The next day maaga akong umalis. Kailangan kong makausap si Chard agad-agad. Hindi naman sa atat ako dahil namimiss ko siya... well, siguro isa na din yun pero isasantabi ko muna to at uunahin ko ang napag isipan kong plano buong magdamag.
Hindi na muna ako tutuloy sa hotel.
"Richard Faulkerson Jr. po." Kako sabay abot sa ID at mga bagahe ko. Kumunot ang noo ng police. Siguro nagtaka siya kung saan ako nang galing.
"Mahigpit po ang bilin ng pamilya na bawal po ang kahit sinong bisita sa kanya maliban sa kanila at sa attorney niya." Sabi ng police sakin.
"P-po? Uhm. Kasi po ano... importante po talaga kasi ang pakay sa kanya." Kako. Sana naman mapagbigyan ako. "Kilala niya po ako. Siguro naman pwede niyong sabihin sa kanya na andito ako?"
"We cannot do that ma'am. Pasensya po. Sumusunod lang po kami sa utos." Nako naman. Bakit ba kasi di ko naisip na tawagan muna si miss Sheena. Haaay.
"Uh, sige po. Ganito nalang... tawagan nalang po natin ang kapatid ni Chard. I can contact her."
"Sige po. We can try that." Agad kong kinuha ang telepono ko at tinawagan si miss Sheena... pero hindi niya ito sinasagot. Ilang tawag na ang ginawa ko pero di pa din ito sumasagot.
"Sir, di po sumasagot eh."
"Nah, pasensya po talaga ma'am. Mahigpit po kasi ang bilin samin eh. Kung susuway kami, kami din ang malalagot."
"Okay po, sige sir. Naiintindihan ko. Pasensya na din. Maghihintay nalang ako sa tawag ni miss Sheena."
Tumango ang police at ibinaling ang atensyon sa ginagawa niya. Haaay, mukhang kailangan ko ngang maghintay. Tinext ko nalang si miss Sheena at umupo sa receiving area nila.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kinauupo-an ko... at nagising ako dahil may yumugyog sa akin.
"Ma'am? Ma'am? Pwede na po kayo makapasok. Tara po, ihahatid ko po kayo sa loob."
"H-ha? Akala ko po ba bawal pag di pamilya?" Kinusot-kusot ko pa talaga ang mata ko.
"Eh tumawag na po si miss Sheena sa hepe namin at sinabi niyang ipapasok daw po kayo kasi girlfriend ka ni Mr. Faulkerson." Kumunot ang noo ko.
"P-po?"
"Girlfriend ka diba? Kasali din kasi sa listahan na pwedeng pumasok ang girlfriend niya dito pero di sinabi ang pangalan. Kung sinabi niyo naman po sana kanina... edi kanina ko pa po sana kayo napapasok."
"H-ha? Uhm. O-oo eh. Nako, okay lang kuya. No problem atleast ngayon pwede ng pumasok. Sige po, ihatid niyo na ako sa kanya." Tumayo ako at naglakad patungo sa pinto na dinaanan din namin noon ni miss Sheena.
Naghintay ako ng ilang saglit dahil tinawag pa nito sa silda si Chard. Napangiti ako nang palihim ng maalala ang sinabi nung police kanina... girlfriend daw. Haaay, ano ba tong iniisip ko.
"Maine."
Umangat ako ng tingin. "Chard."
"Akala ko umuwi ka sa Cagayan de Oro?"
"Umuwi nga, bumalik agad ako. May mga binilin lang ako kay Joyce."
Umupo siya sa harap ko. "Ah, saan ka nag sti-stay?"
"Uhm, mag hohotel ulit ako."
"Wag na. You can use the condo para naman makatipid ka... at para na din may tao doon. Minsan lang kasi dinadalaw nila achi eh."
"Ah, ganun ba? Nako, nakakahiya naman sayo." Kako, totoo naman talaga. Kahit may parte na masaya ako dahil makakatipid ako at makakabalik sa noo'y tinuring ko ring tahanan... medyo nahihiya ako.
"Bakit ka naman nahihiya? Eh naging bahay mo din naman yun?" Napansin niya siguro ang pamumula ko sa sinabi niya kaya napangiti siya.
Naging awkward na tuloy ang paligid. Hindi na ako masyadong nagsasalita at puro tango nalang ako.
"Uhm, sabi ni Attorney, 2 weeks from now pwede na akong maka pyansa." Pahayag niya sa akin.
"T-Talaga? Nako, maganda yan. Nang mabisita mo na din si Athens."
Ngumiti siya ulit sa sinabi ko pero bakas ang lungkot sa kanyang mga mata. "Hindi pa siguro pwedeng mangyari yun. Nag file sila ng custody."
Huminga ako ng malalim. Ang sakit sa pakiramdam. Alam kong nahihirapan na siya ng sobra sa sitwasyon niya ngayon. Hindi na din uli ako nagsalita pa tungkol doon para di ko na madagdagan pa ang mabigat niyang nararamdaman ngayon.
"Totoy! Mukhang may bago tayong bisita ngayon,ah. Kapatid mo rin ba yan?" Napalingon kami pareho sa isang preso na nasa kabilang mesa din kasama ang kanyang pamilya na bumisita sa kanya.
"Ay, hindi po." Mahinang sambit ni Chard.
"Girlfriend mo?" Usisa niya. Napansin kong napatingin din ang ibang preso sa banda namin. Mukhang kilala siya dito, ah.
Nagtama ang tingin namin at agad akong nag-iwas. Napansin ko mula sa gilid na nilingon niya ulit ang kaibigan niyang preso din at tinangu-an.
Puno ng tuksuhan ang silid dahil sa naging tugon ni Chard sa kanila. Halos di naman ako makaharap at panay lang ang yuko ko dahil sa hiya. Goodness, bakit yun ang sagot niya?
"Hey, are you okay?" Hindi. Halos malusaw na ako dito sa kinauupo-an ko. Gusto ko yun sabihin sa kanya... pero hindi ko magawa. Dahan ko siyang tinignan sa mukha at nasilayan ko ang ngiti niya.
"H-ha? Oo n-naman. Okay lang." Wala na akong ibang naisip na sagot... mukhang na lulong na naman ulit ako sa mga ngiti niya.
"Good."
"Uhmmm." Panimula ko ulit.
"Hmmm?"
"Wala." Kako. Binuksan ko nalang ang isang mineral water para inumin ito. Bigla kasing nanuyo ang lalamunan ko.
"We..." hindi niya tinapos ang sinabi niya dahil napatingin na ako sa kanya.
"We, what?" Kako.
"We did not break up diba? So were... uhm, still..." napansin ko ang pag angat ng balikat niya at pag lunok. "Together."
Sumilay ang kunting ngiti mula sa aking labi at marahan akong tumango sa kanya.
"Toy, pagka pyansa mo pakasalan mo na ha? Para wala ng kawala."
"Oo nga, mukhang bagay na bagay pa naman kayong dalawa." Dagdag naman nung isa na nasa kabilang mesa.
"Tignan lang po natin kung papayag siya." Sagot naman ni Chard sa kanila. Nako naman! Bakit ba ganito ang usapan?
"Payag ka naman ining, diba?"
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Halos lahat ay sa amin ang atensyon. Pati din ang mga bumibisita sa kanila... at parang pare-pareho silang naghihintay sa sagot ko.
"H-ho? B-bakit naman po hindi?"
At naghiyawan ang lahat na nandoon. Ghad!! Pwede bang malusaw nalang dito sa kina uupo-an ko? Agad-agad?
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
