Before 4pm ay nakauwi na kami ni Chard para mag reready na kami sa trabaho. Aaminin ko, sobrang nag enjoy ako sa mga ginawa namin though medyo nainis talaga ako dahil pinilit niya akong mamili ng mga damit at sapatos... Sabi ko naman sa kanya na wag na pero pinilit niya talaga ako.
"Halika!" Hinila niya ako papasok sa department store.
"B-bakit tayo nandito?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Kita mo yang mga damit na yan?" Turo niya.
Tumango naman ako. "Kakainin mo yan." Seryoso niyang sabi.
"Ha?" Loko loko.
Napangisi siya. "Malamang, mamimili tayo. Ano ka ba! Alam kong uneasy ka diyan sa suot mo kaya go! Pick what you like..."
"C-Chard, o-okay lang naman ako. Marami naman akong damit. Wag na."
"Maine, This is just a simple favor. Wag mo naman akong tanggihan." Simple favor? San banda? Dios ko ha!
"Pero Chard... Marami kanang ginawa sakin. Okay nato. Tutal paalis naman na tayo diba? Kaya wag na."
"Maine... Just this please. Wag ka ng makipagtalo sakin. Alam mo naman na mananalo ako." He winked at me.
Napabuntong hininga nalang ako at sinunod ko na lang siya kesa pag awayan na naman namin ito sa loob ng department store... Nakakahiya kaya, pagtitinginan na naman kami ng mga tao.
Makalipas nang ilang saglit kong pagpili ng dalawang T-shirt at isang step-in. Lumapit siya sakin na may dala dalang mga polo shirts.
"Maine... Can you help me with this?" Pinakita niya sa akin ang mga dala niya.
"Sige. Alin ba dito ang gusto mo?" Tanong ko habang tinignan ang mga polo shirts.
"Lahat."
Susmaryosep.
"Grabi ka! Bibilhan mo ata ang buong men's wear. Pili ka lang niyan."
"E, sa gusto ko lahat..."
Inirapan ko siya. "Siraulo ka pala, e. Nagpapatulong ka diba? Haaaay. Ewan ko sayo."
"Fine... Ikaw na mamili para sa akin." Aniya, napangisi pa ang loko.
Bumuntong hininga naman ako. "Akin na nga yan."
He gave me all the shirts. Akmang aalis na naman siya nang pinigilan ko. "Saan kana naman pupunta? Dito ka lang. Tignan mo tong mga pipili.in ko."
"Ikaw na bahala diyan. I trust your taste." Sabay kindat sakin. Shocks! Agad akong tumalikod para makaiwas ng tingin sa kanya. Namumula ako.
After a few minutes natapos ko ng piliin ang tshirts na pwede niyang bilhin. Kailangan ko pa tong ipakita sa kanya. Baka ayawan niya... Siya pa naman ang mag susuot.
"Chard!"
"O? Tapos na? Bayaran mo na. Ito, take this black card and pay everything. Isali mo na yang sayo."
"Teka lang... Tignan mo muna tong mga pinamili ko sayo."
"Sabi ko, pinaniniwalaan ko ang taste mo diba? Kaya okay na ako niyan. Ikaw na bahala sa lahat" Aniya at umalis na naman siya.
"Ah! Ako pala ang bahala ha! Okay. Tignan natin."
Chineck ko na naman ang mga napili ko at pinalitan ko ang iba...
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
