ako."

"Ihahatid na nga kita sabi,  e. Don't ruin my mood Maine. Ang ganda na ng pakiramdam ko ngayon. Ano bang inaarte arte mo diyan?" Langya?  Ako nag iinarte?  E,  kung sapakin kaya kita diyan?!

"Hindi ako nag iinarte SIR!  ikaw nga tong weird kung umasta. Diba galit ka sakin kanina?  Diba ayaw mo na?  O,  bakit may paganito kapa?"

"Maine,  galit ako,  oo. Pero sino ba ang nagsabing ayaw ko na? Di pa nga ata nangalahati aayaw na ako?  Tsaka ngayon pa ba ako aayaw na wala na akong karibal at bakit pa ba ako aayaw? E,  mahalmonarinako." Pangiti ngiting sabi niya.

No Empty SpacesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora