23 •

2.4K 205 18
                                        

Hindi ako makatulog sa kakaisip sa nangyari. Nameet ko ang kambal niyang kapatid at ang mas hindi nagpatulog sa akin ay ang text message niya sa akin. . .

Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin? Hindi pa man pero parang lumulundag ang puso ko sa kasiyahan dahil nagustuhan ako ng mga kapatid niya at para bang may naglalarong 'wild animals' sa loob ng tiyan ko nang mabasa ko ang text message niya sakin.

Nag '143' siya sakin. Bahagya akong napangiti. Ang baduy lang kasi. Hindi man lang niya masabi sa akin ng buo o di kaya sa personal. Napahagikhik ako. Ang cute lang niya kasi. Di ko akalain na darating talaga ang panahong to.

Boss Chard
Hi! Good morning! :)

Ang aga naman niyang nagising.


Hello! Good morning too.


Boss Chard
How's your sleep?

Okay lang. Sayo? Ang aga mo atang nagising, a. Hihihihi


Boss Chard
Yeah. May shoot kasi ako today. :)
maaga ang call time.


Ay? Oo nga no. Naalala ko, model din pala siya. Tsk! Gabi lang naman kasi kami halos nagkakasama at hindi ko alam ang mga araw araw niyang gawain.

Ah! Ingat ha? God bless.

Boss Chard calling...

"Hello?" Kako. Medyo nagulat ako dahil tumawag siya sakin.

"Good morning ulit!" Aniya.

"Napatawag ka?" tanong ko sa kanya.

"I'm on my way na kasi sa location and I'm driving na. Mahirap itext, e. Nakakatamad din. Alam mo yan kaya nag call na ako." Pahayag niya sa akin.

"Hala! call me later nalang. Ano kaba Richard! You're driving!." Medyo nag aalala ako. Baka mapano siya, maging kasalanan ko pa. Tsk!

"Later na. You're on loud speakers naman, e. Gusto ko marinig ang  dumadagundong na boses mo dito sa loob ng sasakyan ko. Pampa good vibes lang mg umaga bago sumabak sa bakbakan." I heard him chuckled.

Ano raw? Loud speakers? Nahihibang naba siya? Pwede namang mag earphones siya. Siraulo talaga.

"Ewan ko sayo! Basta Drive safely!" Kako. Huli na ng naisip ko ang sinabi ko sa kanya. Ugh! Pero kahit naman sino diba? Yun din ang sasabihin.

"Uy, concern?"sabi niya sa kabilang linya. Kung siguro magkaharap kami ngayon paniguradong lumalalim na naman ang ngiti niya.

"Ambot sa imo! (Ewan ko sayo)" kako. Nahiya kaya ako kaya napa bisaya ako sa di oras.

"Ano? Anong sabi mo?"

"Wala! ." Sagot ko naman.

" Hmmm, okay? Anyway, pagkatapos ko dito susunduin kita diyan ha? Lunch tayo. . ." aniya. Biglang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya Nakakaloka! Lunch daw. . . nakakainis! Nakakainis! Kinikilig ako.

"Maine. . ? Still there?"

"Uh, y-yeah! o-okay. Sige. Magtext ka lang." Kako. Wow te! payag agad no? pero kung si Leo yun ipagpapaalam mo pa sa kay tatay. Ano naba? Mukhang bumibigat sa balanse si Chard, a. Umayos ka!

No Empty SpacesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt