69 • Confrontation

1.8K 168 24
                                        

Napabuga ako ng malalim na hininga nang makapasok na ako sa loob ng silid kung saan ako natutulog. Ano na? Kinilig naman ang tumbong mo sa payakap ni mayor? Aaaah! Dios ko naman kasi. Hindi ko naman talaga kinaya!

Medyo hinayaan ko lang kasi na magtagal ang pagkayap niya sakin kanina bago ako kumawala. Matapos kong hinayaang tumulo ang iilang mga luha ko... kailangan ko na itong pigilan. Nakakahiya.

Agad akong umakyat sa silid na tinutuluyan ko pagkatapos nun. Hinayaan niya lang din ako at hindi na din siya nagsalita pa ulit.

Hanggang sa nakatulugan ko nalang ang lahat.

Lumipas ang ilang araw at panay ang pag-iwas ko sa kanya kahit alam kung tina-try niya na makipag-usap sa akin dahil hindi ko talaga alam kung ano ang i-aasta ko pagkaharap ko siya.

Hanggang sa isang umaga. Nagmadali akong gumising para mag handa ng agahan. Nakakahiya naman kasi... nakikitira na nga wala pang ginagawa pero laking gulat ko nang mas nauna pa siyang nagising sa akin at nasa kusina na siya nagluluto.

Napa atras tuloy ako lalo na nung napagtanto kong naka boxer shorts lang siya kahit naka T-shirt. Goodness, first time ko pa siyang nakitang ganito pero... ugh! Basta.

"Good morning."

Napasinghap tuloy ako. Matagal ba akong nakatitig sa mga ibabang parte ng katawan niya? Dios ko, nakakahiya.

"G-good morning, ang aga m-mo naman ata. Nag pahinga ka muna sana. Ako na diyan." Utal ko na halos di makatingin sa kanya.

"No, its okay. Malapit ko na ding matapos to. Umupo kana diyan at kakain na tayo."

Wala na akong magawa, baka ma offend siya pag bumalik ako sa silid kaya umupo nalang ako sa hapag ng tahimik hanggang isa-isa niyang inilapag ang mga pagkaing niluto niya. Hotdog, omelette at pandesal with kape.

"Kain na tayo." Aniya sabay upo.

Natulala ako? First time ko kasi siyang nakitang nagluto. Noon kasi madalas sa labas kumakain tapos dito kung dito naman sa bahay... may maid sila na nagluluto, noon.

"Maine? Let's eat?"

"Ay, oo. Sorry medyo may mga iniisip lang talaga ako lately eh kaya wala ako sa isip ko."

"Uhm, work ba?"

"H-ha? Medyo." Sinungaling!

Tumango lang siya at nagsimula na siyang kumain ng tahimik. Kumain nalang din ako.

Sobrang tahimik ng paligid... na halos ang naririnig nalang namin ay ang pagkilos ng kamay ng orasan. Magsalita ka Mai. Gosh!

"Uh, ang sarap naman nitong hotdog." Ay talaga ba? Ang hotdog talaga? Kaloka.

"Gusto mo? Pwede tayong mag grocery ng marami mamaya. Mahilig ka pala sa hotdog." Nakita kong bahagya siyang ngumiti.

"H-ha? T-talaga? Sige." Utal ko namang sagot. Dios ko, sa lahat ba namang pwedeng itanong ang hotdog pa talaga? "Ang laki kasi... juicy." What the! Dinagdagan mo pa talaga ano?

Nag-angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata namin. Hanggang sa narinig mo ang mahinang pagtawa niya.

"Ano ba! Why are you laughing?"

"Ha? Wala lang."

"May nakakatawa ba sa mukha ko?" Naghilamos ako bago lumabas ng kwerto ha! Wag siyang ano.

"Wala nga lang kasi..."

"Kainis to. Nakaka conscious na tuloy."

"Hindi, don't be. Hehehe may napagtanto lang ako."

"Ano yun?" Ano ang napagtanto niyao? Woah! Baka iniisip niya na bastos ako ha... nako, nako, nako talaga!

"Na, Hindi kapa din pala nagbabago pagnahihiya."

Napatigil ako sa pagnguya. Ano raw?

"H-ha?"

"Eh kasi natataranta ka pa din eh. Ganon ka noon kung nahihiya ka sakin. Hindi mo alam kung ano ang dapat at uunahin mong gawin." Ngumiti siya.

At talagang pinapaalala niya talaga ano? Kaloka! Kitang halos malusaw na pati mga buto ko sa ka-awkwardan dito tapos gaganyan, ganyan ba siya? Ugh.

Hindi ako masyadong ngumiti. Hindi ko kasi alam kung paano talaga umasta sa harap niya eh. Nag halo ang kaba, hiya at awkward na nararamdaman ko. Ghaaad!

Una akong natapos kaya niligpit ko na ang pinggan ko. Narinig ko naman ang pagbaba ng kubyertos niya sa pinggan pero binalewala ko lang yun hanggang sa narinig ko ang malamig niyang boses.

"Why are you like this?" Ha? Anong ibig niyang sabihin.

Napalingon ako sa kanya.

"I am trying to be civil here with you pero bakit ang lamig ng pakikitungo mo sa akin?" Ano raw? Kumunot ang noo ko. Bakit biglang nag-iba ang templa ng pagmumukha niya.

"Char...—"

"Alam mo? this is all bullshit! Sana hindi ka nalang ulit nagpakita pa! Sana hindi ka nalang sana bumalik kung ganito mo lang pala ako tatratohin?!" Napasinghap ako dahil sa galit niyang tono sa pananalita. "Ang sabi mo bumalik ka para tulungan ako? Ha! Talaga ba? Pero bakit parang mas ginugulo mo ang nararamdaman ko ngayon dahil sa inaasal mo sakin? Kaharap nga kita, kausap kita pero bakit parang ang layo-layo mo pa rin sa akin?"

Napa-awhang lang ang bibig mo. Hindi naman kasi ganon diba? Hindi ko lang talaga alam kung ano ang dapat kung i-aasal pagkasam...—

"Kung bumalik ka dahil kinakain ka ng konsensya mo at hindi pagmamahal ang dahilan... please just leave me."

Tinataboy niya ako?

"Chard...—"

"Maine, okay na eh. Nawala na sana ang lahat ng pangamba ko at nabigyan na sana ako ng panibagong pag-asa nung bumalik ka... pero... pero... sa pakikitungo mo sakin... dahan-dahang naglaho ang lahat."

"M-mali yang iniisi...—"

"Mali?! Talaga? Eh ano? Kung mali ang iniisip ko... ano ang tama?!! Tell me! Hindi yung nagkanda ugaga ako sa kakaisip kung paano ka kakausapin tapos wala palang kwenta dahil iwas ka naman ng iwas sa akin."

Nanlamig ako sa kinatatayu-an ko. Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ako makapagsalita... hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Tinakpan niya ang mata niya gamit ang kanyang braso at tumingala siya. Halatang pinipigilan niya ang sarili niya na hindi lumuha.

"Just leave." Malamig niyang sabi sakin. Napasinghap ako.

"Chard, wag naman ganito."

"Leave. Ayaw mo non? Ako na mismo ang nagpapaalis sayo at hindi kana kusang tatakas-takas pa pag dating ng araw na kailangan mo ng umalis dahil tapos na ang utang na loob mo sa akin?"

Naramdaman ko na ang mainit na likido mula sa aking mga mata. Pumikit ako at huminga ng malalim. Parang pinipiga ang puso ko dahil sa pagtataboy niya sakin.

"Awa nalang ang nararamdaman mo sa akin diba? Kaya wag nalang. Just leave."

"Chard, hindi sa ganu....—"

"Leave me NOW!" Sigaw niya sa akin.

"Ano ba! Sige, gusto mong marinig yan mula sa akin?! Ha?! Oo! Na konsensya ako! Naaawa ako sayo kaya ako bumalik!! Pero hindi lang yun! Bumalik ako di lang dahil sa konsensya at naaawa ako... dahil MAHAL KITA! MAHAL PA RIN KITA!" Hindi ko na din mapigilan ang sarili ko na mapasigaw. "Ganito ang pakikitungo ko ngayon sayo dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kung ikilos pagkaharap at pagkausap kita... dahil bawat bigkas mo lang sa pangalan ko mas lalo akong nahuhulog sayo!" Lumunok ako. "Now, if you will ask me to leave... sorry ka nalang dahil hindi ako aalis dito! Lulusutan natin ang lahat ng to ng magkasama! Tapos!"

Iniwan ko siya sa kusina na tulala. Mukhang mas lalong wala na akong mukhang ihaharap sa kanya.

•••
Hello! San nagustuhan niyo to. Salamat.

Happy New Year to all! 😊

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now