27 • Explain

1.9K 221 21
                                        

Galit siya. OMG.  GALIT TALAGA SIYA. Hindi na siya nagrereply sa mga messages ko. Tinatanong ko siya kung nasan siya pero di pa din siya nag rereply. Paano ba to? Di pa naman ako mahilig manuyo. Tae naman,  e. Bakit ba naman kasi sa lahat ng panahon na pwede niya akong makita yun pa yung nakapagsinungaling ako sa kanya. Ugh!  Kung alam ko lang na ganito mangyayari sana di nalang ako pumayag na makipag kita kay Leo. E,  ikaw kasi Maitot,  e. Ang tanga tanga mo. Nakakainis.

Tinitigan ko uli ang telepono ko. Wala talaga,  e. Tawagan ko kaya no? Haaay. Nakakainis naman, e.  Bakit ko naman siya tatawagan? Siya yung nagalit bigla di man lang inalam kung bakit ganun nangyari..  Ugh!  Bahala siya. Pero kasi  nga nag sinungaling nga ako kaya siya nagalit kaya may kasalanan din ako. Uuuurrgh!  Basta,  ewan.  Bahala na.  Ba't ba nagtatalo ang isip ko sa mga bagay bagay na yan?  Itutulog ko nalang muna to.

Maaga akong pumasok baka maabutan ko na siya sa office. Doon ko na lang siya kakausapin at ahay,  okay fine.  Susuyuin. Ugh!

Sa likuran ako ng building dumaan para mapadaan din ako sa parking area. Check ko lang kung nakarating na siya. Nakakaloka na ha!  Para na akong timang nito. Uugh!  Ganito ba talaga mag mahal? Grabi ha!

"Mai? Uy,  napaaga ka ata?" Si kuya guard na kalbo talaga.

"Ahehehe,  oo kuya,  e. Feel ko lang po mapaaga nababagot ako sa bahay,  e."

"Naks!  Ayiee. Ganyan talaga pag in love ginaganahan kang pumasok sa trabaho lalo na't katrabaho mo lang ang inspirasyon mo." Si kuya guard ang daming alam. Sapakin kaya kita kuya no?

"Ngeeeks. Grabi ka naman kuya." Alam mo kuya sarap sabihin sayo nakakakalbo yang pagiging chismoso. Ahay.

"Ey,  maang maangan pa kayo!  O,  siya pasok kana. Di nagdala ng sasakyan si sir Junior kung yan ang idini-tour mo. Nag Cab siya kanina papunta dito at nasa office na siya ngayon."

Okay,  di ko nalang paparinggan si kuya sa pagiging chismoso niya,  nakakatulong din naman siya kahit kunti. "Ikaw talaga kuya mapagbiro ka. Hahahaha di ko naman po tinatanong. Hehehe pasok napo ako ha? Dami pang gawain sa loob,  e." Gaya ng panunuyo. Ganun.

"Uh, Mai..."

"Po?"

"Gusto ko lang sabihin na... uhmmm. #TeamMaiChard ako." Sabay approve sign. Ano raw?  May sayad ba yun sa utak? Hatiran kita ng pagkain maya kuya ha?  Baka nalipasan ka lang ng gutom. Nginiti.an ko lang siya at pumasok na sa loob.

Payuko yuko akong pumasok sa loob. Mamaya ko na siguro siya kakausapin pag ready na yung buong kaluluwa ko. Tinubu.an ako bigla ng hiya at takot, e.

Dumaan ako sa harap ng office niya pero natigil ako nang bumukas ang pinto.

Oh my God! Lord naman, e. Bakit lahat ng plano ko ngayon taliwas sa plano mo?! Di pa ako ready'ng harapin siya.

"Cha-S-Sir..."

"Oh?  Why so early today?" Casual na sagot  niya.

"K-kasi po uhm..." May mga taong nakatingin samin. "Marami pa po kasing gagawin. Tutulungan ko lang po sil... -Japs!  Si J-Japoy po. Tama!  Tutulungan ko po siya. Diba Japoy?" Pasensya talaga Japs,  dumaan ka kasi kaya hinila na kita.  Ikaw lang ang nag iisang pag-asa ko ngayon.

"Abay ewan ko sayo. Di kaya ako humingi ng tulong mo. Okay ka lang? Ay!  Good afternoon Boss.  Sige po mauna na ako." At dagli siyang umalis.

"Ahay,  at di kapa nakuntento?  Maghapon ka talagang nagsinungaling ano? I.orient mo ako kung extended to hanggang bukas ha para di naman ako magmukhang tanga." Pilosopo niyang sabi.

"Chard, hindi naman kasi ganun, e."

"So ano? Bakit?  Ano pa ang ii. Explain mo doon? E, kitang kita ko naman ang nangyari. I saw you two together. Now I know kong saan lang talaga ako para say...- Hey! What are you doing?" Hinila ko siya papasok sa loob ng opisina niya. Wala na akong paki.alam kong may makakita man sa aming dalawa.

"Alam mo yang bunganga mo daig pa yung inang manok kung makaputak. Ang daldal mo. Okay, sige aaminin ko na. Maaga akong pumasok para makausap ka. Ang hirap kasi sayo kung ano yung nakikita mo yun yung pinaniniwalaan mo. Oo,  alam ko may kasalanan ako. Nagsinungaling ako but hear me out first." Kailangan ko ng manlakas para makausap siya. Nakakainis na ha!

"Ano pa ang ii.explain mo nga?  Eh,  nakita ko na lahat kanina. Sabagay ano ba naman kasi ang laban ko sa dalawang taon diba? Malamang mas lamang siya sakin." At nag self-pity na ang gago.

"So ganun ganun lang?  Give up kana agad kasi nakita mo kaming magkasama kanina?  Okay,  ikaw bahala. Wala ka pa lang isang salita,  e. Saan na yung sinasabi mong 'Gagawin ko ang lahat!  Mapasakin ka lang Maine.' Seees,  okay fine. Di na ako mag i.explain sayo. Mag SO-SORRY lang ako dahil nagsinungaling ako sayo. Yun lang man yung pagkakasala ko sayo diba? Hindi yung pagpili kong kausapin si Leo dahil pinapatigil ko na siyang manligaw dahil Mahalnakita..." Gaga!  Sinabi mo na.

Napa nganga siya sa sinabi ko. "A-ano?"

"Wala!  Wala na diba?  Give up kana diba?  Okay. Thanks. Bye." Inirapan ko siya at dagling lumabas sa silid. Gosh!  Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ang tanga tanga ko. Sobrang tanga ko. Baka isipin niyang sinabi ko lang yun para di na siya magalit sa akin. Pero Shocks!  Ang daldal mo kasi Maitot. Di mo napigilan yang bibig mo.

"Huy!"

"Uy! My God!  Nakakagulat ka naman Japoy ano ba!"

"Sorry,  anong nangyari sayo?  Bakit para kang nakakita ng multo?  Tsaka anong ginawa mo doon sa loob? Kita namin yun ha? Ikaw ang humila sa kanya. Alam mo bang parang timang si Belle at Camille?  Kararating lang nilang dalawa, e. Tapos yun ang nadatnan nila."

"Goodness Japs!  Paki buhusan mo naman ako ng malamig na tubig, o"

Napatawa siya. "Alam mo ang weird mo ngayon. Nag dudrugs ka ba?"

"Alam mo? Di ka nakakatulong, e. Diyan ka na nga." Inirapan ko siya at iniwan sa kinatatayu.an niya.

Hindi ako mapakali buong gabi. Gosh!  Sana di siya lalabas,  sana-sana forever na siya diyan sa loob ng office niya. H-hindi ko talaga alam kong paano siya haharapin.

Pagkatapos ng trabaho namin...  Dagli akong nag linis. Kailangan kong madaliin ito para makauwi na agad ako. Dali dali Maitot!

Habang nagpupunas ako ng mesa may biglang humila sa basahan. "Ano ba Cam... -Chard?"

"Akin na to,  tulungan na kita para mabilis."

Alam ko na maraming nakatingin samin ngayon pero wala na akong pakwe! Ang masungit, supladong nakaka bwesit pero mahal na mahal kong lalaki... Nagpupunas ng mesa!! at mukhang humupa na ang galit niya.  Hmmmm. Nako naman! 

Nakatulala lang ako habang nakatitig sa kanya na nagpupunas ng mesa. Goodness! Kailan ba naging maganda sa paningin ang pagpupunas ng mesa? Langya!

"Wag kang titig ng titig diyan. Di nakakatulong yan sa ngayon. Mamaya na yan, unlimited tingin ka sakin." Kapal naman nito. Pero ha? Sinabi mo yan ha! Aasahan ko yan. Magpapakasawa talaga ako.

"Oo nga sabi..." What the hell!  Nasabi ko ba yun nang malakas? OMG.

•••
Start of something new naba?  Wooah!  Hahaha

Back to 1k+  words na ako. Medyo busy na sa internship,  e. Salamat po sa patuloy na pagbasa. Godbless us always.

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now