"Go mommy Maine! mommy Maine! mommy Maine!" Enebe! Nakaka pressure ka naman anak. Hooo, wag kang mag alala. Gagawin ni mommy ang lahat mapanalo lang ito.
"Next, Mrs. Glorrieta Arroyo!"
"Our third, Mrs. Allana Sahng!"
"Mrs. Ainor Lapaza"
"And our last contestant, Miss Grace Luciano."
Ah, talaga naman. Uh-oh. Ayaw magpa awat,m. Tsk!
"Okay listen mommies, parang sac race lang to, okay? And in every area na madadaanan niyo may mga patibong... hindi naman siya bomba... hahaha basta! Okay, enjoy! Ready na ba ang lahat?"
"Aha! Aha!" Sigaw naman ng mga tao sa paligid.
"On your mark! Get set! Goooooooo!"
"Mommy! Mommy! Go Mommy!"
Medyo mahirap yung game kasi naka upo kami at kailangan naming tumalon talon patungong finish line. Tapos may sinasabi pa silang mga patibo...-
"AAAAAAAY! Palaka!!!! Wooooah!" Si Mrs. Sahng. Tumayo siya at biglang kumaripas ng takbo. Nakakita kasi siya ng palaka sa harap niya. Aaaah, so ito pala ang mga patibong nila. Seeees! Sisiw! Madaming ganyan sa bukid! Keri to.
Ilang saglit ay napatayo na din si Mrs. Arroyo. Nahihilo daw siya. Nako naman! Sayang! Kalahati na din sana siy... Hala! Ang bilis ni Mrs. Lapaza! Na uunahan na niya ako! Di pwede to.
"O my God!!! Ahaaaas! Ahaaas!" Biglang sigaw ni Mrs. Arroyo.
"What??! Ahas? Saan? My gosh!! Ayoko na." Tumayo si Grace at sumunod naman si Mrs. Lapaza na muntakan na sana siyang makarating sa finish line.
Wahahahaha ako nalang ang natira. Fake na ahas lang pala yung inilagay nila.
"Mrs. Faulkerson! Ikaw nalang ang natira! You need to reach the finish line bago ka mahirang na champion sa game nato."
Binilisan ko hanggang finally! Narating ko na ang finish line! 🎶Ako ang nagwagi!!!!🎶 Sinalubong naman ako ni Chard at ni Athens ng yakap at halik.
"Galing ni mommy! Yeheeeey!" Pasigaw na sabi ni Athens.
"Naman! Wohooo! Congrats mommy." Mommy. Tinawag ako ni Chard na mommy. Shocks! So, ida.daddy ko na din ba siya? Charot lang. hahaha
"Okay, Ang next game natin... ang contestant ang mga daddies and kids!"
"Daddy! Tara na! Tayo na!" Masiglang alok ni Athens sa kanya.
"Will you be okay here?"
"Oo naman." Daddy. Charing! Hahahaha "Sige na, punta na kayo doon. Magpupunas lang ako ng pawis."
Kinarga ni Chard si Athens at patakbo silang pumunta sa linya. Haaay, ang sarap lang nilang pagmasdang dalawa.
"Wow naman! Galing niya, o. Nag fifeeling magaling asawa at ina. Fake naman." Alam ko kung sino ang nagsasalita galing sa likuran kaya di ko nalang pinansin.
"Alam mo? To tell you honestly, nagmumukha kang yaya pagkasama ang mag-amang Faulkerson."
Maine, wag kang lumingon. Wag mo siyang pagtuonan ng pansin. Inggit lang yan sayo.
"Ang galing mo doon sa game kanina ha? Di ka talaga nasindak sa mga pasabog na palaka at ahas. Sabagay, ka uri mo din naman yun. Mga fake... hahaha ay, meron pa, siguro di ka rin matatakot sa mga yon kahit totoo pa dahil yan ang mga ka tropa mo sa probinsya! Hahahahaha"
Hindi ko siya nilingon para tignan man lang. pagkatapos kong ayusin ang gamit namin... agad kong binuhat ito at nagtungo sa deriksyon kung saan naglalaro ang mag-ama. Ko. Haaay.
Sobrang dungis na nilang dalawa nang matapos ang laro. They got the 1st place. Okay na din yun kesa mapagod pa sila ng husto.
"Ang hard naman kasi ng game daddy! We need to fill the coca-cola bottle with water tapos kailangan pa nating mag crawl sa mud para makarating sa water. Haaay."
"Oo nga anak. Sorry ha? Di tayo na champion sa game."
"Okay lang yun dad. Champion naman si mommy sa first game."
"Uy, don't worry! Champion naman kayo pareho para sa akin, e. Kaya okay lang yun. Marami pa namang games. Tiyak mapapanalo na natin yun!"
"Next game! Mommies and Daddies naman ang maglalaro nito. This is so simple. Kailangan mapasok ni mommy ang kagat kagat niyang straw sa coca-cola bottle na walang takip na nakaipit sa dalawang hita ni daddy. But here is the twist! Naka blindfold si mommy! All mommies, dapat nakaline kayo 5 steps away from your husband. Pag 'Go' na, doon pa kayo pwedeng lumapit sa kanila. Ang mga asawa niyo lang ang pwedeng mag instruct sa inyo kung left or right ba or ipapasok na ba. Bawal ang mga anak! All the kids should stay at the back of your mommies. Doon kayo pwedeng mag cheer kasi bawal niyo marinig ang sinasabi ni daddy kay monmy. Okay ba yun?"
"Daddy Chard! Mommy Maine! Sali kayo." Nasamid naman si Chard sa iniinom niyang tubig. Namula agad si Maine sa sinabi ng anak.
"Baby, sorry ha? Pero ano, e... uhm, dirty pa si daddy." Rason ni Chard.
"Yung daddy nga ni Alexa dirty nga din, e. Pero sumali sila ng wife niya. Please kayo din. Mommy Maine, o. Si daddy... ang lazy."
"Anak, baka na tired pa si daddy. Later na ulit tayo sasali diyan."
"Ang premyo sa game nato ay free trip to Enchanted Kingdom with family!" Sigaw nung announcer.
"Naaaah! Daddy! Mommy!" Biglang umiyak si Athens. Anak ng baklang baboy naman uh-oh. Wala akong nagawa, ayaw ko namang masira ang araw nato para lang sa isang straw at botelya ng coke. Haaay.
"Tara na daddy! Este, Chard! Dali na." Para namang may kung anong sigla ang natanaw ko sa mukha ni Chard. Itong to din, o. Maharot!
"Let's go mommy, este Maine! Ipasok na natin ang dapat ipasok!" Hinila niya ako at humagalpak naman kaming dalawa sa kakatawa.
So help me God.
•••
Sana nagustuhan niyo ang update nato. Wahahaha 😂😂 mahal ko kayo. 💕 salamat sa inyong lahat!
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
53 • Game Day
Start from the beginning
