48 • Mrs.

1.9K 216 13
                                        

Naging awkward na tuloy pagkatapos nung short introduction ko sa sarili. Bakit ko ba kasi naisip na magpa kilala na Mrs. Faulkerson. Nakakahiya! Uuugh.

The meeting went smoothly. May mga activities na inannounce ng homeroom teacher nila. Gaya nung Family days. Days kasi, pang field trip type kasi yung gagawin ng mga bata kasama ang mga magulang at 3 days na activity yon. May mga school programs din. Like, nutrition month celebration, buwan ng wika, grandparents day at iba pang mga aktibitis na gagawin sa school year nato. Ganito pala pag may anak ano? Kailangan talaga tutukan lalo na ang edukasyon.

Nasa gilid ko lang si Chard at naka kandong si Athens sa kanya.

"Everyone, andito na naman tayo sa sponsor a foundation program. A program that was introduced to us by our president, Mr. Faulkerson. Sa ikalawang taon natin may napili na po tayong isang foundation. Mga taong may karamdaman sa kidney at dina dialysis ang tutulungan natin. Wala na din silang mga kamag anak na kumukupkop sa kanila kaya dito sila pinatuloy." May mga pictures na nagflash sa LED Screen.

Para namang may kung anong kirot sa puso ko. Naalala ko kasi si tatay at isa din siya sa mga nakaka benepisyo sa mga ganitong opportunidad. Thanks to Chard. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko habang nakatingin pa din sa screen.

"Hey? Okay ka lang?" Hinagod ni Chard ang balikat ko.

"Tita?" Nakita ko ang pag alala sa mukha ni Athens.

"Okay lang ako. Naalala ko lang si tatay." Kako sabay punas sa mga luha ko at nginiti.an silang dalawa.

Hinigpitan ni Chard ang paghawak niya sa balikat ko gamit ang isa niyang kamay habang si Athens naman ay hinawakan ang isang kamay ko. Buti nalang may mga tao pang nagmamahal at tumutulong sa amin ni tatay na kagaya ni Chard... mukhang nadagdagan din ngayon. Tinignan ko si Athens.

Natapos din ang meeting pero di pa umaalis ang lahat. May free snacks kasi. Ang sosyal talaga ng paaralang to.

"Mr. Faulkerson, it's good to see you again." Bati nang mga magulang sa kanya. Ang karamihan pa nito ay mga babae. Seryoso? Mabenta din pala tong kagwapohan ng boyprend ko sa mga may asawa na? Hahahaha

"Tita? Gusto niyo po ng spaghetti?" Tanong ng isang bata habang inabot ang isang styrofoam na may lamang spaghetti.

"Thank you dear." Kinuha ko ito mula sa kanya.

"Masarap po yan. Luto yan ng mommy ko po. Siya kasi nag bring ng snacks natin." Anito.

"Wow, grabi ha! Pati ba naman snacks sponsor- sponsor din dito?"

"Yes po." Pangiting sabi nito.

"Hi po. Sorry medyo madaldal po talaga tong anak ko. Sorry po." Bati ng ina sakin.

"Okay lang po. Mabait na bata tong anak mo."

"Si Athens din po. Mabait na bata."

Namula naman ako sa sinabi niya. Para naman akong ina na pinagsabihan ng magulang na mabait ang anak ko.

"Ngayon ka lang po namin nakita dito... last year, wala din po kasi kayo." Sabi naman ng isang ina na kakalapit lang.

Patay na ang bungol. Yan kasi, mag sinungaling kapa. Yan napapala mo.

"Excuse me ladies, pwede ko munang makausap si Maine?" Haaay Salamat. Buti nalang at dumating si Chard.

Tumango naman sila at nagpaalam sa amin.

"Uwi na tayo..." ngumiti siya. "Mrs. Faulkerson." Mas lumapad pa ang ngiti niya.

Hinampas ko naman siya sa braso. "Chard naman, e. Wag mo nga akong tuksohin! Alam mo naman na nahihiya na ako sa pinag gagagawa ko, e."

Tumawa naman siya ng malakas. Napatingin tuloy sa amin yung ibang magulang. "Cute mo." Pinisil niya ang pisngi ko. "Tara na nga, magpaalam na tayo. Let's eat outside na din." Pahayag niya sa akin at iginiya niya ako papunta sa iba pang mga magulang.

"Everyone, we'll go ahead na ha? See you nalang sa family field trip days natin." Pahayag ni Chard sa lahat.

"Agad agad sir? Di po ba pwedeng mamaya na muna kayo uuwi? Ngayon lang tayo nag titipon tipon ulit, e."

"Nako, pasensya po. May pupuntahan pa po kami. Sa susunod nalang. Malapit na din naman yung field trip... magkikita kita ulit tayo." Pangiti ngiting sabi ni Chard.

"Uh, Mr. Faulkerson, kailan po tayo pwede mag meeting kasama ng mga officers para sa upcoming events po ng mga bata at para sa sponsorship ng foundation?" Sambat ng homeroom teacher nila. Nakakatuwa naman, kalalaki niyang tao tapos active pala siya sa mga activities ng anak niya sa school. President pa talaga. Grabi ha? Araw araw habang kasama ko siya mas marami akong natutuklasan tungkol sa kanya. Napangiti ako ng palihim.

"Sige, I'll set the date. Ipapa sabi ko nalang sa lahat ng officers kung kailan at saan. Ako na bahala."

"Nako sir! I'm sure di kana mahihirapan dahil may katuwang kana po palagi. Andito na si Mrs." okay, AWKWARD. Nakatingin talaga silang lahat sa akin ano?

"Ay, oo. Sobrang swerte ko nga na kasama ko na siya ngayon. Na lelessen yung mga manibigat kong gawain. Tinutulungan niya kasi ako." Hmmm, ito naman siya, bolero. Tong mga magulang naman dito sa loob mga uto uto. Paniwalang paniwala sa kalokohan nito.

Matapos naming magpaalam sa kanila ay agad na kaming nagtungo sa parking lot.

"Mrs. Faulkerson dito kana din sa harap."

"Chard ha! Last mo na yan. Kanina ka pa."

Narinig ko namang naghigikhikan silang dalawa ni Athens.

"Dad, tita Maine told the guard earlier na mommy ko siya. Ayaw mag believe ng guard kasi maliit daw siya to be my mom." At humagikhik siya ng tawa.

"Really? cute naman talaga kasi si tita Maine mo anak."

"True pero super galing niya talaga mag act na siya yung mommy ko kanina. Nag believe ang mga people inside the room."

"Hmmm? Gusto mo ba di na mag act si tita Maine na mommy mo?"

Natahimik ako sa sinabi niya. Ayaw ba niya yung ginawa ko kanina? Babawiin ko nalang. Baka napahiya siya kaya natanong niya to kay Athens.

"Bakit dad?" Tanong ni Athens sa kanya.

"Gusto mo i.real mommy mo na siya?"

Ngumiti naman ng malapad si Athens sabay tango. Samantalang ako halos di na ako makagalaw sa kilig dahil parang in any moment maiihi na ako dito sa kinauupo.an ko. Dios ko! Di ako na orient.

•••
Happy 106th Weeksary meeeh loves! ❤️

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now