"Pero seryoso nga, malapit naba tayo? Mukhang liliyab na tong likod at pwetan ko dahil sa init, e." hinawakan ko naman ang likod niya. Oo nga, basa na yung likod niya sa pawis.
"Wait lang." May dinukot ako sa bag ko.
"Lapit ka sakin." Kako.
"Hala, ayoko niyan."
"Wag ng maarte. Kailangan mo to. Di pwedeng matuyu.an ka ng pawis baka ubo.hin ka... Mas malaking perwesyo yun pag nagkataon."
"Grabi siya. Perwesyo agad? Pero sige na nga. Mapilit ka, e." Lumapit siya sakin at tumalikod para malagay ko ang 'morning towel' sa kanyang likod.
"Yaaan! Okay na." Sabi ko sa kanya.
Nilingon niya ako... Wow?! Nakangiti. Ang lalim ng dimples ha.
"O? Anong ngini ngiti ngiti mo?" Tanong ko.
"Wala lang. Uhm, siguro pag tayo na... Ang swerte swerte ko talaga." OMG. Bakit ibang iba ang awrang pinapakita niya sakin.
"Bakit ka naman maswerte aber?" Obkurs! Dios ko saan ka pa ba makakahanap ng isang Maine Mendoza? Nag iisa lang to huy!
"Kasi ano... Uhm, di pa nga tayo pero inaalagaan mo na ako." Wow! Confident, o. Sigurong siguro siya na sasagutin ko.
"Lakas ng loob natin, a. 'Di pa?' Hahaha iba ka rin, e."
"Ito naman, ng babara ka, e. Seryoso na nga yung tao dito. Minsan na nga lang ganito tapos gaganitohin mo pa ako." Napabuntong hininga niyang sabi. "Baka nga siguro napipili... -"
"O, Terminal! Terminal! Hanggang dito lang po tayo" Nakakainis. Nag momoment pa kami, e. Panira tong si Manong kundoktor. Uugh!
"Maya na natin ituloy tong dramahan natin. Tara na." Kako, habang hinila ko siya patayo. Mabilis naming kinuha ang mga dala naming bagahi at bumaba na sa bus.
Hmmmm! Brgy. Sugod. Na miss kita!! Tay! I'm coming home na po.
"Mai? Ginoo ko. Ikaw lage ! abi nako na malik mata rako." (Mai, my God. Ikaw pala talaga. Akala ko namamalik mata lang ako.)
"Manang Susan!" Hindi ko na mapigilang lumundag at humiyaw. Wala na akong pake kung pinatitinginan na kami ng mga tao dito sa gilid ng daan.
"Aguy dai! Kamusta naman ka? Nag gwapaha man nuon kag ay... - kinsa ni imong uban dai? Mao nani imong trato?" (Huy dai! Kamusta kana? Lalo kang gumanda, ngayo- sino tong kasama mo? Ito na ba boyfriend mo?
"H-ha? Uhm... "
Bago pa ako makasagot ay nagtungo na sa deriksyon ni Chard si Manang Susan. Si Manang Susan ay isa sa mga matatalik na kaibigan ng Nanay at Tatay ko. Dito kami sa kanila madalas humihiram ng pera pag medyo sobrang gipit na talaga at minsan din dito ako nuon sa kanila nagbabantay ng apo nila at binibigyan naman ako ng sahod pandagdag bayarin sa mga projects sa school.
"Hi! Ako diay si Susan. Tawaga lang kog Manang, mao man gud ilang tawag sa akoa dir.. -Ginoo ko Mai! Aha man tawon ka kabingwit aning lalakiha oi! Ka gwapo ba sad kaayo. Mahadlok man sad ang abog mo dapat sa iyang panit." (Hi, ako pala si Susan, Tagawin mo nalang akong Manang. Yan kasi tawag sakin dit... -Dios ko Mai, san mo ba nabingwit tong lalaking to? Sobrang gwapo, Pati ata alikabok natatakot dumikit sa kanya.
"H-Hi din po. Richard po, Chard nalang. Ikinagagalak ko po kayong makilala Manang Susan. Pasensya po pero medyo hirap pa po akong makaintindi ng bisaya pero aaralin ko pa po." Pakilala naman ni Chard sa kanyang sarili. Infairness, magalang. Hehehe
"Hala oi! Tagalog man diay ning dako. Pagka dakong dumalas! Di ko kasabot Inday Maine oi! Nah, samot nga di ko kabalo mag tagalog. Hala sige. Mag una nako. Storya rata puhon. Bye Chard. Magandang umaga sayo." (Hala oi, laking tagalog pala tong kasama mo. Ang malas naman, di ako nakakaintindi Inday Maine at mas lalong di ako nakakapagsalita ng tagalog. Haaay, sige na nga. Una na ako, Usap nalang tayo soon. Bye Chard. Magandang umaga sayo.
Napalingo lingo naman ako at napangiting kinawayan si Manang Susan. Haaay! Kahit kailan talaga di pa rin nagbabago si Manang Susan. Ang daldal pa rin.
"Mai? Magandang umaga raw? E, mag gagabi na ata, e." Napangiting sabi ni Chard.
"Ano kaba... Yun lang ata ang alam niyang tagalog hayaan muna." Napatawa naman ako. "Tara na nga.. Susurprisahin pa natin ang tatay."
"Saan ba sa inyo dito?"
"Ay, mag gagabi na kasi... Wala ng namamasadang motor na maghahatid satin sa bahay. Maglakad nalang tayo. Okay lang ba sayo? Mga 1KM lang naman."
"Ano??! Wala pa pala tayo?! Pambihira! Bakit kayo dito nakatira sa pagka layo layong lugar? Dios ko! Tapos mag lalakad tayo ng isang kilometro? Wala bang kahit taxi dito? Mag arkila nalang tayo."
"O? Magrereklamo kana naman?! Alam mo Chard, ibaba mo nalang yang mga gamit ko at ako na magdadala. Bumalik kana lang doon." Turo ko sa pinanggalingan naming deriksyon. "Reklamo ka ng reklamo, e. Tsaka bakit ka pala sumama? Di naman kita sinabihang sumama, a."
"So talagang mag aaway tayo dito sa daan?"
"Ikaw kasi, e. Nakakainis!" Inirapan ko siya.
Bumuntong hininga siya. "Seeees, pasalamat ka mahal kita. Tara na nga! Kaya ko pa. Kahit pati ikaw bibitbitin ko pa."
Sige nga. Gawin mo nga...
"Talaga, tara dito! Kakargahin kita."
Langay! Narinig na naman ako?
•••
Sige nga! Kargahin mo! HAHAHA char.
Hi everyone, sobrang medyo busy po talaga ako sa Ojt kaya di talaga ako maka update dito. Sorry po. Tsaka sa mga nag message sakin at nagtanong kung kamusta kami dito sa Mindanao... Okay lang po kami, ako. ;) wag kayong mag alala. Safe na safe po kami dito under the Martial Law. :D
Love you all guys. May new story ako soon. Siguro sa story na yun mapapadalas update ko kasi medyo di mahaba ang mga chapters. Hehehe Ingat po. God bless.
Follow me if you like.
Twitter & IG: sheeshaii021
Fb: Probinsyanang Manunulat
YOU ARE READING
No Empty Spaces
FanfictionIsang babae'ng tinawid ang dagat ng Pilipinas mula sa probinsya hanggang sa syudad ng ka Maynilaan para makipagsapalaran. Kakayanin niyang mamuhay sa malayong lugar sa edad na biente uno para matustusan ang pangangailangan ng ama sa gamot pinansyal...
30 . Almost There
Start from the beginning
