36 • Listen

1.8K 206 16
                                        

Nakita ko mismo sa dalawang mata ko ang pagkagulat niya nang binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob ng office.

"T-tubig po." Yun lang ang nasabi ko. Kailangan di nila mahalata na nanginginig na ako dahil pinipigilan kong umiyak.

"Maine..." Tinawag ako ni Chard. Alam niya siguro na narinig ko ang pinag usapan nila. Sa lakas ba naman ng boses nitong step-mom niya.

"S-sir? Bakit po?  May kailangan pa po ba kayo?" Kailangan kong mag panggap.

"Wala na. You can go now." Tugon ng step-sister niya.

Dahan dahan akong lumabas sa opisina. Humugot ako ng hininga. Di ko kaya to. Parang may sumasaksak sa akin sa likuran. Agad akong naglakad papuntang staff room at kinuha ang lahat ng gamit ko. Hindi ko muna binigyan ng pansin ang nangingilid kong mga luha at ang pag init ng buong katawan ko. Hindi ko talaga alam kong ano ang iisipin ko ngayon. Blanko! Blanko lahat. Basta ang alam ko ay dapat makaalis na muna ako dito.

Pagkabalik ko sa inuupo.an ng grupo ay agad kong hinila si Joyce.

"Tara na." Kako, nanginging na ang boses ko.

"H-ha? Bakit? Couz? May nangyari ba? Okay ka lang?" Pag alalang tanong ni Joyce sakin.

Hindi ko na kaya.  Iiyak na ako. Iiyak na talaga ako. At yun na nga. Di ko na napigilan ang mga luha ko. Umiyak ako sa harapan nilang lahat.

"Wait...  Uhmm,  labas tayo? Camille,  Japs pakikuha nung ibang gamit natin." Sabi ni Belle at tumango naman ang dalawa at dagling pumunta sa staff room.

"Tara,  doon tayo sa labas mag usap. Di pwede dito maraming makakakita sayo at maghihinala." Dagdag ni Joyce.

Lumabas kaming tatlo. Iyak lang ako ng iyak ng makarating kami sa waiting shed. Totoo ba talaga yun?  May anak siya?  Ama na siya?  Bakit ni isa di niya bingggit yun? My ghad!  Mababaliw ata ako. Kakasimula pa lang namin pero ito agad ang bumungad.

"Mai,  anong nangyari?  Please sabihin mo samin. Hindi namin alam kung anong gagawin namin ngayon." Sabi ni Belle habang hinahaplos pa rin niya ang likod ko.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko din kasi alam ang sasabihin ko. Hinayaan lang niya akong umiyak ng umiyak. Wala akong sinabi ni isa. Wala talaga.

Hindi ko alam kong paano ako nakarating sa boarding house.  Wala ako sa sarili buong magdamag kaya di ko alam kung paano o kung sino ang kasama ko. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakaranas ng ganitong pakiramdam. Yun bang blanko talaga lahat sa isipan mo. Yung nangyari kay tatay kasi ay may choice ako. Pwede ako mamasukan kahit saan at ito nga ang lumuwas ng Manila. Pero sa narinig ko kanina para akong naglakad sa putol na daan at bangin ang kakahantungan.

Nagising ako dahil may nagbubulungan at nagtatalo.  Malamang si Top at si Joyce to.

"Tangina!  Bakit di mo sinabi sa amin!" Gigil na sabi ni Joyce sa nobyo niya.

"Beb,  akala ko naman kasi alam na niya. Beb please wala akong kinalaman dito. Wag mo akong sigawan. Akala ko talaga alam na ni Mai to kaya nanahimik lang din ako pero tumawag si Chard sakin kanina sabi niya alam na daw ni Mai kaya sobrang nag-aalala yung tao."

"Alam ko?  Ang alin?" Sambat ko sa kanila. Bumangon ako at tinignan silang dalawa. "Na may anak siya? Ano?  May dagdag pa ba?  May asawa siya?  Kabit ako?!" Dagdag ko.

"Mai..."

"Top,  bakit di ko alam to? Bakit sa ibang tao ko pa maririnig?" Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko. Kusa silang pumapatak.  "Ano pa ba ang dapat kong malaman? Please sabihan niyo na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Gulong gulo na ako." Kako.

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now