Parang kailan lang, sinabi niya na kakausapin daw niya si Tatay Toto sa personal akala ko naman matatagalan pa yun. Grabi! Di ko alam na agad agad pala. Kaya pala busy'ng busy siya nung mga nakaraang araw... Halos di ko na mahagilap ni anino niya kasi inayos niya daw lahat para wala siyang proproblemahin sa bakasyon niya samin. Madiskarteng gago! Magaling, magaling. Hahaha
Heto naman ako ngayon nag iimpake ng mga gamit ko... kasi nga uuwi kami sa probinsya. Kami, kasi kasama siya. Grabi, naalala niyo? Pumunta ako ditong mag isa pero pag uwi ko may bitbit na ako? Hay nako.
Ang inaalala ko lang baka mag inarte to doon. Nako! Makikita talaga niya ang mga katapat niya. Tsaka, goodluck sa panunuyo kay tatay ko baka ipagsibak ka ng kahoy, ipa iigip ng tubig sa batis o di kaya ipalalaba ka. Hahahaha tignan natin. Hmmmmm.
"Couz, pakibigay nalang tong mga pasalubong at pera ko kina nanay ha? Sabihin mo uuwi ako soon. Sayang naman kasi pag uuwi ako ngayon, e."
"Okay lang couz, wag kang mag alala. Ako na bahala doon."
"Mai, alam mo bang may isa pa tayong problema?" Kabadong sabi ni Joyce.
"H-ha? Ano yun?" Nako ka! Kinakabahan na din ako.
"Kasi ano... Uhm, di pa alam ni Sir Junior na nagsinungaling tayo sa magulang natin diba? Paano na?"
Oo nga, shit! Bakit di ko naalala to. Paano na to? Teka, teka. Wag kang mag panic. Kausapin mo ng maayos si Chard. I.explain mo sa kanya ang lahat.
"A-ano na gagawin natin?"
"Uhm, ikaw na bahala. Kaya mo naman yan, e. Diskartehan mo na lang. Haaay, alam mo naman sitwasyon natin dito Mai. Di nila dapat malaman. Makakauwi tayo sa di oras pagmalaman nila to." Sabi ni Joyce sakin.
Tama nga naman siya. Hahay wala na talaga akong choice.
•
"Ready?" Tanong ko sa kanya nang nagkita kami.
"OA naman nito, mag babakasyon lang tapos parang nananakot ka. Ha! Pero I was born ready no." Garbong sagot ni Rj sa kanya.
Nasa airport na kami ngayon para bumyahe pauwi. Excited na akong makita ang tatay ko.
"Ikaw? Excited ka ng umuwi? "
"Oo naman, miss ko na ng sobra si tatay." Nginiti.an ko siya.
45mins. Ang byahe pauwi sa min pag mag i.eroplano, ang bilis. Nuon, nung pumunta ako sa Manila grabi! Halos isang araw yung byahe ko sa barko. Sobrang panis na nung laway ko. Wala akong nakausap nun pero ngayon! Ha! Kung nakakamatay lang siguro ang pag iirap ng mata ni Rj dahil sa kadaldalan ko sa loob ng eroplano malamang kanina pa ako nilalamayan. Hahaha e, pagpasensyahan niyo na. Sobrang excited.
"Chard... "
"Alam mo kanina kapa, e. Di ako nakakatulog ng maayos dahil sa kakadaldal mo. Pwede ba magpatulog ka naman? May 25 mins pa tayo bago makalapag, o."
"E, kasi nga may sasabihin ako sayo."
"Ano naman yun? Dali! Ng makatulog ako." Atat talaga. Tsk! Sapakin kita diyan, e.
"Kasi ano... Tungkol to sa trab-"
"Wait, inaantok talaga ako. Let me sleep muna ha? Mamaya nalang. That can wait pero tung antok ko di na." Kainis naman, e. Sana di kana lang talaga magising. Ugh.
Lumipas ang ilang minuto at nakalapag na ang sinasakyan naming eroplano.
Yes!!! Tay! See you. Excited na talaga akong umuwi samin.
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
