Parang may anghel na naki tambay at nakisakay sa amin dito sa loob ng sasakyan. Ang tahimik kasi naming dalawa. Halos pati pag buga ng hangin mula sa mga ilong namin naririnig namin dahil sa sobrang katahimikan. Mas lalo akong inaantok at mukhang mas mabuti nga to kesa naman mag mukha akong tanga dito.
Samot saring bagay ang nasa isipan ko ngayon.
Abot langit ang aking pagtatataka. . . bakit niya kaya naisipang ihatid ako? Wala naman na siyang utang na loob sakin. Binayaran na niya nung dinner dat. . . - teka nga, san nang galing yun? Date ka diyan! Peace offering lang yun. Assumera!
"Ang likot likot mo. . . nakaka destruct ka! Pwede ba pumermi ka nga." Saway niya sakin. Ano raw? Pati ba naman yung mga galaw ko napupuna niya? Ugh! Pero sabagay, ang likot ko nga ata talaga. Eh sa hindi ako comfortable sa hatirang to eh.
"Uhm. . . Chard? Bakit mo ako hinatid?" Hindi ko na rin napigilan ang bunganga ko. Eh sa gusto ko na talagang itanong to sa kanya eh.
"Sinabi ko na yung rason kanina." Aniya, habang focus pa din siya sa daan.
"Anong rason? Wala ka kayang sinabi sakin." Kako, tinaasan ko siya ng kilay.
"Sinabi ko. . . makakalimutan ka lang kaya di mo naaalala." Sagot niya sakin.
Ang kapal naman ng pagmumukha ng lalaking to. Ang lakas naman ng loob na pagsabihan akong makakalimutin. Inirapan ko na lang siya at tumingin sa bandag bintana.
Bumuntong hininga siya. . .
"Uy. . " sabay kalabit ng braso ko.
"Ano?" Kako. Tinaasan ko ulit siya ng kilay.
"Galit ka?"seryoso, nagulat ako sa tanong niya. Kailan pa siya naging concern sa nararamdaman ng iba lalo na sakin?
"Bakit naman ako magagalit? At kung galit ako anung pake mo?" Sabi ko sa kanya, hindi na din siya nagsalita. Medyo natarayan ko ata siya. Pero kasi pagud at inaantok na din ako, e. Kaya pasensya ka nalang dong.
Pinikit ko na lang ang aking mga mata. . . maka idlip na nga lang saglit.
Makalipas ang ilang minuto. . . nagising ako dahil niyuyog yuyog yung balikat ko. Andito na pala kami sa tapad ng boarding house namin. Nagtaka ako, bakit pa niya pinasok ang sasakyan niya pwede namang doon lang niya ako binaba sa may kanto.
"Salamat nga pala sa paghatid ha? Pasok na ako. . . " kako sabay pindot nung buton na magbubukas sa pintu.an.
Nagulat ako nang bigla din siyang bumaba sa side niya. 'Hala! Bakit bumaba din siya?' Nagtungo siya agad sakin.
"Maine. . . " aniya. 'Jesus! Bakit ang sarap pakinggan? Tinawag niya ako sa totoo kong pangalan. Nakakalambot ng tuhod. Ang serep serep talaga pakinggan, promise. Para siyang anghel na tinatawag na ang pangalan ko para umakyat na papuntang langit hahaha charot! Pero di, e. Alam niyong lahat na bumabasa nito na anak siya ni You-Know-Who.
"Bakit kapa bumaba? Pasok kana. Okay na ako dito." Kako, wow auntie? Tinatanong ka ba? Di naman ah.
"Di, hatid na kita sa kwarto mo." Sabi niya.
Napakunot naman yung noo ko habang nagkatinginan kami, tapos. . . tapos. . .ayun sapol! Kita ko na naman ang mala Philippine Trench na pagkalalim na dimple nang ngumiti siya. Pero Maitot! Wag kang pumayag. Ipauwi mo na siya. . . baka padating na din si Joyce. Nako! Malamang magugulat yun pagnagkataon.
"Di na nga. . . wag na. Uwi kana." Mahinahon kong sabi. Huy! Di mo ako madadaan sa pa dimples mo noh!
"Please?" Ngumuso siya.
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
