Nakita ko ang pagka dismaya sa mukha niya. Haaay, kawawa naman. "Sorry dad."

"Good. Don't worry pag maaga ko matapos yung trabaho ko doon I'll go to that PTA chuchu na yan.. okay?." Tumango naman ang bata.

Matapos siyang magpaalam ulit sa akin at kay Athens ay agad na siyang nagmadali para umalis.

"Bibi gir, ubusin mo na to para makaalis na tayo sa school." Suyo ni Yuna sa kanya.

Ramdam kong pinipigilan niya ang iyak niya. "Ayoko na."

"Pero di mo pa to na uub...-" pinigilan ko si Yuna.

"Yun, paki kuha mo nalang gamit niya para mahatid mo na siya sa school." Sinabihan ko si Yuna at sumang.ayon naman siya.

"Baba ka na para makapag toothbrush kana." Giniyahan ko siya para bumaba na sa kina uupo.an niya. Medyo mataas kasi ang silya kaya kailangan niyang tulungan para bumaba. Tinignan niya lang ulit ako.

"Look Athens, hindi ako bad. Okay? In fact I'm here to help you. Remember kanina? Nagalit si daddy mo pero pinigilan ko siya kasi ayaw kitang masaktan... I want to be friend with you. Sorry kung may nagawa si tita Maine sayo kaya  ayaw mo sakin pero..." huminga ako ng malalim, "Pero if you give me a chance na i.friend ako... promise I'll make you happy. Mabait akong friend." Palambing kong sabi sa kanya. Tinignan niya lang ulit ako.

"Sabi ni mamala bad ka."

"Kung i.frifriend mo ako malalaman mo kung bad or good ako. If malaman mo na bad talaga ako edi wag mo na akong i.friend ever." Tugon ko sa kanya.

"At aalis kana?" Ha?

"O-oo. Aalis ako kung yan ang gusto mo." Grabi naman. Pero sige, aalis din naman talaga ako.

Nagulat ako nang inilahad niya ang dalawang kamay niya. "Okay." Ngumiti siya sakin. "Baba muna ako." Aniya. Totoo? Friends na kami?

"Okay. Baba ka na tapos mag toothbrush." Kako.

Pinagmamasdan ko lang siya habang gumagalaw siya. Ang cute na batang to. Haaay. Sana talaga makuha ko na ang kiliti nito sayang naman kasi talaga tapos alam kong sasaya si Chard pag ganun.

Pagkatapos niyang magtoothbrush... nag tungo siya sa sala. Nagulat ako nang bumalik siya na may dalang suklay. "Tita Maine." Pabulong na sabi niya. "Can you comb my hair tapos i.tie mo na din? Higpit kasi ni yaya Yuna mag tienng hair, e. Sumasakit ulo ko." Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Sure sure. Come here." Sinuklayan ko at tinali na ang buhok niya.

"Tita Maine..."

"Hmmm?"

Humarap siya sa akin. "S-sorry po ha? Sorry if rude ako sayo. Sorry if nag bad ako sayo."

"It's okay honey. Ako nga dapat mag sorry, e. Sorry if na feel mo yun." Hinawakan ko ang kamay niya. Parang sadabog ang puso ko sa saya ngayon.

"Thank you for forgiving me tita Maine." Nginiti.an niya ako. Dios ko! Bakit ang cute cute ng batang to?

"O, sige na. Dali.an mo na baka ma late kana sa school." Kako, habang ngini ngiti.an ko din siya. Sasaya ng husto si Chard niyo.

Nagulat ako sa sunod na ginagawa niya... niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. "Thank you for making my daddy happy tita Maine. School na po ako. Bye bye."

Naiiyak ako sa sinabi niya. Grabi! She is so adorable. Mahal niya talaga tatay niya.

"Uh, dear?"

"Po?"

"I-if its okay with you... uhm, pwede ako mag attend sa meeting mo? If okay lang naman. Kung hind...-"

"Talaga po? Ikaw?" Bigla siyang napatalon. "Yehey!!! Sige tita ha? See you po mamaya. Ba-bye po."

Napangiti ako ng husto. Hindi ko alam kung bakit ko yun nasabi. Siguro na tuwa lang talaga ako dahil kinaibigan niya ako. Sana nga tuloy tuloy nato. Ang saya ko. Sobrang saya ko.

•••
Masaya din ako. SOBRA ❤️😍

No Empty SpacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon