2 • Hello Manila

3K 182 12
                                        


Kakababa ko lang sa barko at andito ako ngayon malapit  sa may mga paninda ng mga pasalubong. Medyo kumakalam na din ang sikmura ko dahil sa gutom. Mag aalas otso na rin ng gabi at hinihintay ko pa ang pinsan ko na susundo sa akin dito.

Medyo matagal tagal na din kaming hindi nagkikita nitong pinsan ko. Halos mag tatatlong taon na din. Hindi na din kasi siya umuuwi sa probinsya eh. Mas mabuti daw kasi na ipapadala nalang niya ang pamasahe niya at meron naman daw'ng video call kaya parang kasama na din namin siya araw araw nung nasa probinsya pa ako. Pero ngayon, dalawa na kaming malayo sa kanila at dalawa na din kaming nasa harap ng phone screen pag nagkataon.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Grabi, kahit ganito na ang oras ang dami pa ding tao lalo na mga bata  na pagala gala dito. Hindi pa ba sila hinahanap ng mga magulang nila? Sa ganitog oras kasi doon sa probinsya namin halos aso na lang ang mga pagala gala sa daan.  Maagang natutulog ang lahat dahil maaga din sila sa bukirin kinabukasan para mag saka ulit.

"Mairinggits?!" Isang pamilyar na boses akong narinig mula sa kanang bahagi kong saan ako naka tayo. Paglingon ko, hindi ako nagkakamali. Si Joyce na nga to. Mula sa makinis na kutis, singkit na mga mata at hindi gaanong katangkaran. . . Di talaga pinagkakaila to! Siya na nga.

"Insan!" Sigaw ko sa kanya nang papalapit na siya sa akin. Nagkayakapan naman kami ng mahigpit ng nagkalapit na kami.

"Mai! Ang tagal na nating di nagkita ah." Gigil niyang sabi habang magkaakap pa din kami.

"Oo nga Joyceeli.it! Puro video call lang tayo nag uusap." Pangiti ngiti kong sabi sa kanya.

"Grabi ka sakin. . . Oo na! Maliit  na. . . Pero maganda naman." Aniya nang kumiwalas siya mula sa aming magkakaakap.

"Naman! Magaganda kaya talaga tong lahi natin. Hahaha iilan nalang tayo kaya kailangan nating pangalagaan." Pabiro kong sabi sa kanya. Ganito talaga kami ka close. Lumaki talaga kasi kaming magkasama dahil magkalapit bahay lang naman kami doon sa probinsya.

Nang grumaduate kami sa highschool, hindi na siya nag aral ng college. Agad na siyang nakipagsapalaran dito sa Manila kaya nga mag hahalos tatlong taon na talaga kaming di nagkikita.

Nasa isang fastfood kami ngayon. McDonalds yung nakapaskil sa labas. Sa wakas! Sa dalawamput isa kong pagkabuhay dito sa mundo  nakakakain na ako ng advertisement sa tv. Hanggang paglalaway lang kasi ako noon. Nakakatawa lang, ibang iba pala talaga sa tv kesa sa personal. Secret kong bakit iba. Hahahaha

Nag uusap lang kami tungkol kay tatay at kila nanang habang kumakain kami. Hanggang napadpad kami sa magiging trabaho ko na ikinagulat ko ng husto.

"So couz. . ." Yun kasi ang gusto niyang tawagan namin. Dapat daw kasi mag level-up na kami. Nasa ibang lugar na eh, yung 'gaw' ay para sa probinsya lang daw yun. Hmm, wala naman sigurong masama kung babaguhin diba? Cute din naman pakinggan. "Kailan training ko sa trabaho?" Tanong ko sa kanya.

Nag iba ang kanyang ekspresyon. Kung kanina malungkot siya ng kwenento ko sa kanya ang kalusugan ni tatay. . . Mas malungkot na may halong kaba siya ngayon.

"Mai. . . May aaminin ako sayo. Wag na wag mong sabihin to ha? Lalo na sa pamilya natin."sabi niya sa akin. Kitang kita ko at ramdam ko talaga na parang hindi maganda itong sasabihin niya.

"S-sige ano yun?" Sagot ko naman sa kanya. Nagsimula na din akong natakot at kinabahan.

"Basta mag promise ka muna na wala kang pagsasabihan nito. . ." Tugon niya sakin.

Ano ba kasi talaga tong sasabihin niya? Kinakabahan na din ako. Jusko naman. Tungkol saan ba to? Baka may asawa na siya o di kaya buntis siya. Nah! Patay talaga tong batang to.

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now