"Hmmm? Maine salamat nga pala sa pagsama sakin dito sa inyo ha?  Nag enjoy ako sobra."

"Nako!  Ako nga dapat yung magpasalamat sayo dahil pinayagan mo akong umuwi."

"Alam mo naman... Anything,  for you..." Sabi niya sabay ngiti sakin.

Napahinto naman ako sa paglalakad at tinignan siya. "Chard..."

"Hmmm?"

"B-bakit ako?"

"Bakit naman hindi ikaw?"

"Kasi pobre ako."

"Sa tingin mo ba nag mamatter sakin ang estado ng buhay?"

"Kasi pangit ako."

"Sinong nagsabi? Babalatan ko."

"Ay grabi naman... Bakit nga kasi ako? Sinasagot mo lang din ako ng tanong,  e."

"Kasi naman kasi... Bakit kapa nag tatanong ng ganyan? Di naman na dapat tinatanong yan. Ikaw dahil ikaw ang tinitibok nitong puso ko,  ikaw dahil ikaw ang nilalaman nito,  ikaw dahil ikaw ang laman nitong isipan ko,  ikaw dahil ikaw ang nagpapaligaya sakin kahit sa maliit na bagay,  ikaw dahil ikaw... BASTA IKAW! Teka bakit kaba tanong ng tanong ng ganyan?"

"Naniniguro lang naman ako. Mahirap na baka na o.overwhelmed kalang kaya ako napili mo."

"Maine,  Mahal kita. Mamatay man si Batman,  Mawalan man ng brip si Superman, maging tomboy man si Wonderwoman... -"

"Peksman?"

"Naman!"

"Okay..." Sabi ko.

"A-nong okay?"

"Okay na. Tayo na uwi na tayo... Medyo lumalamig na dito masyado,  e. Tsaka baka may wakwak dito... Ay nako!  Di pa naman matatakutin tong kasama ko." Pabiro kong sabi.

"Maine naman,  e."

"Ano?"

"Nakakainis ka naman,  e."

"Bakit naman?" Patay malisya kong sabi.

"Akala ko ito na yun, e. Akala ko dito na,  e. Nakakainis ka naman,  e."

"E,  ka ng e, e.Hahahaha" Pang-asar ko.

Pansin ko naman na nag iba na ang ekspresyon niya. Napalitan ito ng inis. Kaya natahimik na ako.

"So hanggang biro.an nalang ba to lahat Maine? Sabihin mo naman sakin, o. Handa naman akong maghintay, e. Kasi nga sabi mo mahal mo ako pero kung biro lang din naman tong lahat... Wala na. Tapos na ang usapan."

"Chard..."

"Okay lang. Sige na balik na tayo." At na una na siyang naglakad pabalik sa bahay.

"Huy! Chard!" Sunod ko sa kanya.

"Bilis na..."

"Huminto ka muna kasi sabi, e."

"Doo na tayo mag usap sa bahay niyo. Ang ginaw na, o. Sisipon na tayo nito." Kanina gusto daw niya ang ginaw dito tapos ngayon atat na makapasok sa bahay. Hahay.

Tumakbo ako para habulin siya.

"Sandali nga sabi, e. Nagbibiro lang naman ako. Sorry na." Suyo ko sa kanya.

"Yeah, it's fine. Alam ko biro lang lahat."

"H-hindi naman kasi lahat, e. Yung wakwak lang naman yung biro ko. Pero yung ano..."

"Ano?"

"Yung M-mahal kita,  totoo yun."

"Maine kung napipilitan ka lang dahil sumama ako sayo dito... Don't worry,  I can wait naman kaya please uwi na tayo. Wag kanang mag alala."

"You can wait but I CAN'T,  ANYMORE." Wow,  english. Iba talaga pag natataranta na. Ano ano na ang lumalabas sa bibig.

"Anong ibig mong sabihin?" Napatingin siya sakin.

"C-Chard,  M-mahal kita and handa na akong maging parte ng buhay mo."

"H-ha?" Yun lang ang naging sagot niya sa sinabi ko. Lokong to!

"Ha mo mukha mo!"

"Wait,  ulitin mo nga..."

"Wag OA!  Di ka bingi dong!"

"Ito naman... Gusto ko lang marinig mula sa girlfriend ko yun." Girlfriend. Sarap naman pakinggan.

Nilapitan ko siya at pinisil ang magkabilang pisngi niya. "Ang cute cute naman ng boyfriend ko." Ang awkward naman. Pero ang sarap sa feeling.

"Ghaaaad! Shocks!  Wait lang! So totoo na nga..." nagulat ako ng bigla siyang nagtatatalon.

"Huy!  Ano ka ba!  Huminahon ka nga."

"Hayaan mo lang ako... Di ako makasigaw,  e. Baka Magising si Tatay. Kaya tatalon nalang ako." Aniya habang nagtatatalon pa rin siya hanggang makarating kami sa harap ng bahay.

Nakakatawa siyang tignan. Haaaay!

"Tama na nga yan! Hinahangos kana,  o." Saway ko sa kanya.

Nang huminto siya,  hinawakan niya ang mukha ko.

"I love you Maine!  Sobra sobra sobra!!!" Gigil niyang sabi. Kitang kita talaga sa kanyang mga mata ang kasiyahan.

"I love you too Chard,  Sobra!"

•••
OMG. Habang sinusulat ko to...  Ngiti ako ng ngiti!  Langya!  Possible pala yun no?  Wahahaha 😍😍

Haaay. Share me your thoughts guys.
Lovelots. 😘 God bless.

GUYS!!!  GUSTO KO NA TALAGA MA MEET SI ALDEN AT MAINE 😭😭 Seryoso! 

Twitter & IG: sheeshaii021

No Empty SpacesWhere stories live. Discover now