Kakagaling lang namin ni Joyce sa karenderia. Ito kasing mga asungot na to, nakitulog nga namemerwesyo pa. Hindi raw sila sanay na pandesal at kape lang sa umaga kaya ito kami ngayon bitbit ang mga supot na may lamang kanin at tatlong klaseng ulam.
"Couz, bakit ba kasi tayo pumayag na mamili nito? Bakit di na lang sila ang lumabas o bumili. . o di kaya mas mainam na umuwi na lang sila."
Reklamo ko kay Joyce.
"Couz, wag kanang mag reklamo. Pasalamat nalang tayo at sila yung nag bayad nitong makakain natin ngayon. Less gatos tayo tsaka tipid." Humagikhik siya ng tawa.
"Ano ba! Seryoso nga. . . Tsaka di mo pa sinasabi sa akin na may boyfriend kana pala. Kailan pa to? Bakit mo tinago sakin? Nakaka inis kana ha! Ang dami mo ng lihim."
Napahinto siya sa paglalakad. Tinignan niya ako at napabuntong hininga siya. . .
"Mai, pasensya talaga kong nilihim ko to sayo. Natatakot lang talaga kasi ako baka mag iba yung pananaw mo sakin pag malaman mo na ganito na pala. Pero ano. . . Plano ko naman kasing sabihin to lahat sayo pero. . .umm nag hahanap pa ako ng tyempo. Alam ko kasi kahit di mo sinasabi na na dismaya ka sakin dahil ganito pala yung napasok nating trabaho tapos ano. . . Dadagdagan ko pa tungkol kay Kristoffer." Pansin ko talaga ang lungkot sa kanyang mata.
"Joyce. . . Oo, aaminin ko na nadismaya talaga ako kasi nga naman naglihim ka sakin.
Pinsan mo ako, Connected na nga ata tong mga bituka natin, e. Kaya medyo ayun na dismaya talaga ako pero ano. . . Okay na! Di na masyado ngayun. Kunti na lang siguro. . . Pero sana wala ng lihim lihim please? Tayo tayo na nga lang dito tapos may ganito pa. . Ahai." Napanguso ako.
Niyakap naman ako ni Joyce. . ."Sorry couz ha? Sorry talaga. Di na mauulit. Promise! Hindi na ako maglilihim sayo kahit kailan." Napangiti ako, ramdam ko talaga na nagsisisi siya sa ginawa niya sakin.
"Sorry din ha? Hehehe alam mo naman na di kita matitiis, e. I love you couz. . " niyakap ko din siya.
"I love you too, so much." May halong gigil na sabi ni Joyce sakin.
Napatawa naman ako. . . Ang OA namin. Dito pa talaga kami sa daan nagyakapan.
"Tayo na nga. . . Baka gutom na yung mga butete ng dalawang yun." Sabi ko sa kanya. Nagtawanan naman kaming dalawa habang nagpatuloy kami sa paglalakad pa boarding house.
"Ikaw din ah! Dami mong dapat ikwento sakin. Bakit inuwi mo na yung amo natin? Hahahaha" may halong panunukso na tanong niya sakin.
"H-ha? Inuwi? Di ah. Siya yung sumama. Tsaka ano. . . Kaya kami nagtabi kasi ano. . . Umm, alangan namang makisiksik pa ako sa inyung dalawa ni Sir Kristoffer. Kaya wala na akong choice. Alangan namang patulugin mo din ako do'n sa sahig." syempre nag rason na din ako. Mahirap na baka maunahan pa ako ng di magandang pag iisip.
"ah? Talaga ba? e, bakit magkayakap?" mag duda niyang tanong sakin.
"M-mag ka a-ano. . .? K-kami? Y-yakap? Kailan? Wait ha? Nakita mo yun? Tsaka ano. . . Di ako yumakap." Pagdadahilan ko. 'Bistado na ata kami, e.'
"Hahahahaha yun, o! Sapol! Alam mo couz. . Kahit kailan di ka talaga marunong mag sinungaling. Hahaha haaaay, kung siguro di kita inoorient minsan mabubuking na talaga tayo ng magulang natin. Hahahaha pero balik tayo sa yakapa. . . - aray ha! Ang sakit mo talagang mangurot! Hahahaha" sabi niya sabay tawa.
"Couz naman e. Nakita mo pala yun? Wag na wag mong ipagsabi to ha? Baka anong maisip ng iba na masama, e."
Tinignan niya ako ng matulis at tinaasan ng kilay.
"So di ko pala talaga guni guni yun. Hmmmm, paano nangyari tong lahat? E nung una mas masahol pa ata ang aso at pusa sa inyo, e. Tsaka Mala tubig at langis yung kakemehan niyo. Hahahaha pero look at you guys, right now. . . 🎶Magkayakap sa dilim.🎶 and hello, pangalawa nato ha! Not once but twice! At sure ako baka million times pa. . . "
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
