62 • Problem

Mulai dari awal
                                        

"They told me na pag di ko raw sinuli sa totoong magulang ang bata ay makakasuhan ako at kung hindi ko raw masusuli si Athens sa totoong magulang niya ay mapipilitan silang kunin ito sakin."

"Nakuha naman na nila si Athens ngayon, Bakit humantong pa ito sa pagkakulong mo?"

"Hindi pa siya nakontento... dahil di ko inentertain ang pamangkin niya... mas diniin niya ako. Nagsumbong siya sa DSWD na ako ang nakasagasa sa ina ni Athens kaya mas lumakas ang isinampang kaso sa akin at nadagdagan pa non. Murder at kidnapping ang kaso na ipinatong sakin ngayon."

Ang sama-sama talaga niya! "Alam ba to ng daddy niyo? Alam ba niya na si Zenna ang may kagagawan nito?"

"Alam na niya. The last time we talked... humingi siya ng tawad sa akin dahil sa lahat ng pagkukulang niya saming magkakapatid... at humingi  din siya ng patawad dahil sa maling desisyon niyang pagpakasal sa Zenna na yun."

"Saan na si Zenna ngayon?"

"Ayon sa private investigator na kinuha nila dad... nasa Cebu daw siya nagtatago ngayon."

"So ano ang plano niyo sa kanya?"

"Si dad na daw ang bahala doon. Kailangang mabalik si Zenna dito para maibistigahan din. She was the one who pushed me to keep Athens tapos ngayon ako ang binaliktad niya."

Mas naging determinado akong tulungan siya. Isasantabi ko muna tong mga pansarili kong nararamdaman. Uunahin ko muna si Athens. Uunahin ko muna si Chard.

Natigil ang pag-uusap namin dahil dumating na si miss Sheena.

"Chard!" Halos sigaw niyang sabi nang papalapit na siya sa amin.

"Bakit achi?"

"Guess what?" Halata sa mukha nito ang kasiyahan. Wala man ako sa tamang lugar para mangi-alam pero andito na din lang naman ako... mangingialam na din.

"What is it?" Tanong ni Chard.

"Kakatawag lang ni dad. Nakausap niya daw si attorney kani-kanina lang... he said, pwede kanang makapag pyansa para makalabas ka dito." Mangiyak-ngiyak niyang sabi. Napalingon naman ang nasa kabilang mesa kaya napangiti na din sila para kay Chard.

"Wow! Makakalaya kana dong!"

"Congrats bata!"

Bati ng iba sa kanya mula sa kabilang mesa na binibisita din ng kani-kanilang pamilya.

May ngiti sa mga labi ni Chard pero halatang di abot hanggang sa mga mata niya.

"Teka lang! Kakausapin ko ulit si dad. Mag uupdate ako tungkol sa  bruhang Zenna na yun." At lumabas na naman siya.

Napabuntong hininga si Chard sabay sandal sa kinauupo-an niya.

"O, bakit parang di ka masaya? Makakalaya kana."

"Masaya naman. Makaka kilos na ako ng malaya at mas makakapag-isip na ako kung paano ko makukuha si Athens... sa tamang paraan pero..."

"P-pero?"

"Pero di pa din tayo sigurado. Panandali-an lang naman to." Hinilot niya ang sentido niya.

"Nako, wag mo ngang isipin yan! Magpasalamat nalang tayo at nabigyan ka ng pagkakataon na makalaya dito."

"Haaay, sabagay... tama ka."

Gusto ko siyang kumalma. Gusto kong iparamdama sa kanya na magiging okay ang lahat. Hinawakan ko ang kanyang kamay. "C-Chard, andito lang ako."

Nagtaas siya ng tingin. "Di mo ako iiwan?"

"H-hindi... hindi na."

•••
Hello everyone! Sorry! Medyo na busy lang sa realidad. Ü

I hope na lessen ang mabibigat nating damdamin dito. That DSWD thing... totoo po yan diba? May alam akong naka experience ng ganyan. Yung hindi legal ang pagkaka adopt nila sa baby kahit pamangkin lang nila ito. The DSWD called them... at sinabihan na kailangan nilang isuli ang bata sa totoong magulang kundi makakasuhan sila at pwede silang ipakulong... kung hindi naman nila masusuli, kukunin ng DSWD si baby na ngayon ay 4 years old na...  at kakasuhan pa din sila. Haaay, the saddest thing is ang parents ni baby ay drug-addict, ang mama naman ay may iba ng pamilya at di nila alam kung saan na yun. 😔 kaya prayers nalang talaga ang hawak ng family pero syempre ipaglalaban nila si baby.

No Empty SpacesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang