I woke up with a heavy heart. Akala ko kasi okay na. Wala ng mas titindi pa sa mga unang araw na nangyari sa akin sa pinagtatrabaho.an ko. Pero mali pala ako. Parang sinumpa ko yung lugar na yun kagabi na hinding hindi na ako tatapak sa impyernong lugar na yun bago ako umalis.
Umupo ako sa kama at chineck ang telepono ko. May message galing kay Joyce.
Hi couz. . .
Good day sayo! Alam kong masama talaga ang loob mo sa nangyari kagabi. Gusto ko mang samahan ka ngayon sa paghahanap ng trabaho pero maaga ang call damin ngayon eh. May malaking event daw kasi mamaya. Pina exclusive ang buong bar kaya dapat maaga kami doon. Sayang! Doble pa naman sana ang sweldo ngayon pero naka desisyon ka naman na di kana talaga babalik kaya rerespetuhin kita. Ipagdadasal kita couz. Sana makakita ka ng trabaho ngayon. Di na kita ginising, himbing kasi ng tulog mo eh. Maha kita! Dalhan kita ng penoy pag uwi ko. Ingat!
PS. Sardinas na may itlog ang ulam natin. Kumain kana pagkagising mo ha?
'Ang swerte ko pa din at andito si Joyce para sa akin. Tsk. Siguro matagal na akong sumuko kung wala siya.'
Bumangon ako at lumabas sa kwarto namin ni Joyce. May common area kasi kami kung saan doon kami kumakain kasama ng ibang boarders at minsan nanunuod ng tv. Dinaanan ko lang at binati ang mga tumatambay sa common sala habang patungo ako sa common dinning area namin. Grabi! Ag daming common. Hahahaha Tinignan ko ang ulam na nasa mesa. Inilagay ni Joyce sa isang Tupperware para di kainin ng iba. 'Yes! Na miss ko to.' Masarap tong agahan slash pananghali.an, alas onse na din kasi ng umaga. Na miss ko to sa probinsya. Madalas pinaparisan namin ito ng kape na mais. Hmmm! Ang sarap.
Habang ine.enjoy ko ang pagkain, plinaplano ko na din kong ano ang mga gagawin ko today.
'Gagawa ulit ng Resumé, Application letter, tapos dadaan ako sa M-Lhulillier magpapadala ako para ka tatay, mag gogrocery din ako ng kunti para may ambag ako sa konsumo namin ni Joyce dito tapos gagala ako kung saan saan para maghanap ng trabaho. Haaay! Balik uno ako. Sana naman may mahanap ako agad. Kahit kasambahay lang. Okay na siguro sa akin yun.
"Mai!!" Sigaw sa akin ng Landlord namin. 'Ano kaya problema? Kakabayad lang ni Joyce nung isang araw ah. Nanghiram siya ng pera sa kasamahan namin sa trabaho.
"Po? B-bakit po?" Sigaw ko sa kanya para marinig niya ako sa baba.
"May bisita ka! Paakyatin ko na lang diyan ha!"
Ha? Sino naman ang bibisita sa akin? Wala naman akong ibang kakilala dito.
"Okay po!"
Niligpit at hinugasan ko ang plato na pinagkainan ko.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
No Empty Spaces
Hayran KurguIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
