1 • Risk

8.2K 201 20
                                        

Naka upo ako ngayon sa hagdanan ng hospital. Malalim na ang gabi pero di pa din mapalagay ang isip ko. Bakit ganun? Mag lilimang oras na akong umiiyak pero di pa din tumitigil ang pag agos ng aking mga luha. Para bang walang hangganan itong mga luha ko. Tumingala ako sa kalangitan. . .

"Dios ko po! Ano po ba ang gagawin ko? Hindi ko po alam kung saan ako magsisimula. Sino po ba ang mga lalapitan ko? Sino sino po ba ang mga hihingan ko ng tulong?" Pinunasan ko ulit ang mga luha ko mula sa aking mga mata.

Naaalala ko na naman ang sinabi ng doctor sa akin kanina. Kailangan na daw ni tatay mag undergo ng dialysis. Agad na bumlangko ang isip ko pagkarinig nun. Sira na daw talaga kasi ang dalawang kidney ni tatay. Hay, kaya kailangan na niyang i.dialysis two times a week. Ang sabi ni tatay sakin hindi na daw siya sasalang dahil alam niyang lifetime na talaga yun pag nasimulan na pero syempre bilang nag iisang anak, bilang nag iisang kasama niya, kasangga at kasandal niya sa buhay. . .  hinding hindi ko kayang pabayaan lang si tatay na ganun lang.

Iniwan na kami ng Nanay ko apat na tawon na ang nakalipas. Cardiac arrest ang ikinamatay niya. Hindi namin ineexpect yun dahil namamalengke lang siya nun nang inatake siya sa loob ng palengke. Tinawagan lang kami ng kasamahan ni tatay na nagtitinda ng isda sa merkado na isinugod nila si nanay sa hospital pero pagdating namin doon wala na siya. Hindi man lang namin siya nakausap, nayakap o nahalikan bago siya pumanaw. Sobrang sakit nun. Halos di kami kumakaain ni tatay sa loob ng isang linggo nun. Naging mahirap ang pagtanggap namin pero kailangan namin bumangon ni tatay. Kailangan naming akayin ang isat isa dahil alam namin na yun din ang gustong mangyari ni nanay kahit hindi na namin siya kasama ngayon.

Hindi ko hahayaang mawala lang ng basta basta si tatay. Gagawin ko ang lahat para sa kanya. Hindi ko na kakayaning pati siya ay  mawala pa sakin.

Hindi ko namalayang nakiupo na din pala sa gilid ko si Nanang Tenten. Siya ang kapatid ng tatay Toto ko.  Sinamahan niya ako ngayon dito sa hospital para may katulong akong magbantay kay tatay.

"Nak, di kapa ata kumakain mula pa kanina ah. Kain ka muna kahit kunti." Sabi niya sa akin habang hinahaplos niya ang buhok ko.

Pinunasan ko na naman ang mga tumutulong luha ko.

"Okay lang po ako nang. Busog pa po ako. Sorry po kong pinag alala ko po kayo. Madami lang po talaga akong iniisip ngayon."

"Naiintindihan kita anak. Pero wag kang mag alala. Bukas na bukas din pagkalabas ng tatay mo lalakarin na natin yang mga papeles niya para makahingi tayo ng tulong sa DSWD. Balita ko namimigay sila ng kunting tulong sa mga nagpapa dialysis. Tsaka baka makatulog din yung PhilHealth niya."

Parang nabuhayan ako ng kunti sa sinabi ni nanang. May mga paraan pala talaga ang Dios para mapagaan itong mabigat kong dammdamin ngayon. Pero marami pa ring mga tanong na bumabagabag sa akin. 'Paano kong wala na ang tulong ng DSWD? sa PhilDeath? PhilDeath ba yun? Basta yun! Paano kung maubos na lahat ng ipon namin para sa gamot niya? PAANO NA??

"Nak? May kailangan kapa ba? Papasok na ako sa loob baka gising na yung tatay mo, pakakainin ko na." Akmang tatayo na si inang nang hinila ko yung sidsid ng blusa niya. "Mai! Mahuhubaran naman ako sa hila mo anak." Pigil ni nanang na mahila ko pa ang damit niya.

"Ay! Sorry nang. Uhh. Tatanong ko lang sana kong may alam po ba kayong trabaho nang? Yung malaki laki na sweldo po sana. Hindi naman po kasi palagi yung tulong ng DSWD at PhilDeath."

"PhilHealth yun iha." Kinurekta ako ni nanang. "Kung dito sa ating bayan wala akong ma maibigay sayo. Eh pag sasaka at pag nyoyog lang talaga kasi ang pwedeng mapagkakitaan ng mga tao dito. . .  hindi mo naman kaya yun eh. Alangan naman na mag da drive ka ng Tricycle o di kaya maninda ng isda o gulay sa palengke."

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now