54 • Defend

Magsimula sa umpisa
                                        

"Hi!" Si Mrs. Arroyo.

"Hello po." Bati ko din sa kanya. Umupo siya sa tabi ko.

"Medyo nakakapagod dito no? Hahaha but seeing our family happy parang worth it lahat ng pagod." Aniya. Napatingin naman ako sa kanya.

"Ay, oo. Hehehe tama ka. Worth it talaga."

"Competitive din yung mag ama mo ha! Nakakatuwa silang tignan." Kumento niya. "Pati na din si mommy." Ay nako! Maliit ba begey. Haha

"Oo nga, e. Hehehe ito kasing si Athens sobrang energetic. Nakakahawa."

"Hehehe masayahin talaga siyang bata ano? Alam mo ba last year, bilib kaming lahat na mga mommies diyan sa anak mo. Sa klase kasi nila noon pinapapasok kami na mga parents to assist our children tapos itong si Athens... siya lang mag isa. Imagine? A four year old kid? Hindi sinasamahan? Pero grabi, madiskarteng bata. She would roam around pag nag aactivity sila. Pag napansin niyang busy ang teacher nila... lalapit siya sa amin. Ngingiti.an niya kami bago ilalahad ang activity sheets niya tapos she would asked us how do this and that. Ilang meetings din siyang ganun... medyo naawa na kami sa bata kaya dinunog na namin sa homeroom teacher nila. He called Mr. Faulkerson para bigyan ng aksyon ang concern namin about sa bata. We can teach her naman, pero iba pa din talaga pag yung magulang ang nag aassist sayo diba? Then the next day... may yaya na siyang kasama. Yun na din ang umaassist sa kanya sa mga activities. Nakakatuwa nga kasi ano... mas tinuturu.an pa niya ang yaya niya sa instructions tapos nagtatalo sila. Hahaha pero nairaos din naman." Halos di ako makagalaw sa sinabi niya. Naiiyak ako. Bata pa si Athen at may struggle na siyang ganito. Buti nalang ngayon at nalalaanan na talaga siya ng panahon ng ama niya. Haaaay. Kawawa naman ang baby girl ko.

"Pasensya na ha? Did I say something bad? Bakit parang naiiyak ka?"

"H-ha? Ay, sorry sorry. Naaawa lang kasi ako sa kanya. Sa mga panahon na mas nangangailangan siya ng ina..." wala ako. "Haaay, wala a-ak...-"

"O, the fake mother is here." Si Grace na naman. Ghad! Di paba ako titigilan ng babaeng to?

"Hi Miss Luciano. Mukhang napaaga ang inom natin, a."

"Kunti lang naman Mrs. Arroyo." Kunti lang daw pero halos ngarag na ngarag na siya kung maglakad.

"Lasing kana, e. Tara na. You need rest. Hatid kana namin." Hinawakan siya ni Mrs. Arroyo para alalayan pero mukhang di niya ata gusto ang pagkahawak. Tinignan niya kami ng masamang tingin. Hahai. Di talaga maganda to.

"G-Grace, wag dito and wag ngayon. Hindi ko alam kung ano ang problema mo sakin pero pwede mamaya na yan? Mamaya na pag wala ng tao. Yung di tayo mapagtitinginan ng mga nasa paligid at ng pamilya natin." Kako.

"Hahahah! Sino ka para pagsabihan ako?" Napatingin ako sa paligid. Medyo pinagtitinginan na kami ng ibang mga tao na malapit samin. "You have no right to talk to me like that! Isang hamak ma probinsyana ka lang naman! Na swertehan na na nadampot ni Chard kung saan saan!"

"Sumusobra kana! Ano ba talaga ang kasalanan ko sayo at ang init init ng dugo mo sakin?!"

"Ahh, hahaha see? Lumalabas na ang tunay na kulay mo! Lumalakas na pala ang loob mo ngayon? Sige tignan natin kong lalakas pa ang loob mo." Itinaas niya ang kamay niya. Ghad! Sasampalin niya ako? Dios ko! Yumuko at napapikit nalang ako. Hindi pa to nangyari sa tanang buhay ko. Wala akong naging kaaway sa pagkakatanda ko. Ano ba talaga ang kasalanan ko sa babaeng to?

"Touch her at kakalimutan kong babae ka pala!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Dahan dahan kong binuka ang mata ko. S-Si Chard! Hawak hawak ang kamay ni Grace.

"C-Chard! Chard! Siya kasi, e. Pagsabihan mo siya. Siya kasi yung nang una. Nilapitan ko lang naman siya to congratulate her sa pagkapanalo nung first game tapos ano... tinarayan niya ako." Teka, ano to? Bakit iba na yung mga pinagsasabi niya? Bakit nagmukha na siyang kawawa.

"Wag mo nga akong uto.in! Alam ko naman na ikaw ang naghanap ng gulo. Kilala ko si Maine! Hindi siya skandalosang babae!" Inakbayan niya ako. "Tara na Maine. Magpahinga muna tayo doon sa lilim... at ikaw, umayos ka ha!" Tinuro niya si Grace.

•••

Happy Sunday to all! 💕

Share lang ako ng kunti ha? Na meet ko kasi si Tatay Jovie Espenido kahapon (Tatay kasi ayaw niyang magpatawag na Sir. Gusto niya Brother pero ang awkward naman kasi hahahaha) Grabi he is truly a man of God! Ang bait niya at ang humble niyang tao. No wonder, God really protects him in times of trouble lalo na sa kanyang work. He put God first in everything he do. Imagine, ga fasting and praying siya for 10days pag may operasyon sila sa mga malalaking tao and God never fail him. Lahat ng malalaking operasyon na yun ay naging successful and He credit it all to God. He even said yesterday na "PWEDE NA AKONG MAMATAY. Na meet ko na kasi si President Duterte & I prayed for him. Yun naman talaga ang isa sa mga mataas na goal ko sa buhay. To get a chance to pray for our President., face to face."

Diba nakaka blessed? Hehe pasensya po napataas ang share ko. Na overwhelmed kasi ako masyado!

No Empty SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon