"Sir Faulkerson! Nako, nakakahiya naman. Ikaw pa talaga ang nagdala ng mga bagahe namin. Sabi ko naman kay Star na hintayin ako pero mukhang sobrang na excite siya... siya nalang ang nag akyat ng iba."

Napansin ko naman si Star na parang nagtatago sa likod ko. Natatakot ba siya sa mama niya? Kawawa naman. kaya para maibsan man lang ng kunti ang takot niya hinawakan ko ang kamay niya. "Okay, since si tito Chard na ang nagdala ng mga gamit niyo why don't you join your classmates, o. Nag play sila doon sa may playground."

"P-po?" Napatingin siya sa mama niya.

"Go. Be back pag tinawag na kita ha." Yun lang ang sinabi ni Grace sa kanya.

Kaming tatlo ang umakyat sa villa namin.

"Nako, salamat po talaga Sir."

"Walang ano man miss Luciano." Sabi naman ni Chard.

"Grace nalang po. Nakakahiya naman ang miss." Halos mamula mula niyang sabi. Ayay.

"Okay. Grace. Chard nalang din." Maamong sabi ni Chard sa kanya. Tignan mo to nag uusap sila na parang wala ako sa harap nila.

Tumunog naman ang phone ni Chard. Kailangan niya daw'ng bumaba dahil may kailangan daw siyang permahan from the eco-park's management kaya kami nalang ni Grace ang natira dito sa silid.

"Alam mo, maswerte ka sa kanya." She smirked.

"Ahehehe, salamat." Sagot ko naman. Swerte naman talaga ako sa kanya.

"Bantayan mo baka maagaw siya ng iba."

Napatawa ako. "Hindi ko naman siya kailangang bakuran. Di naman siya magpapaagaw."

"Talaga? How sure are you?" Teka, hinahamon ba ako ng babae'ng to? Anong ibig niyang sabihin sakin?

"I heard probinsyana ka. Naikwento kana sakin ni tita Z. I'm here niece kaya wag kang magtaka."

"Ah, I see." Ano naman ngayon?

"We never can tell, baka magsawa lang si Chard sayo. Alam mo naman... iba pa din talaga ang city girls kesa sa probinsyanas. Mas liberated ang mga city girls at isa yan sa mga gusto ng mga lalaki, like Chard."

"So, sinasabi mo bang mas bagay ka sa kanya kesa sa akin?" Lumabas din ang totoong kulay ng babaeng to. Kaya pala iba talaga ang aura niya para sakin. Yun pala magkadugo sila nung hilaw na ina ni Chard.

"Oh, wala akong sinabing ganyan." Napangisi ulit siya. "Anyway, alam kong binabahay ka lang ni Chard at hindi ka niya talagang totoong asawa dahil di pa naman kayo kasal... kaya wag kang mag umastang asawa talaga niya dahil nakakasuka tignan."

Para namang umakyat ang lahat ng dugo ko sa utak. Sarap sapakin ng babaeng to. "Alam mo miss Luciano wala sana akong oras para makipagsagutan sayo pero pake mo ba kung nag aastang asawa ako? Diba kakasabi mo nga na binahay na niya ako? Might as well act like a true wife." Alam kong nainis siya sa sagot ko kaya napalabas siya bigla sa loob ng silid.

Mukhang mapapasubok na naman ako sa outing na to. Tsk.

Kinagabihan, hinanap ko talaga si Chard para kausapin. Sobra na din kasi ang ka OA.yan niya. Daig pa ang babaeng dinadalaw kada buwan. Sa pool side ko siya nahanap. Naka upo habang ang paa niya ay nasa tubig.

"Hey! Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap."

"Gabi na, matulog kana."

I sighed. Kailangan ko ng mas marami raming hangin para may lakas ako ng loob na kausapin siya. "Wag ka namang OA. Kanina kapa ganyan sakin. Hindi lang kita napansin para kanang batang nagtatampo dahil naagawan ng laruan. Wag mo naman akong ganitohin Chard."

"Ikaw kasi, e."

"Anong ako? Ikaw nga diyan biglang naging cold sakin. Napaisip tuloy ako na nawalan ka ng gana sakin. Buti pa sa iba nakikipag usap ka ng maayos... ako na girlfriend mo di mo pinapansin. Ako nga dapat ata ang magtampo, e. Kaso binababa ko ang pride ko dahil ayaw kong magkagalit tayo. Di sasaya si Athens nito pag nalaman niya to."

"Hindi siya nagsalita. Huminga lang siya ng malalim at yumuko.

"Fine, ipagpatuloy mo lang lang kadramahan mo. Haaay, ako paman din ang bago sa ganito pero bakit ako ang nag aadjust. Makaali...-"

Hinila niya ang kamay ko. "Sorry. Sorry kasi ang OA ko. Nakakatampo lang kasi na mas pinili mong matulog kesa makipag usap sakin sa bus. Feeling ko tuloy nakakabagot akong kasama, feeling ko wala akong kwenta. Minsan na nga lang Ko ganun tapos binara mo pa. Ang saya ko na kasi... kasama ko ang dalawang babae sa buhay ko tapos nabara dahil sa antok. Hahai."

"Feeling mo lang yun! Kainis ka! Tumayo ka nga diyan! Yayakapin kita."

Tumayo naman siya. Ngayon, nakangiti na siya. "Sorry." Aniya.

"Sorry din." Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Hmmmm, sarap naman ng payakap ng girlfriend ko. Ganito lang tayo forever ha?"

"Forever." Kako. Haaay.

"Maine, alam mo ba may mas maganda pang gawin kesa yakap ngayon." OMG. No way!

"Ha? Nako Chard ha! Wag mo akong tignan ng ganyan."

"Have you tried night swimming?" Okay. Mali ako. Hahaha

"D-di pa."

"Ngayon. Ma tra.try mo na." At hinila niya ako papuntang tubig. Ang lamig. Sobrang lamig kaya napayakap ako sa kanya ng husto.

"Ang lamig!" Hinampas ko siya sa braso. "Ang sama mo! Sisipon tayo nito."

"Hahahaha ayaw mo nun? Relationship goals?"

"Hahahaha sira ka talaga." Napakapit ako ng husto sa batok niya hanggang magtama ang tingin namin at natahimik kaming dalawa.

"I love you Maine."

"I love you more Chard."

"Please wag mo akong iwan ha? Ganito lang tayo."

Ang daming atang daga na naghagabulan sa loob ng tiyan ko. Kainis! Bakit ba ang lakas magpakilig nito? Hahai.

"Forever." Kako. Hindi ko alam kung ano ang sumagi sa isip ko. Hinila ko papalapit sakin ang batok niya at hinalikan sa labi.

Bakit ba? Our promise of forever deserves a seal.

•••
Hello Everyone 💕
Sorry kung once a week ang update natin dito. Hihihihi 😊 na busy ako doon sa everyday update sa PG. hayaan niyo, medyo maluwag luwag na ang schedule ko. Baka makayanan na ang 3x a week update. Hehehe 😊

God bless us all. Amping!

Twitter/IG: sheeshaii021

No Empty SpacesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora