"Dad, alam mo ba very good ako sa school. May declamation kami tapos ako nanalo."
"Uy, talaga? Wow naman. Proud si dad sayo anak." Sabi ni Chard sa kanya.
"Super happy na sana ako pero di full kasi wala ka sa night na yun pati sa birthday party ko. Wala ka din." Tampo niyang sabi. "Busy ka with... uhm, nag work ka."
Napahinto ako sa pag kain. "Hey, tapos kana?" Hinaplos naman ni Chard ang kamay ko.
"H-ha?"
"Dad maybe she's tired." Sambat naman ni Athens. Pagod? Di ako pagod no! Nasasaktan ako sa mga patama mo bata ka... hahai.
"Y-yes. Uhm, saan dito yung magiging kwarto ko Chard? Medyo masakit ulo ko, e. Baka naman pwede na akong magpahinga." Kako, okay. Bahala na muna ang gutom. Umiwas kana lang muna Mai.
"Sige, doon sa right side, pinakagilid. Yan yung room mo. Yung sa gitna kay Athens tapos yung sa kanilang gilid, yun yung sa akin."
"Okay, salamat." Tumayo ako.
"Uh Mai..."
"Yes?"
"Ako na magdadala ng iba mong mga gamit sa room mo. Dalhin mo nalang yung kaya mong bitbitin."
Tumango nalang ako at umalis na. May kalakihan pala tong Bahay ni Chard. Parang dalawang unit yung binili niya tapos inisa para medyo may spasyo. Nagtungo naman ako sa sinabi niyang silid at inilapag ang mga gamit ko.
Ganda naman dito. Ang bango at ang aliwalas ng paligid. Sino kaya ang gumagamit ng kwartong to. Lumapit ako sa isang larawan. Isang lalaking nakangiti. Ang cute niya nung highschool siya. Ang buhok parang dinilaan ng kalabaw. Ang kintab ha. Hindi ko mapigilang tumawa ng palihim.
"Anong tinatawa tawa ng mahal ko? Hmm?" Isang kamay ang biglang pumulupot sa bewang ko.
"Nakakagulat ka naman. Suminyas ka kaya paminsan minsan ano? Di ba uso yun?"
Tumawa siya. "Can we talk?" Sabi niya sakin.
Nilingon ko siya at hinawi yung kamay niya sa bewang ko. "Oo naman basta ba wag ka lang hawak ng hawak sakin kung saan if okay lang sayo. Hindi pa talaga kasi ako sanay, e."
"O, sorry. sorry. Okay, upo nalang muna tayo." Giniya niya ako sa may upo.an.
"Sige, anong pag uusapan natin." Kako.
"Maine, uh. A-ayaw mo ba dito? I mean tumira, uhmm. With her?"
"Ha? Okay lang naman Chard. Wala namang kaso sakin yun pero siguro nandoon talaga yung hiya kaya tahimik lang ako kanina. Pasensya ha?" Tsaka yung anak mo. Siya yung ayaw sakin.
"I understand pero masasanay ka rin, I know. Wag kang mag alala sa simula lang to tsaka andito naman si Athens. Mabait yun at feel ko naman gusto ka nun. Gusto ko lang masiguro na safe ka. Di ako mapakali kung wala ka dito sa tabi at paningin ko."
Lumundag ang puso ko bigla. Ganito pala talaga ang feeling na may nag aalaga at may nakakaisip na ibang tao sa kapakanan mo, ano? Haaaay. Pero medyo tagilid talaga ako kay Athens, e. Hahai sige na lang baka matuwid ko pa to kahit kunti.
Nag usap pa kami ng kunti at umalis na din siya para ipatulog si Athens. Gusto niya sana akong isama pero mukhang di pa magandang ideya sa ngayon kaya nag alibi nalang ako na pagod na ako at matutulog na. Naniwala naman siya kaya umalis din siya kinalaunan.
Hindi ako nakatulog agad. Ang dami pang sumasagi sa isipan ko. Ang dami kasing nangyari sa araw na to. Binantaan at tinakot ako ni Leo, sinagip naman ako ni Chard, umalis ako sa boarding house at lumipat dito sa bahay niya, tapos akala ko okay na... pero di pa pala. Kailangan ko pa harapin si Athens. Haaaay.
Biglang tumunog ang phone ko.
Chard ❤️
Akala ko ba natulog kana?
•
Bakit mo alam na gising pa ako? Hahahaha may CCTV ka ba dito sa loob? OMG! Pati ba sa CR?
•
Chard ❤️
Hahahaha Paano kung meron nga? 😉
•
Richard!!! Umayos ka ha! Sasapatusin talaga kita.
•
Chard ❤️
Ito naman, joke lang love. Naka On pa kasi ilaw mo sa loob. Pwede bang pumasok?
•
At bakit naman? May kailangan ka pa ba? Hindi ba yan mapagpabukas?
•
Chard ❤️
Wala namang kailangan... kunting kahilingan lang naman.
•
At ano naman yun?
•
Chard ❤️
Open mo muna.
•
Ano nga sabi??! Hindi kita pagbubuksan.
•
Chard ❤️
Sige na nga, isang 💋 lang sana. Kung pwede.
•
Hindi ko alam na nakatulogan ko na pala siya. Hahahaha. Kinabukasan may apat na messages akong na receive..
Chard ❤️
Hey? Nasa labas na ako. Open up.
•
Chard ❤️
Nilalamok na ako Maine.
•
Chard ❤️
Huhu. Buti pa sa boarding house mo nakakapasok ako agad. Dito sa sarili kong pamamahay hindi. Hustisya naman!!!
•
Chard ❤️
Sige na nga. Mukhang tulog kana man na talaga and I can't find my spare key sa room mo. Bukas nalang. I love you! Goodnight.
•
And that made my morning. Ang sarap sa pakiramdam na may nangungulit sayo na ganito. Napabuntong hininga ako habang tinitignan ko sa salamin ang sarili ko. Panibagong umaga, panibagong haharapin. Laban Maitot! Andito naman si Chard para sayo. Hinding hindi ka niya pababayaan. Kapit ka lang. Kaya mo to.
•••
Hi everyone, medyo matumal update ko (sa lahat ng stories) ulit ha? Nag dodouble time ako sa kaka Edit sa Amor Inesperado for the physical book. Hehehe may mga dinagdag kasi ako pero syempre same thought and plot of the story pa rin. Kunting kemburt na lang matatapos ko na to. Hehehe salamat sa mga nag tyatyaga dito! God bless us all. Love you! 😍
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
42 • New Home
Start from the beginning
