Hindi sumagot si Chard, malamang nagtatampo pa din to kaya yung kausap nalang niya ang tinignan ko para makakuha ng sagot. Hindi niya din ata alam kaya tinignan niya si Chard.
"Are we almost there?" Tanong ni miss Grace.

"Yes, actually ilang minuto nalang were there na." Sagot naman ni Chard. Nakangiti pa siya doon sa babae. Aba ha! Nananadya talaga siya. Nung ako yung nagtanong wala siyang sagot pero nung si girl yung nagtanong sinagot agad?! Ano to? Hmmp! Bahala siya. Alam ko naman na umaarte lang to kaya hahayaan ko nalang muna siya.

The place is so good. Isa pala itong Eco-village na ipina exclusive ng buong primary level para sa outing nato. May mga huts sila na pwedeng stayhan overnight, maganda yung lugar kasi nababalot ito ng green. As in green, dahil puro uno at halaman ang buong paligid. May area din na kung saan mag pipitch ng tent at may malaking area din kung saan pwedeng mag swimming dahil may malaking swimming pool din sila. A perfect place indeed for this outing.

"Okay, everyone. May mga villas tayo na pwedeng stayhan for tonight. Bukas ng gabi pa tayo magsisimulang mag stay sa campsite. Alam naman natin na excited ang mga bata sa camp natin pero we should check our safety first at mukhang pagod ang lahat sa byahe kaya magpapahinga muna tayo sa mga respective villas natin. Each roon may mga pamilyang naka assign na na doon mag sti.stay. Two families in each room po tayo ha?"

At sa pwede pa talaga naming masama sa isang silid. Itong si Grace Luciano pa talaga at ang anak niyang si Star. Hahai hindi naman sa di ko sila gusto pero iba yung awra ng ina, e. Tsss.

Agad naming inilapag ang mga gamit sa silid. "Haaay! I'm so tired mommy." Agad na humiga si Athens sa malambot na kama. Si Chard ay busy pa din sa kakaasikaso sa iba kaya na una nalang kami ni Athens sa Villa namin.

"Take a rest for awhile muna baby."

"Pero ayoko pang mag rest. Pwede po bang mag roam around muna ako with friends?"

"Sure. Basta take care ha? Take your phone with you para tatawagan ka lang namin pag ipapabalik na kayo. Wag lalayo." Kako sa kanya.

"Yehey! Thank you mommy." Agad siyang tumayo sa kama at lumabas sa silid.

Pagkaalis niya ay yun din ang pagdating ni Star na may bitbit na mga gamit. Saan kaya ang mommy nito bakit siya lang ang nagdadala ng mga to. Inilapag niya ang mga bags sa sahig at pinunasan ang pawis niya.

"Star? Are you okay?"

"Opo, im okay." Nakangiting sabi niya. Kawawa naman medyo mabibigat pa naman tong mga bitbit niya para sa kanya.

"Pahinga ka muna." Kako.

"Nah, may na left pa po sa baba tita. I need to get it before dumating si mama. Papagalitan na naman ako nun." Ha? Siya lang ang magbibitbit ng lahat na dala niya? Kawawa naman.

"Di sige. Samahan na kita. I'll help you."

"Really? Thank you po."

Lalabas na sana kami bg kwarto nang pumasok din si Chard. "Asan si Athens?" Tanong niya. Matigas din ang bagang ng isang to. Pa cold cold. Heh! Lalambot ka din sakin mamaya. Makikita mo!

"Lumabas lang kasama mga classmates niya."

"Saan ka pupunta?"

"Lalabas lang kami ni Star tutulungan ko siyang magbuhat ng mga gamit nila."

Napakunot naman ang noo niya. "Where's your mom Star?"

"May binili lang daw po siya doon sa store kaya ako nalang ang magbubuhat ng mga things namin." Sagot ng bata.

"Okay. Tito Chard will help you din ha? Tara." Sabi niya sa bata. Bumaba na kaming tatlo.

Binitbit lahat ni Chard ang mga gamit nila habang nakasunod lang kami ni Star sa likod.

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now