45 • Glad

1.8K 202 15
                                        

"I don't want you to talk with your mommyla again, Athens Dei. Do you understand me?" Striktong sabi ni Chard sa kanya.

Kumakain kami ngayon sa hapag ng agahan nang binalaan niya ang bata.

"But why dad?"

"Do you understand me?!" Ulit niya.

Wala namang nagawa si Athens kundi ang yumuko. "Okay dad, sorry." At bigla niya akong pinasadahan ng masamang tingin.

"And don't rolled eyes in front of your food and to your tita Maine. Saan mo ba natutunan yan ha?! Dudukotin ko yang mga mata mo."

Hinawakan ko naman ang braso ni Chard. Ang aga aga pa kasi tapos nag aalburuto na siya. Sinabihan ko naman siya kagabi na wag na lang muna niyang kausapin si Athens pero alam niyo naman kung gaano katigas ang bungo ng isang to.

Narinig ko na ring humihikbi si Athens. Malamang natakot to sa ama niya.

"Chard, wag dito." Pabulong na sabi ko sa kanya. "Sabi ko naman sayo na di mo muna dapat ngayon sabihin yun sa kanya."

"Bakit ko pa ipagpaliban? E, pwede naman ngayon. Kailangan na niyang masabihan bago pa lumala tong pagka brainwash sa kanya ng lolang hilaw niya." Agad namang sabi ni Chard.

"I'm full dad." Sambat naman ni Athens sabay baba ng kutsara at tinidor niya.

"Anong full? Hindi mo pa nga yan naubos ang pagkain mo tapos full na? No. Bumalik ka sa upo.an mo at ubusin mo yan. Wag na wag mo akong talikuran Athens ha! Sumusobra ka n..-"

"Chard please..."

"Wag mo nga akong pagbawalan!" Pati na din ako nadamay. Okay, tatahimik na po.

Bumalik naman si Athens sa mesa at itinuloy ang pag kain niya.

"May tatawagan lang ako saglit. I'll be back. Athens ha? Don't move hanggang di mo pa nauubos yang pagkain mo. Wag mo akong subukan." Malambing at mapagmahal si Chard kay Athens sa pagkakaalam ko pero pag nagagalit siya dito... iba din. Di niya binabata si Athens pag pinapagalitan. Parang ka edad lang niya ito pag pinagsasalitaan.

Napansin kong mabilis niya itong sinusubo at di niya nginunguwa ng husto ang pagkain. Nagmamadali siya para di na niya maabutan ang daddy niya dito.

"Thens, eat slowly. Mabibilaukan ka niyan."

Hindi niya ako pinansin. Ano ba talaga gagawin ko sa batang to? Haaaay. I handed her a glass of water. "Tubig, o."

Tinignan niya lang ako at balik siya sa pagsubo ng pagkain. Hindi kami nagkibu.an hanggang dumating na si Chard.

"I'll be leaving na. Maine, may aasikasuhin lang akong importante sa bar ha? Just stay here nalang muna. Fresh pa yung nangyari at mukhang nagpunta nga doon ang mga pinsan ni Leo kagabi para hanapin ka. Ayaw ko namang mapano ka ulit kaya dito ka muna." Ibinaling naman niya ang pansin sa batang namumula mula na dahil sa dami ng nginunguya niya. "And to you too young lass, I'm sorry dahil napagalitan kita kanina. You know I love you, right?" Kinarga niya ito at hinalikan sa magkabilang pisngi. "Be good in your studies, okay?"

"Dad, how about yung General PTA meeting ko po? Later na yun dad."

"Ay, oo nga pala..."

"Can I take mommyla with m...-?"

"Yaya Yuna will be with you. Don't call your mommyla or else magagalit si dad sayo. Akala ko ba tumango kana kanina nung sinabi kong di kana makikipagkita sa mamala mo?"

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now