Naging matiwasay ang mga araw na dumaan. Matapos kaming hinatid nung anak ni sat. . . - okay,anak ni Sir Senior 'i'll be good to him hinatid kami eh. Hahaha'. Hindi ko na siya masyadong nakikita sa bar. Well, minsan nasa paligid ligid siya nagmamasid pero di nagkataon na nagkasalubong kami sa daanan o sa tingin man lang. Mas mabuti nga! Haaaay.
Napagsabihan siguro yun ng tatay niya kaya di na niya ako pinag iinitan ngayon. Hahaha buti nga! Ha!
"Couz. . . pay day na today!" Galak na pagkasabi sa akin ni Joyce.
Yes! Magpapadala na ako kay tatay! Yun talaga ang unang pumasok sa isip ko. Tapos makakapag ipon ako ng kunti para din sa sarili ko at pambayad utang ko din kay Joyce. Ang laking na ng utang na loob ko sa kanya.
"Oo nga couz. . .first sahod ko to." Nginiti.an ko siya ng malapad.
"Yay! Im happy for you couz. Hehe kinaya mo talaga."
"Oo naman. Ako pa ba! Hahaha at kakayanin ko pa. Para kay tatay." Masigla kong sabi.
"Tara na nga! Mag trabaho na tayo. Hehehe"
As usual, magaan lang ang naging gabi ko. Medyo nasanay na din kasi ang katawan ko sa trabaho ko. Hatid doon, linis dito. Usap saglit sa mga costumer at gora na ulit. May mga costumers na din kaming mga naging kaibigan ko. Memorize ko na nga minsan ang mga orders nila. Hay, sana ganito na lang palagi para naman wala ng problema. Si tatay na lang ang iisipin ko.
Matapos ang gabi. Isa isa kaming tinawag sa staff room. 'Ito na, ito na. Nakaka excite. Si kuya Larry ang tiga abot ng sobre na kung saan andun nakalagay ang sweldo namin.
"Belle oh"
"Joyce"
"Bernie"
"Camille"
"Japoy"
Naghintay ako na matawag ang pangalan ko. Hanggang panghuling sobre na. Para akong aso na naghihintay ng amo na bigyan ng pagkain. 'Paniguradong akin na yun. Last sobre na eh.' Pero nagtaka ako nang inilagay ni kuya Larry sa bulsa niya ang sobre.
"K-kuya Lar? Ang kay Mai po?" Tanong ni Joyce sa kanya
"H-ha? Di pa ba kita natawag Mai? Di ko pa nabigay sayo?" Tanong ni kuya Larry sa akin. Nagsitinginan naman ang mga kasamahan ko.
"Di po, wala din po akong natanggap." Medyo gulat din ako sa nangyari eh. Paano ba naman kasi naging ganun? Baka nahulog o di kaya na doble yung sobre ng iba.
"Teka nga! Paanong wala kay Mai eh tayong lahat meron na?" Tanong ni kuya Japoy.
"Baka naman kasi di ka natanggap dito! Tanga lang diba? Hahaha na tatrabaho siya di pala siya empleyado dito? Hahaha diba? Nakakatawa?" Pahayag ni Camille. Siya ang medyo maarte sa aming lahat dito pero kaya naman yung ugali. Prangka lang siyang magsalita. Kung ano ang nasa isip niya sinasabi niya talaga kahit alam niyang makakasakit siya ng kasama.
Tinignan naman namin siya lahat, yung tinging masama.
"Ano? Masama ba nasabi ko?" Pagtataka niyang tanong nang makita niya ang inis na reaksyon namin sa kanya.
Ibinaling ko na lang ulit ang atensyon ko kay kuya Larry. "Kuya sino po nag-abot ng mga sobre?"
"Si sir Junior, Mai."
"Potek na lalaking yun!" Mahina kong sabi pero alam kong narinig nilang lahat yun. Dagli aong lumabas sa staff room at nagtungo sa imperno este office niya pala.
Hindi ako nag dalawang isip na Itulak ang glass door ng office niya. Naabotan ko siyang may katawag sa telepono at pangiti ngit pa ang loko.
"Sandali lang. . . I'll call you later ha? Sige bye. Matulog kana." Tugon niya sa kausap niya sa phone bago niya ito binaba.
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
