"C-Chard, uhm. Kamusta nga pala ang ano... uhm. Yung sa foundation na tum-tumotulong kay tatay?" Nagkalalas akong itanong ito sa kanya ilang araw ang lumipas mula nung pag-uusap namin ni madam.
Nasa kusina kasi ako nagluluto ng agahan habang siya naman ay nakaupo sa mataas na silya sa harap ko.
"Well, okay naman. May mga ponagkakatiwalaan akong tao na incharge sa medications ng tatay Toto mo. You don't need to worry." Anito, halatang wala talaga siyang kaalam alam sa mga nangyayari sa paligid.
Tumalikod ako at napabuntong hininga. Sasabihin ko na? Yung totoo? Pero paano kung magalit siya ng husto? Baka maging rason ako para mas mawasak ang relasyon nila pati ni Sir Senior? Haaay.
"Chard, may sasa-haaay-bihin ako sayo." Kaya mo yan.
"Hmm? Ano yun?"
"Tungkol kasi to kay tatay. Yung founda...—"
"Good morning daddy! Good morning mommy Maine!" Pasigaw na bati ni Athens sa amin kaya nagulat ako. Halos mabitawan ko ang hawak ko na spatula buti nalang at nahigpitan ko agad ang pagkahawak ko doon.
"Good morning anak! Nako, ang early mo ata nagising?" Hinila siya si Chard papalapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
"Excited kasi ako ngayon. Sasamahan ako ni mommy Maine sa school. Diba po?"
Tumango tango naman ako at lumapit sa kanya para halikan din siya sa pisngi.
"Wow naman, may kiss ang baby namin kay mommy. Paano naman ang kay daddy?" Reklamo ni Chard. Itong isang to. Paraparaan din eh. Haaay, kung maisipan kung umalis? Malamang mamimiss ko ang mga umagang ganito.
"Mommy, kiss mo na si daddy."
"Oo nga naman mommy Maine." Napanguso siya.
"Alam mo? Ginagamit mo lang talaga si Athens para maka ano ka ngayong umaga ano?" Nginiti-an ko siya. Kung aalis ba ako dito at iiwan sila... makakangiti pa ba ako gaya nito?
"Ito naman... pampabwenas lang!" Rason niya. Wala naman akong magawa kundi ang ilapit ang mukha ko para halikan siya sa pisngi pero laking gulat ko nang humarap siya at sinalo niya ang labi ko.
"O my goodness! Nag kiss kayo sa lips!" Halos mapatalon na sabi ni Athens. "Woooah!" Pasigaw na sabi ni Athens habang nakataas ang dalawang kamay niya. Si Chard naman ay nakangiti ng malapad, yung ngiting nagtagumpay?
Pag aalis ako mimiss ko talaga ang mga ganitong umaga. Yung puro tawanan at kakulitan.
Sinamahan ko si Athens sa skwela buong araw. May event kasi sila kaya ako na mismo ang nag representa na sumama para suportahan siya sa field demonstration ng lahat ng primary level.
Habang busy'ng busy ako sa kakakuha ng picture kay Athens at sa mga kaklase niya gamit ang DSLR ni Chard bigla namang tumunog ang phone ko. Kinabahan ako bigla... paano kung si madam Z na naman to? Ano nalang ang sasabihin ko?
Kinuha ko ang telepono ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Joyce.
"Hello?"
"Couz!!" Hagulhol ang kasunod pagkatapos ng tawag niya sa akin.
"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"
"Couz, tumawag si mama sa akin." Halatang hangos na hangos siya sa kakaiyak.
"Bakit? Anong nangyari?"
"Si tatay Toto isinugod nila sa hospital ngayon. Hindi na raw kasi niya kaya. Hindi na siya makahinga ng maayos. Magang maga na ang buong katawan niya. Maine, ano na? Ano ng gagawin natin? Uuwi naba tayo? Paano to? Di sapat ang ipon ko? Pinadala ko na sa kanila last week eh. "
"Bakit hindi ako ang tinawagan ni Nanang?"
"Kasi nga yun ang bilin ni Tatay mo! Na hindi ipaalam sayo." Hagulhol pa rin niya sa kabilang linya.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanghina agad ako sa sinabi ni Joyce. Para akong malalagutan ng hininga ano mang oras ngayon.
Napatingin ako sa deriksyon ni Athens na ngayon ay kumakaway sa akin na nakangiti at ang saya saya niya tignan.
"Maine, andiyan ka pa ba?"
"Oo, uhm. Joyce, bigyan mo ako hanggang mamayang hapon. Aalis tayo mamayang gabi. Hahanap muna ako ng pera."
"Sige, mag iimpake na muna ako."
"Sige, kita tayo mamaya." At binaba ko na ang linya.
Doon na bumuhos ang luha ko. Ano na ang gagawin ko? Trinay ko na i.dial ang number ni Chard pero busy ito. Malamang may ginagawa siya ngayon.
Binilin ko si Athens kay Yunna at mabilis akong umalis sa kinauupo-an ko at nagtungo sa lugar na wala masyadong katao-tao.
Napasabunot ako ng buhok ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong mag wala. Bakit ba kasi sa lahat na pwedeng bigyan ng ganitong suliranin sa buhay... ako pa talaga!
Hindi pwedeng mawala si tatay. Siya nalang ang pamilyang meron ako. Hindi pwedeng mawala siya sa akin. Hindi ako papayag dahil hindi pa ako handa!
Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan si Nanang.
"Nang! Bakit hindi niyo sinabi sa akin agad? Sana nagawan natin ng paraan?!"
"Maine, anak. Ayaw talaga kasi ng tatay mo na isabi to sayo eh." Iyak din ng iyak si nanang.
"Kamusta siya? Asan siya ngayon?"
"Nasa ER pa pero nagkausap na kami ng doctor. Kailangan natin siya dahil sa syudad. Mas matutulungan raw siya doon dahil mas kompleto ang kagamitan nila. Mas makakahingi din tayo doon ng tulong mula sa PhilHealth, DSWD at mas mataas na antas ng gobyerno."
"Sige nang. Gawin niyo yan. Sa Cagayan de Oro nalang po tayo mag sing-abot. Hahanapan ko po to ng paraan."
"Sige anak."
Nang mababa ko ang tawag... wala na akong ibang naisip kundi ang offer ni madam Z. Mabansagan man ako na mukhang pera o manggagamit... bahala na. Basta mapagaling ko ang tatay ko.
Tinawagan ko siya at nakipagkita ako sa kanya.
Binigay naman niya agad-agad at walang pa tumpik tumpik kapalit ng paglayo ko sa mag-ama. Kitang kita ko ang malapad niyang ngiti habang pinipermahan ang tseke na hinihingi ko.
Agad akong nagpaalam sa kanya at umalis na. Binalewala ko ang mga kumento niya na masasakit. Wala na akong pakialam. Masakit man... at pagsisihan ko man ito sa huli... kabayaran ko yun. Ihahanda ko nalang ang sarili ko sa araw na yun. Kailangan ko muna magpakatatag ngayon para sa tatay ko.
Inimpake ko na ang gamit ko at mabilis akong umalis sa condo ng mag-ama. Sumakay kami ni Joyce sa eroplano na mabigat ang damdamin.
"Joyce, simula ngayon... wala na tayong pag-uusapan tungkol sa buhay natin sa lugar nato ha? Kakalimutan ko na ang naging buhay at ang mga taong naging parte ng buhay ko sa lugar nato..."
Alam kong alam ni Joyce na sobra akong nasaktan sa naging desisyon ko pero tumango lang ito at niyakap ako ng mahigpit.
Kakalimutan ko na ang lahat.
•••
Asahan ang once a day update dito. 😊
Salamat po sa paghihintay.
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
