Tinabihan naman ako ni Joyce at niyakap. "Pagsabihan mo yang kaibigan mo. Hindi deserve ni Mai to Top. Alam mo yan." Sabay hagod sa likod ko.
"Mai, I'm really sorry. As much as I wanted to explain it to you parang ang hirap, e. At hindi dapat ako ang nag i.explain nito..."
"Wag na wag mo na papuntahin ang gago mong kaibigan dito Beb! Kundi pati ikaw kakaladkarin ko palabas." Banta ni Joyce sa kanya.
"Beb naman..."
Natigilan silang lahat ng may kumatok. "Maine?! Please. Please open up the door. Please mag usap tayo."
"Paalisin mo yan Top!" Sigaw ni Joyce.
"Beb alam mo naman na may katigasan yan sa ulo." Rason ni Top.
"Kung hindi mo yan mapapaalis... Ikaw ang lumabas dito at dalhin mo yang kaibigan mo pauw... -"
"No, papasukin niyo siya. Kailangan naming mag usap. Hindi din naman pwedeng tatalikuran ko to. Habang fresh pa sa isipan ko ang mga narinig ko." Sambat ko sa kanila.
"Pero couz..."
"Kailangan ko siyang kausapin couz. Alam mo naman na kakasimula lang namin. Pag uusapan namin to. Baka matang... - " humugot ako ng hininga."Matanggap ko pa kung ano ang totoo dito o di kaya... Tapusin ang kung anong meron kami kung sagabal man ito."
"Mai, pwede namang ipagpaliban mo muna. Kausapin mo lang siya kong di na ganito kainit ang sitwasyon niyo." Wika ni Top.
"Kung kailan malamig na ang palikitungo ko sa kanya? Hindi. Kakausapin ko siya. Mag uusap kami ng masinsinan. Kailangan kong malaman ang totoo." Kako habang hinilamosan ang mukha ko gamit ang mga kamay ko.
"Sige. labas muna tayo Beb. Couz, kung may problema at kailangan mo ng tulong sumigaw ka lang ha? Nasa sala lang kami ni Top."
Tumango ako at inayos ko ang sarili ko.
Pagkalabas nila at agad namang pumasok si Chard. Nagulat ako nang makita ko ang miserable niyang pagmumukha.
"Maine..."
"Chard..."
"Maine, let me explain. Please pakinggan mo ako."
"Makikinig ako."
"About what you've heard...-" he sighed. Para bang ang hirap sa kanya ang i.explain ito. Mahirap ba talaga?
Tinignan ko siya sa mukha. "Umupo ka ng maayos. Papakinggan naman kita. Kumalma ka lang." Tumayo ako at kumuha ng tubig at ibinigay ito sa kanya.
"I don't know how to explain this... Natatakot kasi ako na baka iwanan mo ako pag malaman mo na may anak ako." So totoo pala talaga.
Sumikip bigla ang dibdib ko. Paano na Mai? Panandali.ang kasiyahan lang pala talaga to.
May kinuha siya sa wallet niya. Wallet size picture. At inabot niya ito sa akin.
"Siya si Haidie. She's my daughter." Magandang bata. Halata sa kanyang mukha ang pagkamasayahin. Bigla tuloy ako nakaramdam ng pagka gulity. This lovely girl, inagawan ko ng kasiyahan.
"5 years ago, nagsimulang maging mesirable ang buhay ko dahil sa madrasta at sa anak niya. Napapaburan na sila palagi ni Dad kesa saming tatlo ni Sasha at Sheena. Napapabayaan na kaming tatlo. Basta ba mabigyan lang kami ng pera ay sapat na sa kanya yun. Lahat ng sinabi ni Mama Zenna nasusunod talaga ni Dad... Pati na yung oras naming apat na sana ay binabonding namin ay unti unti ng nawawala. Nung una sunusupportahan pa namin si Dad kasi nga kasiyahan niya yun pero kalaunan parang sumusobra na. Wala na talagang natitirang atensyon samin kaya isang gabi I confronted him. Kailangan din kasi namin siyang kausaping tatlo dahil nabuntis si Sasha at kailangan namin siya para may mag desisyon kung ipapakasal ba namin si Sasha o ano... Pero pinagalitan lang niya kaming tatlo sa gabing yun. E, keso wala na daw kaming nagawang tama tapos ngayon hihingi hingi kami ng tulong sa kanya para sa sitwasyon ni Sasha. Nagtalo kami. Sinumbat ko lahat sa kanya ang mga nagyayari samin lalo na sa kapatid ko. Sinuntok pa niya ako dahil natuto na daw akong sumagot sa kanya... Hindi ko pinatapos ang gabi yun, umalis ako at nag drive ng motorsiklo. Lingid sa kaalaman ko sinundan pala ako nila dad at ni mama Zen. Nang mapansin ko sila ay mas nilakasan ko pa ang pagpatakbo ko. Galit ako nun, sobrang galit. Hindi ako naging barumbado sa kabataan ko. Naging maayos ako dahil ayokong madungisan ang pangalan ni Dad pero ito pala ang mapapala ko. Natatabunan na ang mata ko sa mga luha ko. Hindi ko na makita ng maayos ang daan. May isang babae palang tumatawid, buntis. Dahil sa lakas ng motorsiklo na minamaniho ko ay hindi ko agad ito napahinto kaya nasagasaan ko siya pati din ako nasaktan pero mas worst ang kundisyon nung babae. Nabali.an siya ng braso at nabagok ang ulo niya." Huminto siya sa pagsasalita at tinignan ako ng mataimtim sa mata. Tumango naman ako para sabihing ipagpatuloy lang ang kwento niya.
"Dinala kami agad nila Dad sa hospital. Kunting galos lang at pasa ang natamo ko pero yung babae'ng 9 months na buntis ay nasa ICU pa daw nag aagaw buhay. Kinabukasan ay binisita ko siya sa kwarto para humingin ng tawad. Hindi ko naman kasi sinasadya ang nangyari. Kung ipapakulong niya man ako atleast nakapag sorry ako sa kanya at sa walang kamuwang muwang na bata na nasa sinapupunan niya. Pagkadating ko doon ay wala na. Huli na ang lahat. Namatay na pala siya. Para akong mababaliw nun, nagwala ako sa loob ng kwarto. Dahil sa katangahan ko ay may naagrabyado ako. Dalawang buhay pa talaga. Pero pumasok si Dad sa kwarto and he comforted me. Sinabihan niya ako na di ko kasalanan yun dahil aksidente yung nangyari. Pero di ako maka permi, kahit ilang oras na ang nakalipas ay di pa din ako pinapatahimik ng konsensya ko. Biglang may pumasok na nurse sa loob ng silid ko na may bitbit na bata. Nagulat ako, akala ko namali lang ng pasok ang nurse... "
Flashback...
"Sir ito na po si Baby girl niyo... Yay! Manang mana kay daddy ang mukha, o."
Nagulat ako. Paano naging mana sa akin ang bata? Wala akong naalalang may anak ako o di kaya nabuntisan. Ni wala nga akong girlfriend sa mga panahong yun. "B-baby ko?!"
Nagulat ako nang biglang kinuha ni Mama Zen ang bata sa mga bisig ng nurse.
"Kawawang baby..." Mas nagulat ako nang umiyak siya bigla. Ha? Ano to? "Baby, kahit wala na si mommy , andito naman si Mamala ha? Andito din si Daddy Chard para sayo." Parang mas lalong sumakit ang ulo. Ano ba ang nangyayari dito?
Nang kinuha ng nurse ang bata at ibinalik sa nursery room ay agad ko ng tinanong sila ni Mama Zen kung ano ang mga kadramahan na ginawa niya.
"Inaalala ko lang ang kapakanan mo Chard. Hindi ka dapat makulong. Dapat nga pagpasalamat ka dahil tinutulungan ka namin. Namatay na ang ina ng bata at wala naman tayong contact sa pamilya niya... Wala na tayong magagawa kaya panindigan mo nalang tong pagiging ama sa bata. Sa ganitong paraan mawala man lang yang konsesya mo sa nangyari."
End of flashback...
Para naman akong binuhusan ng malamig sa rebelasyon ni Chard. Hindi ko alam na ganito pala kalupit ang nangyari sa kanya.
"Maine, you've heard everything. Alam ko na hindi madali sayo ang sitwasyon kong to. Isa akong kriminal at sinungaling. Kaya maiintindihan ko kung tatapusin mo na ang lahat ng ugnayan na meron tayo. Gusto ko lang ipa alam sayo ang lahat para wala akong pagsisisihan sa huli. Mahal na mahal kita Maine. Sobra. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito pero rerespetuhin ko ang desisyon mo kung hindi mo matanggap ang sitwasyon ko. Wag kang mag alala ako na mismo ang lalayo sayo kung yun man ang gusto mong mangyari. I'll give you days to think about it. Wag ka munang pumasok sa trabaho. Pag handa ka ng kausapin ako, itext mo lang ako." Yun ang mga huling sinabi niya sakin bago siya tumayo at lumabas sa silid.
•••
I want to give Chard and Mai a tight hug.
Happy #ALDUB100thWeeksary Everyone. 😍
Malapit na din pala ako mag 1 year dito sa wattpad. 😊😊 Amazing! Thank you Lord.
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
36 • Listen
Start from the beginning
