58 • On My Own

1.5K 158 25
                                        

Apat na tawon. Apat na tawon ang lumipas mula nung iniwan ko ang dalawang naging importanteng tao sa buhay ko. Kamusta na kaya sila ngayon? Si Athens, nasa grade 4 na siya panigurado. Si Chard kaya? Kamusta na din kaya siya?

Wala na akong nabalitaan sa kanila mula nung umalis ako. Hindi ko na din nakakausap sina madam. Ang huling tawag niya sa akin ay pinaalala  niya ulit ako sa kasundu-an namin na hindi ako magpapakita sa mag-ama.

Tinupad ko naman yun... hanggang ngayon.

Dalawang taon na din ang lumipas mula nung iniwan na ako ng tuluyan ni Tatay. Kung noon ay hindi ko kaya na mawala siya sa akin... kinalaunan bukas loob ko na lang yun tinaggap iyon dahil kawawa na din naman siya. He suffered too much at kahit ikaw na hindi niya ka ano-ano mas gugustuhin mo nalang siyang mamahinga kesa mas maghirap pa siya sa kanyang karamdaman.

Nung nawala si Tatay... dito na ako nanirahan sa Cagayan de Oro. Binenta namin ang munting lote namin sa bukid para makasimula kami dito sa syudad. Syempre hindi ako nag iisa. Kasama ko ang butihin kong pinsan na si Joyce.
Hindi na din kasi siya bumalik pa sa Manila mula nung pag-uwi namin. Sa halip ay tinulungan nalang niya ako sa pag aalalaga at paghahanap buhay dito. Nag break na din kasi sila ni Top ilang linggo bago nung tinawagan ko siya na uuwi kami kaya wala na raw siyang dapat balikan pa doon.

"Hi couz, maayong buntag."

"Good morning!"

"Ano na? Ready kana ba today?" Tanong ni Joyce sa akin.

"Naman! Hehehe" nginiti-an ko siya.

Mula nung nawala si tatay... inaliw ko ang sarili ko sa pag-aaral. Hindi man apat na taon ang nakuha ko ay ayos lang... ginamit ko ang diskarte sa buhay para magamit ko ang inaral ko.

Event Organizing... yun ang pinagkakaabalahan namin ni Joyce ngayon. In one year, nakapagpatayo na kami ng sarili naming office at dahil din sa tulong ng mga naging kaibigan namin dito.

"Itong 18th Debut ni Miss Janica Navarro, ayos nato diba?" Chineck ni Joyce ang mga lists na dapat naming asikasuhin sa araw nato.

"Oo, yung request nila na imported na mga flowers okay na din." Sagot ko naman.

Everything is smoothly sailing in our business. Marami ang nag rerecommend sa amin kaya halos araw-araw din kaming busy. May mga naging kasama din kami dito sa office na tumutulong sa amin kaya di kami gaanong stress.

"How about this wedding pre-nup ng BosLeng? Mukhang nahirapan sila sa location diba?"

"Oo eh, pero may nakita naman na daw sila. Malapit din sa dagat. Maganda ang location, I goggled it already. Cliff siya na may lighthouse." Sagot ko naman.

Ganito kami araw-araw. Nag aayos at nag fa.finalize ng mga events ng mga costumers namin.

"Uh, nga pala Maine, birthday ni Art sa makalawa. Ininvite niya tayo. Ano? Free kaba?"

"Nako couz, pass muna ako. May aayusin ako sa araw na yan eh."

"Pass na naman? Mag enjoy ka kaya minsan ano? Di lng puro trabaho ka lang ng trabaho. I'm sure maraming pogibels doon." Dagdag ni Joyce sabay hagikhik.

"Haaay nako, tigil tigilan mo nga ako Joyce. Wala akong panahon sa ganyan sa ngayon."

"Haaay, lumalabas na naman yang pagka 'manang' mo. Sige na nga! Basta ako, pupunta ako doon. I'm sure masaya doon." Pang-iinggit niya sa akin pero sorry nalang dahil hindi talaga ako naiinggit. Hindi naman talaga kasi ako sanay sa mga ganyan kaya di talaga ako nanghihinayang.

"Maraming pagkai...—Hello, Welcome to Project Bella!" Napatingin tuloy ako sa tumunog na pagbukas ng pinto.

Isang magandang babae ang pumasok sa loob. Halatang galante ito sa postura pa lang at pangiti ngiting papalapit sa amin. "Hello, good morning."

"Anong atin, madam?" Galak na tanong ni Joyce.

"Uhm, I would like to ask kung nag o-organize din ba kayo ng engagement party?"

"Opo naman! Lahat ng serbisyo ay kaya naming i.organize."

"Talaga? Kahit Funeral service?" Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa. Nang hindi kami sumagot ay binawi niya ulit ang sinabi niya. "Joke lang, hahaha uhm. Sorry, may St. Peter pala tayo para diyan." Tanong niya, sagot niya.

"We can organize the chapel or the place ma'am. We can do the decorations and any minor help din pero sa program po... I guess may funeral home services naman tayo na maaasahan para diyan." Sagot ko na malumanay.

"Sabagay." Hagikhik niya. "Pero di yan ang pakay ko."

"Eh ano po yun madam?" Bwelo ni Joyce kaya siniko ko siya.

"Uhm, yun na nga. Sa engagement ng pinsan ko. Hindi kasi siya taga rito. Taga Manila siya pero dito nila gusto iheld ang engagement party nila since the other-half is taga dito."

"Aah, ganun ba? Well you are in a right place po. We can cater anything you want." Sabi ko naman.
"So pwede po ba namin malaman ang pangalan mo?" Dagdag ko.

"Uh, I am Romana Ruiz." Isinulat ko naman ang pangalan niya. "Kayo? Anong pangalan niyo?"

"Ako naman po si Joyce, siya naman po ang pinsan ko. Si Maine." Turo niya sa akin.

"Maine, Maine Mendoza po." Pahayag ko.

"O, I...I see." Anito. Nagulat ako nang pinasadahan niya ako ng tingin. "Call me Mana nalang. Yun ang tawag sakin. Lakas maka luma ang Romana eh. Hehehe" hindi naman siya gaanong madaldal ano? Pero keri lang. Costumer to kaya dapat pakisamahan ng maayos.

"Uhm, so Miss Mana, We can show you our packages here. Pili lang po kayo." Ipinakita ni Joyce ang mga offers namin.

"Wow, magaganda ha. Infairness, pero pwede din ba kami mag suggest? Baka kasi may mas gusto pa ang pinsan ko?"

"Opo naman. We will make your event more special kaya kahit ano basta mapasaya kayo... gagawin namin sa abot ng aming makakaya." Sagot naman ni Joyce. Napatawa naman si Miss Mana.

"Nako, mukhang maganda nga kayo. Don't worry I'll give a great preview about your store sa facebook page niyo. Napaka accommodating niyo kasi." Aniya. Napangiti naman kami ng husto ni Joyce.

"Thank you so much Miss Mana, By the way pwede ba naming malaman ang pangalan ng mag partner po? We will start with the invitations po kasi pag dito niyo talaga maisipang magpa organize ng engagement party." Kako.

"Ay, oo nga pala. Just put Roxas and Faulkerson."

•••
Trust me guys! Alam niyo naman na mahal ko kayo. Have a great day! 😊😊❤️

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now